Chapter 9

1.1K 39 7
                                        

AN:

I miss Jhay Del Fierro. It's been ages since I updated this and finally...I found the right path of coming back. Lol. And yeah, I know you've waited long enough for the updates of this book so please bear with me for being so insensitive. Good thing is, I'll be regularly updating this story. But then again, not too often. Regularly means every chapter wont take several months after the other. Piece of cake? So I hope you enjoy this chapter!

- Ate Cass

***

"O, nasaan na si Jhay? Bakit mag-isa ka na lang dito?", napalingon si Toni kay Nanay Thelma na kakaupo lang sa kabilang lounging chair na nasa kaliwa nya. Bumalik ito sa suite para kumuha ng towel ng dalawang bata.

"Umalis lang po sandali. May importante lang daw syang pupuntahan." Ibinalik ng dalaga ang tingin sa mga taong masayang nagsu-swimming sa malaking pool. It wasnt summer pero marami tao sa resort. Mabuti na lang, hindi naman crowded ang pool area. There's a pool for adults and separated naman ang kids.

"Bakit hindi ka muna magswimming habang naghihintay sa kanya? Ako na bahalang magbantay ng gamit mo." Lumingon uli sya dito.

"No, Nanay. I dont feel like dipping into the water today. Kayo po?" Mabilis na iling ang sagot nito.

"Naku, ayokong magbabad ng matagal sa tubig at baka sumpungin ako ng rayuma ko." Natawa sya sa sinabi nito. "O ayan na pala si Jhay."

Napalingon sya sa direksyon ng mata ni Nanay Thelma. Mula sa kabilang side ng pool area ay sumulpot si Jhay at may kasamang babae. Hindi nya masyadong makita ang mukha ng kasama nito dahil medyo malayo. Pero mula sa pwesto nya ay tanaw nya ang kulay ng buhok ng babae. Nag-aagaw ang pagka-blonde at itim nito. The girl was barefooted and wearing a white robe. Slim ang katawan nito at matangkad. She wonder who was that girl?

Maya-maya ay naglakad na ang dalawa papunta sa gawi nila.

"Aba't si Kyla pala ang kasama ni Jhay." Nasagot ang tanong nya ng magsalita si Nanay Thelma. Napalingon sya dito. Kunot ang noo.

"Who is she?"

"Anak siya ng Governor ng Bukidnon. Once a year lang umuwi ang batang yan dito dahil nag-aaral sa Amerika." Ibinalik nya ang tingin sa dalawang pareha. Kasalukuyang nakatayo ito sa may grupo ng bakasyunista at nakikipag-usap.

"They know each other?"

"Ang sabi ni Jhay, nagkakilala na daw sila ni Kyla noong nag-aral sya sa America. Siguro nalaman ni Kyla na narito si Jhay ngayon kaya umuwi ito."

Nawirduhan sya bigla sa pakiramdam nya. Bakit bigla syang nainis sa babae? Hindi naman sya ganun kamaldita.

Tuluyan nang nakalapit ang dalawa sa kanila. And she admit, the girl was gorgeous!

"Hey, sorry natagalan ako. By the way, this js Kyla. And Kyla, meet Toni." Sabi ni Jhay. Iniangat ni Toni ang shades na suot at ipinatong sa ulo saka tumayo at nakipagkamay sa babae.

"Hi. Nice to meet you." She wore her sweetest smile.

Saglit lang sya nitong tinitigan saka bumaba ang mata sa nakalahad nyang kamay. Parang nagdadalawang isip pa ito kung tatanggaoin o hindi. Pero sa huli ay nakipagkamay din ito pero mabilis lang.

"And this is Nanay Thelma..." Patuloy ni Jhay.

"Ohh... You brought your maid with you all the way from Manila?" Kyla tried to joke. Pero nagpanting ang tenga ni Toni sa narinig. Nobody insults her Nanay Thelma.

"She's my aunt. And dont you ever insult anybody specially her..." Matapang na sagot nya dito na ikinagulat ni Jhay at Nanay Thelma.

"And this girl can speak English. Where did you learn that? Some romance pocketbooks?", sinundan pa nito iyon nang nakakaasar na tawa. "Oh dont answer. Baka maubusan ka ng English."

"Kyla, you're being mean again." Sabi sa kanya ni Jhay. Tiningnan lang nito ang binata at saka ngumiti.

"I was just kidding. Anyway, let's swim."

At walang sabi sabing inalis nito ang buhol ng robe na suot revealing her sexy body wearing a pair of stripes bikini. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Toni ang humahangang mata ng mga lalaking kanina pa naglalangoy sa pool. Halos lahat sa mga ito ay napatigil at nakatingin na lamang sa babae.

"Come on, Jhay!" Sigaw nito nang napansin na hindi nya kasunod ang binata.

"I'll be right there." Sagot nito saka sya nilingon. "Tara, swimming tayo..."

Napataas ang kilay ng dalaga.

"With that girl? No way! Baka bigla na lang lumutang sa tubig yan at paglamayan mamayang gabi." She said seriously.

"Hey... She was just kidding. Pasensya ka na sa kanya. Ganyan lang talaga sya. But Kyla is a nice girl.", at ngayon ay ipinagtatanggol pa ito ng binata.

"Well, I dont care. She insulted Nanay Thelma."

"Hija, hayaan mo na. Ganyan talaga ang ugali nyan..." Napalingon sya dito.

"You're also siding her?"

"Hay, ikaw talaga. Mainitin pa rin ang ulo mo. Naku, sige na, hijo. Sumunod ka na doon. Ayaw talaga magswimming nitong si Toni." Tumingin sa kanya si Jhay.

"Are you sure?", tumango na lang sya. "Okay. But join us anytime you want." Sabi nito saka hinubad ang suot na tshirt at board shorts.

Halos mapanganga si Toni sa magandang katawan ng binata. He looks...magnificent. Mama mia!

"Kalimutan mo na ang sinabi ni Kyla, anak. Ganyan talaga ang ugali nya. May pagkamatapobre kasi talaga yan. Hindi ko alam kung kanino nagmana samantalang pareho naman mabait ang parents nya."

"Baka nakuha nya sa culture sa America..." Nasabi nya na lang. Busy na kasi sa panunuod kay Jhay sa swimming pool. At kanina pa nag-iinit ang ulo sa nakikitang pagdikit ni Kyla dito. Dahil doon ay may naisip sya.

Inalis nya ang shades sa ulo at ipinatong sa lounging chair na inuupuan nya kanina. Saka nya hinubad ang topper nya.

"O, akala ko ba ayaw mo magswimming?" Takang tanong ni Nanay Thelma.

"I changed my mind." She said while taking off her shorts.

That revealed her sexy one-piece red swimsuit. Lalong nakita ang curves nya sa suot na swimsuit at lalo lumitaw ang kaputian nya. Her swimsuit made justice to her long, shapely legs. Lihim na lang na napangiti ang dalaga nang mapansin ang mga matang matamang nakatingin sa kanya. Lalo pa syang nasiyahan nang dumako sa kanya ang tingin ni Jhay at ng malditang si Kyla.

'You wouldnt like it if you mess with Toni Montereal', sabi nya sa sarili patukoy kay Kyla. Saka sya nagdive sa pool at sumisid habang sa haba ng kaya nyang languyin.

She looked like a fierce mermaid having fun under water. Nagmistulang swimming competition ang nangyari dahil nagsunuran ang kalalakihan sa dalaga sa kagustuhang malapitan ito.

Ngunit ganun na lang ang pagkagulat ni Toni nang sa pag-ahon nya at may humawak sa magkabilang braso nya at inakay sa gilid ng pool at walang sabi-sabing hinawakan sya sa bewang at iniangat paupo doon.

"Uyy, bakit mo ako pinaahon? Nag-eenjoy pa ako." Sabi nya.

"I thought you're not in the mood of swimming." He looked amused.

"Nagbago ang isip ko. Nasaan na nga pala ang buntot mo?" Natawa ito sa tanong niya saka sumampa at naupo sa tabi nya.

"Pinaalis ko na. Baka totohanin mo ang banta mo sa kanya. Her dad will hunt you for the rest of your life." Natatawang sabi nito.

"I'm not scared..."

"I know you're not..." Tumayo na ito at inalalayan sya. "Come on..."

"Where to?"

"Somewhere far from here. Delikado ka dito. Maraming tao..." Nagtaka sya at napatingin sa binata. May nalalaman ba ito?

"W-what do you mean?"

"Mean of what? Maraming nakabuntot sayo dito. Delikado. Mukhang hindi ka titigilan ng mga lalaking yan. Mas matindi pa sa bubuyog kung makasunod." Nakahinga sya ng maluwag at saka ngumiti.

"Well, not really my fault." Sabi nya saka naglakad na papunta sa pwesto nila kanina

The PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon