Chapter 4

1.3K 41 2
                                    

Nagising si Toni sa maingay na tilaok ng mga manok. Kinusot nya ang mata saka dahan-dahang bumangon. Napalingon sya sa kabilang bahagi ng higaan. Wala na si Chona doon, marahil ay maagang gumising.

Inot inot syang bumangon sa tumayo at lumabas ng kwarto. Bago sya makalabas ay nahagip ng mata nya ang orasan. Alas sais pa lang ng umaga. Usually tulog pa sya ng mga ganitong oras noong nasa Maynila sya. Pero ngayon, pakiramdam nya ay napakahaba na ng naitulog nya at nagising pa sya ng maaga. The peaceful environment really helped her.

Bumaba sya sa munting hagdan ng bahay para magtungo sa banyo. Nasa hagdan pa lang sya ay nakarating na agad sa ilong nya ang mabangong amoy ng sinangag.

"Good morning, ate Toni!" Masiglang bati ni Chona na kasalukuyang nagwawalis sa sala.

"Good morning din."sinuklian nya ng matamis na ngiti ang sinabi ng bata. Maya-maya ay lumabas mula sa kusina si Aling Thelma.

"Naku pasensya na hija at nagising ka yata sa ingay. Dapat ay natulog ka pa. Maaga pa." Napangiti na lang ang dalaga sa sinabi nito.

"Hindi po. Pakiramdam ko kasi wala na rin akong itutulog." Nakangiting sagot nya. "Pupunta lang po ako sa banyo."

"Maliligo ka na ba? Naku sandali. Isasalin ko lang sa balde yung pinainit kong tubig. Nasa banyo na iyong tuwalya at yung damit na suot mo kahapon noong dumating ka. Wag kang mag-alala, nalabhan ko na ang mga iyon kagabi. Mabuti na lang at natuyo agad." Lalong lumawak ang ngiti ni Toni. Same old Nanay Thelma.

"Nay naman. Dapat hindi ka na nagabala. Alam mo ba, simula noong umalis ka sa bahay, natututo ako ng mga bagay na yan. And I'm so proud. Saka wala naman tayo sa bahay para pagsilbihan ako. Nakikitira na nga lang ako dito sa inyo. Ayos na po yun." Masuyo nyang nginitian ang ginang.

"Malaki na nga ang pinagbago mo. At natutuwa ako doon." Bumuga ito ng hininga at saka ngumiti. "O sige na. Mag-ayos ka na..pero ako na ang bahalang magsalin ng mainit na pampaligo mo. Kailangan natin makapunta ng maaga sa bayan para hindi tayo gabihin sa daan."

Ngayong araw ang napag-usapan nilang dalawa na pupunta sa bayan para bumili ng personal na gamit ni Toni. At ngayong araw din ang nakatakdang kasal nya sa hindi nya kilalang lalaki. At sigurado ang dalaga na hinahanap na sya ngayon ng magulang nya sa kung saang lugar sa bansa at mundo.

Pero sa halip ay hindi na lang nya inisip ang mga bagay na iyon. Excited sya sa adventure niya ngayong araw. Ayon kay Nanay Thelma, meron naman daw mall sa Maramag at pwede silang doon na rin bumili ng damit. Pero mas pinili ng dalaga na sa palengke na lang magshopping. Meron daw kasi doong tindahan na parang Baclaran at Divisoria ang presyo. Hindi man ganun kamahal pero maayos at maganda ang kalidad. At para pangatawanan ni Toni ang pamumuhay ng simple at praktikal, doon ang napili nya.

"Hindi ka ba kakatihin kapag iyon ang mga sinuot mo?" Nag-aalalang tanong ni Nanay Thelma habang naglalakad sila papunta sa kanto ng Brgy. Kuya.

"It wont naman po siguro. And this a better way for me to forget buying expensive stuffs even just for a while." hindi na mapigilan ng dalaga ang magsalita ng english kapag silang dalawa lang ng yaya ang magkasama. Mas sanay kasi syang magsalita ng ganong lenggwahe kesa sa tagalog.

The PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon