"Daddy, here!" sigaw ng anak kong gustong gusto magpakuha ng litrato sa ama niya.
"Careful, Coco.." paalala ko sakaniya na kanina pa takbo ng takbo.
Nandito kami ngayon sa Central Park at iginagala si Coco dahil nga birthday niya. Hindi naman gaano mainit at sana hindi rin umulan o umambon dahil konting anggi lang kay Coco, sumasama na ang pakiramdam.
Simula noong umuwi ako sa Pinas ay naging maselan na ako sa pagbubuntis kay Coco, kaya ingat na ingat sakin sila noon. Dahil konting galaw ko lang ay nahihirapan ako. Bago ko palang din kasi ipagbuntis si Coco ay kulang na ako sa dugo at about sa condition ko na may breathing difficulty ako.
"Manang mana sayo yung bata." bulong sakin ni Paolo habang nakaupo kami sa gilid at pinapanood si Coco na makipaglaro sa mga bata.
"Halos mamatay ako sa paglabas diyan, talagang sakin magmamana yan." pagmamayabang ko.
"Well, she has my features..." proud na sabi ni Paolo.
"Some." paglilinaw ko. Totoo naman, ilong at labi lang nakuha ni Coco sa tatay niya. Buti nalang sakaniya nakuha yung ilong kasi matangos e ako? medyo disappointed.
"Coco! Let's go na." sigaw ko ng aalis na kami at pupunta kami sa second to the last destnation namin.
"Where are we going, Mommy?" tanong sakin ng anak kong pawis na pawis.
"We are going to Brooklyn Bridge!" sabi ko sa anak ko habang pinupunasan ko ng pawis.
Nauna na si Paolo sa sasakyan para pag pasok namin ay malamig na ag loob. Medyo padilim nadin kaya kailangan na naming bilisan dahil baka magkasakit si Coco dahil sa sobrang pagod.
Nakita ko ang ibang tao na sinusundan kami ng tingin at yung iba ay kinukuhanan kami ng litrato. Alam ko naman na kakalat na ang nangyayari samin ngayon kaya bahala na. Basta wag idadamay yung anak ko.
"Baby, look here." pinicturan ko si Coco sa bridge. At ito namang anak ko ay todo pose.
"Ikaw naman..." bulong ni Paolo sa likod ko.
"H-Huh?"
"Baby, come here. We will take a photo of mommy." nalinawan na ako sa sinabi ni Paolo kaya naman inabot ko na ang cellphone ko sakaniya pero tumanggi ito at inilabas ang sakaniya.
Agad naman akong pumunta sa harapan nila at nagpapicture. Sanay na ako kung paano ko lalaruin ang camera ni Paolo kaya naman maganda rin ang kinalabasan.
"Excuse me? Can you take a picture of us?" tanong ni Paolo sa isang babae na nakatayo lang at tinititigan ako.
"Sure. I'm a fan, actually." ngumiti na lang ako sakaniya dahil medyo nahihiya sa ginawa ni Paolo.

BINABASA MO ANG
From Runway To The Sky
JugendliteraturLiyana Aria Diamante is a supermodel in New York who is from Philippines. She decided to continue her passion and also her study as a Tourism student in New York but she didn't expect to have a partner in runway and also in the sky who will let her...