Mabilis na pumikit si Jhay ng mata nang marinig ang mahinang tunog ng pintuan mula sa dahan-dahan noong pagbukas. Nagkunwari syang tulog at saka lang sya dumilat nang masigurong nakaakyat na si Toni sa kwarto nito.
So totoo talaga ang hinala nya tungkol dito. The first time he saw Toni, agad na nyang namukhaan ang dalaga. Pero inisip nyang baka kamukha lang nito ang anak ng may-ari ng Cloud Airlines. Pero ngayong narinig nya ang dalaga na may kausap sa telepono kanina, mas tumindi ang hinala nyang totoo ang akala nya.
For some reasons, nadagdagan ang curiousity nya sa dalaga. Hindi nya alam kung bakit basta na lang napadpad ang isang prinsesa sa ganitong lugar. Hindi sa nakikialam sya pero gustong-gusto nyang tumulong. At hindi alam ni Jhay kung ano ang connection ng dalaga kay Nanay Thelma. Kung magtatanong naman sya, siguradong hindi nito sasabihin sa kanya ang totoo. Pero base sa narinig nya kanina, nagtatago ang dalaga at sa tingin ni Jhay ay malaki ang maitutulong nya kung ililihim nya rin ang nalalaman nya.
Tuluyan na syang nakatulog dahil sa pag-iisip.
Kinabukasan, tilaok ng manok ang gumising sa kanya. Tumingin sya sa relo nya sa braso at nalaman na 5:30 pa lang ng umaga. Wala pang gising sa mga kasama nya sa bahay.
Unti-unti syang bumangon at pumunta sa banyo. Pagkatapos ay naisipan nyang maghanda ng almusal nila.
Busy ang mga kamay ng binata habang nagluluto pero iba ang tumatakbo sa isipan nya. Kung tama nga hinala nya, kasama nya sa bahay ngayon ang prinsesa ng mga Montereal na si Antoinette o mas kilala sa tawag na 'Toni'.
Alam nyang kaunti lang ang nakakakilala dito sa normal na mundo. Hindi naman kasi ito madalas na nagpapakita sa publiko. Madalas sa mga exclusive gatherings lang makikita ang dalaga. Kaya kung may makakakilala man kay Toni kapag nasa public place ito, siguro ay iyong mga tao lang na may alam sa mundo ng mga nasa alta-sosyedad.
Dahil photographer at kilala din sa high society ang pamilya ni Jhay, madalas nyang makita doon ang dalaga. Noon pa man ay nakuha na nito ang atensyon nya pero hindi nya mapagtuunan ng oras dahil busy sya at sa tingin nya ay masyadong reserved ang dalaga. Pero hindi nya akalain na muling magtatagpo ang landas nilang dalawa dito sa Maramag. At kapag nga naman sinuswerte, kasama nya pa ito sa bahay at nakakausap nya pa.
Naputol sa pag-iisip si Jhay nang bumungad sa kusina si Nanay Thelma na mukhang kakagising lang.
"Naku hijo, hinintay mo na dapat ako para ako na ang nagluto. Nakakahiya sayo." Tumulong si Nanay Thelma sa paghahanda ng pagkain sa mesa.
"Ayos lang po. Magaang trabaho lang ito. Saka para matikman nyo naman ang luto ko." Biro nya dito na ikinatawa lang ng kausap.
Maya-maya pa ay pumasok naman ang babaeng buong gabi nyang inisip. Kahit simpleng damit lang ang suot nito, mahahalata pa rin ang pagiging prinsesa ng dalaga. Nakalugay ang wavy nitong buhok na mas nakadagdag sa ganda nya.
"Uyy, si Kuya Jhay sobrang makatingin kay ate Toni." Narinig nyang tudyo ni Chona na sinundan pa ng hagikhik ni Tonton. Masyado yata syang na-space out dahil hindi man lang nya namalayan ang pagpasok ng mga bata sa kusina. Tumingin sya kay Toni at nakita nya ang bahagyang pamumula ng pisngi nito pero agad ding ngumiti.