029

76 1 0
                                        

Ilang linggo na rin ang nakakaraan simula noong nagpropose sakin si Paolo. Ilang linggo narin kami naka uwi sa Pinas at back to work narin ako.

"Mommy! Tita Kayla is calling!" tawag sakin ng anak ko mula sa sala ng bahay.

"Kayla, bakit?" sagot ko sa phone.

[Sister! Our parents wants to meet you.] sabi ni Kayla sa kabilang linya.

"H-huh?" hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko dahil hindi ko pa nakikita ulit ang parents ni Paolo simula noong naghiwalay kami ni Paolo.

[Don't worry. Please clear your schedule on Friday night. Don't forget to bring my baby Coco and your parents.]

Binaba na ni Kayla ang tawag matapos niyang sabihin na magkikita kami sa Friday. Hindi ko naman ma-cancel yung flight ko sa Friday dahil kailangan ako doon. Dalawang domestic flight lang naman yung schedule ko kaya panigurado bago mag gabi ay nakauwi na din ako.

"Coco! Halika muna, please." tawag ko sa anak ko dahil aalis ako ngayon dahil may flight ako papunta sa Dubai.

"Why, Mommy? Are you leaving?" nagpapaawang tanong sakin ni Coco.

"Yes, baby. Mommy will go to work again. Stay with Mama Clare will take care of you." niyakap ko agad ang anak ko dahil malungkot na naman.

Kahit ayokong umalis pero kailangan dahil kailangan ako ng mga pasahero at kailangan ako ng kumpanya. Si Paolo ang piloto ko ngayon kaya wala talagang maiiwan kay Coco. Nakalipat na rin si Paolo dito sa bahay at umalis na sa condo na inuupahan niya dito sa Manila.

"Let's go?" pag-aya sakin ni Paolo. "But can Daddy recieve a tight hug and sweet kisses from my princess?"

Agad naman lumapit si Coco kay Paolo para bigyan ng yakap at halik. Hindi ko na matatanggi na anak ni Paolo si Coco dahil kung paano naging sweet si Coco at katulad din kay Paolo.

"Mag-ama nga talaga." bulong sa gilid habang inaayos ko ang maleta ko.

Inihatid ko na si Coco sa bahay nila Daddy para maka-alis na kami. Gabi ang flight namin at mahaba ang byahe papunta ng Dubai kaya puyat na naman ang makukuha ko.

"Are you complete?" tanong sakin ni Paolo pagpasok ko ng kotse.

"Yes, Captain." pabirong sabi ko.

Saglit lang ang naging byahe namin papuntang headquarters namin para makapag-in at magkaroon ng safety briefing. Senior crew ako kaya ako ang may rsponsibilidad sa safety briefing.

Nang makapag-in na kami ang isa-isa na ring nagsidatingan ang ibang crew. Apat ang piloto at siyam ang flight attendant. Kailangan din kasi namin mag shift ng duties, kumabaga mauuna muna kaming batch kasama si Paolo at sunod ang pangalawang batch.

"Good Evening, Welcome onboard. This way na lang po." pagwe-welcome ko sa mga pasahero na pumapasok.

"Ms. Liya?" tawag sakin ng isang junior crew kaya agad naman akong lumingon. "May extra seats pa po ba tayo?"

"I don't know, bakit?" 

"May gusto po kasing mag palit ng seat. Gusto daw po nasa window seat siya." pagpapaliwanag sakin.

"Ah okay. Welcome the passengers, ako na kakausap." umalis ako sa may pinto at inassist ang pasaherong nagpapapalit ng seat.

"Hi Ma'am, I heard you want to change seat po?" I politely said.

From Runway To The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon