Chapter 5

1.4K 42 2
                                    

Maaga ulit nagising si Toni kinabukasan. Nasanay na yata sya sa tahimik na paligid at preskong hangin kaya maayos palagi ang tulog nya sa gabi. Doon pa rin sya natutulog sa kwarto ni Chona.

At tulad ng palaging nangyayari, busy sa pagwawalis ng mga tuyong dahon ng mangga sa bakuran nila si Chona. Si Tonton naman ang nagpapakain ng mga alagang manok. At si Toni kasama ni Nanay Thelma sa kusina habang naghahanda ng almusal.

"Pagkatapos mo dyan, ito naman ang hiwain mo. Dahan-dahan lang ha? Baka masugatan ka." Inilagay ni Nanay Thelma ang ilang piraso ng bawang sa mesa.

"Dont worry, Nanay. Kaya ko to." Tuwang tuwa si Toni habang enjoy sya sa paghihiwa ng mga ingredients.

Ngayon nya lang naranasan ang mga ganitong gawain dahil ni minsan ay hindi sya hinayaang tumulong sa gawaing bahay.

Makalipas ang ilang minuto, nahiwa na niya lahat ng kailangan.

"Done na, nanay."

"O sige..ako na ang bahala dito. Ikaw na lang ang mag-ayos ng mesa para makakain na tayo."

Masiglang sumunod naman ang dalaga. Inayos nya ang mesa base sa table arrangement na alam nya. Napapalakpak pa sya ng matapos iyon.

"Nyiii! Ang ganda naman ng ayos ng mesa. Parang nakakahinayang guluhin." Reaction ni Tonton nang makapasok ito sa loob.

"Oo nga ate. Ang sosyal naman nyan. Siguro nag-aral ka sa mamahaling school para matuto nyan?" Puna naman ni Chona.

Agad na nagkatinginan sina Toni at Nanay Thelma. Dahil sa excitement ay hindi na naisip ng dalaga ang mga dapat at hindi nya dapat ikilos.

Sa kabutihang palad, agad sinalo ni Nanay Thelma ang pagpapaliwanag nya.

"Mahilig lang talaga manuod ng kung ano ano si Ate Toni nyo kaya natuto sya. Sige na. Maghugas na kayo ng kamay para makapag-almusal na tayo."

Agad naman sumunod ang dalawang bata. Natapos na ni Toni ang pag-aayos sa mesa nang bumalik ang mga ito at agad na pumwesto sa upuan na naroon.

"Magdasal na tayo..." Sabi ni Nanay Thelma.

Nakita ng dalaga na agad na pumikit ang mga ito at taimtim na nagdasal. Kaya pumikit na rin sya at nakisabay sa pagdadasal ng mga kasama. Funny. She's Catholic per ni minsan ay hindi nya naranasan na magdasal muna bago kumain kasama ang buong pamilya nya. Sa bahay kasi nila, it's either mag-isa sya kakain sa dining room o kaya naman mag-isa syang kakain sa kwarto.

"Amen!" Masiglang sabi ng dalawang bata na halos sabay pa.

"O kumain na tayo!"

"Ayoko magkutsara, lola." Napatingin si Toni kay Tonton.

"Ako din ha, lola." Agad na segunda ni Chona.

The PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon