026

71 1 0
                                    


"Mommy!!!" tuwang tuwa na salubong sakin ng anak ko pagdating ko sa bahay.


Agad din napawi ang sobrang pagod kong katawan galing sa long flight ko. After almost 8 years my daughter will turn 8 this coming March, ang gusto daw niya ay pumunta sa New York dahil gusto niyang rumampa.


"My lovely, Coco!!" sinalubong ko ang anak ko na tumakbo papunta sakin.


"Why did you go?" tanong sakin ng anak ko.


"Canada." 


Umakyat na ako kasama ang anak ko papunta sa kwarto ko. Malinis ang kwarto at hindi magulo dahil alam ni Coco na magagalit ako pag makalat at marumi ang kwarto ko. At dahil may mga flight ako, iniiwan ko na lang siya sa yaya ko dati o di kaya iniiwan ko kay Tita...Mommy Clare.


"Coco, where did you wanna celebrate your birthday again?" tanong ko na baka sakali magbago ang isip niya. Maganda naman sa New York dahil nandoon lahat ng Ninang at Ninong niya, kaso... Hindi pa ako handang ipakita kay Pao si Coco.


Simula noong umuwi ako dito ay hindi na ako nakipag usap kay Paolo dahil pinutol na nga ng parents niya at ni Kristel. Kilala naman ni Coco si Paolo, pero sa pangalan lang. Ayokong ipakita kung sino ba talaga ang tatay niya dahil baka hanapin niya.


"I want to go to New York, mommy!" masayang sabi niya sakin at sabay yumakap. Agad ko naman tinignan ang schedule ko dahil magle-leave na lang ako kahit 1 week lang at maigala ko si Coco sa New York.


"Okay, then. We go to New York."


After ng ilang flight ko ay nakabook na ako ng flight namin. Kinabukasan ay bumili ako ng ilang damit ni Coco na pwede niyang ifashion show sa daan. Natutuwa naman ako dahil para akong bumibili at binibihisan ang manika ko.


"Hi Ms. Liya, bakit po hindi na namin kayo nakikita sa mga fashion shows?" tanong sakin ng isang cashier na walang ginagawa.


"Uhmm... I need to study." hindi ko masabi na dahil nabuntis ako kasi isipin nila na kay Paolo yun at baka kumalat atmalaman pa nila Kristel.


"Yana, are you sure na dadalhin mo si Coco sa New York?" tanong sakin ni Mommy Clare.


"Baka pagkaguluhan yan doon." dagdag ni Dad.


"Mom, Dad, chill... It's all fine. We will be fine." 


"We're just saying is-" 


"Dad, don't worry Kuya will be there. Goodnight." umakyat na ako at iniwan na sila sa may sala.


Nag-aayos na ako para bukas sa flight namin ni Coco. Hindi ako makatulog dahil excited ako para sa anak ko at excited din akong bumalik sa New York. Hindi na kami nag-abala sa hotel dahil sa apartment ko nalang kami mag-stay.


"Anak, Coco, wake-up na..." ginising ko na ang anak ko para paliguan siya at para maayos ko na siya.

From Runway To The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon