CHAPTER 16

288 15 8
                                    

Meeting namin sa Music Club. Pero hindi ko parin makalimutan yung mukha ni Nash kanina. Parang na kokonsenya ako na hindi ko maipaliwanag. Bakit parang pinag sisihan ko kanina yung mga sinabi ko sakanya. Eh yun naman talaga gusto ko. Ayoko na ma involve pa sa kanila. Lalo na at si Alexa pala ang may gawa sakin ng ganun.

Anu ba nangyayari sakin?. Ok naman ako dati kahit wala akong kaibigan.
"Sharlene, are you ok?" natauhan ako sa tumawag sakin.
"Ate Miles?, anu yun?"
"Ok ka lang? Kanina ka pa namin tinatanung about sa pinag meetinggan natin"
"Ah, pasensya na po"
"It's ok. Okay every one, mukhang pagod narin kayo. Pwedi na tayong umuwi"

Nadidistract ata ako ngayon ah. Naman Sharlene! Anu na ba nangyayari sayo ngayon?.

Kinuha ko na bag ko at lumabas na ng classroom.
"Sharlene!" Tawag sakin ni Jairus. Huminto ako sa paglalakad. "Ok ka lang?"
"Oo naman"
"Sigurado ka?"
"Oo"
"Parang hindi eh. Kanina, parang ang lalim ng iniisip mo. Yun ba ang ok". Napangiti nalang ako sa sinabi ni Jairus. Ang tindi rin ng pakiramdam ng lalaki na 'to..
"Pwedi ka mag share sakin. Kung ok lang sayo" sabi niya. Teka, sasabihin ko ba na ang iniisip ko kanina ay si Nash?. Baka kung anung isipin niya. Wag nalang!.
"Salamat Jai ha. Next time, mag shashare ako. Kailanggan ko na kasing umuwi ngayon. Sige ha."
"Sige,ingat ka"

*****

Pag pasok ko sa kwarto ko, parang ramdam na ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko. Pati ulo ko ang sakit na..

Ba't parang sobrang big deal naman sakin yung favor ni Nash, at hindi na ma alis alis sa isip ko.

Napahiga nalang ako sa kama ko, at napatinggin sa dream catcher.

Bakit ba sa tuwing titinggin ako sa dream cather na 'to. Si Nash ang naiisip ko. Anu naman kinalaman niya dun?.

Ah! Siguro kasi, siya yung kasama ko 'nung araw na napunta sakin yang dream catcher na yan. Oo tama, kaya nga.

****

Nakakatamad naman pumasok ngayon. Kaya lang hindi naman pweding umabsent. Lagot ako kay papa at kay kuya.

Bumangon na ako at pinilit ang sarili ko maligo, mag toothbrush, magbihis at kung anu anu pang daily routine.

Samantala sa School. Nagulat ako sa nadatnan ko sa locker ko. May mga guhit ng red na pentel pen ang kulay cream na pintura ng locker ko. Anak ng pating at seahorse. Sinu naman ang walang hiyang gumawa nito.

Luminga linga ako. Lagot talaga sakin kung sinu man gumawa nito. Napadapo ang tinggin ko sa babae na naglalakad papunta sa kung saan ako nakatayo. Walang iba kung hindi si Alexa.
"Hi Sharlene" bati niya. Plastic naman. Baka nga siya may gawa nitong vandalism sa locker ko. "O, what happened?" Sbi niya habang hinahawakan ang locker ko at parang pinupunas ang nala vandal. Ayoko naman mambintang! Masama kaya yun. Pero hindi ko miwasan eh. Lalo na at alam ko na na si Alexa pala ang may gawa ng pagpapakulong sakin sa bodega.
"May loko loko nanaman na gumawa niyan. Kapag nalaman ko talaga kung sinu ang nag vandal niyan. Makakatikim siya sakin. Hindi niya ata kilala kung sinu kinalaban niya" sabi ko. Para kung sakali na siya nga may gawa niyan. At least aware siya.
"Ang sama naman ng gumawa niyan. Alam mo Shar. Kailanggan mo ring mag ingat" binabantaan ba ako nito?
"I'll go ahead na ha, see you sa classroom. Bye".

Nakakainis. Panu niya nagagawang makipag usap sakin?. Hindi ba siya naguguilty? O wala lang talaga siyang konsensya?

Binilisan ko na ang pagkuha ng mga libro ko. Kaya lang nahulog ang mga ito sa sahig. Kapag nilpitan ka nga talaga ng mga tao na masasama ang ugali. Pati ikaw ma dadamy na.

Pupulutin ko na sana yung mga libro ng may ma una ng pumulot nito. Si Nash.

Hala! Bakit ganito? .lumalakas nanaman ang tibok ng puso ko. Parang kinakabahan ako.

Tumayo na siya at ibinigay sakin yung mga libro.
"Salamat" sabi ko.
"Usap tayo mamaya. Sa dating lugar" sabi niya at umalis na.

Parang patagal ng patagal. Hindi lang basta bully tung si Nash. Nagiging mysteryoso narin. Anu ba iniinom ng mokong na yun?

****

After class ay dumiritso na ako sa lugar na madalas naming puntahan ni Nash. Ewan ko ba. Para kasing gustong gusto ko rin pumunta. Pero kinakabahan ako.

Pagdating ko doon. Ay nandoon narin si Nash.

Naka upo. Kaya lumapit na ako.
"Anu ba pag uuspan natin?" Sabi ko. At na upo.
"Akala ko di ka dadating" sabay pakawala ng ngiti niya, dahilan kung bakit lalong lumakas ang tibok ng dibdib ko. Anu ba nangyayari sakin?
"May kailanggan kang sabihin sakin" sabi niya. Teka teka, siya nagpapunta sakib dito, kaya siya ang may kailanggang sabihin sakin. Pero bakit ako tinatanung niya?.baliktad naman ata.
"Anu naman sasabihin ko?"
"Bakit bigla bigla nalang nag bago ang isip mo. Bakit ayaw mo na ako tulunggan kay Alexa?. May dapat ba akong malaman?". Anak ng pating. Nasa Hot seat ba ako? Nakaka preassure ha.
"Naisip ko lang kasi na. Parang wala naman akong magagawa. Kaya mo na yan. Ang lakas kaya ng dating mo sa mga babae. Kahit isang kindat mo lang mapapa oo mo na sila. Kaya, di mo na kailanggan ng tulong ko. Yakang yaka no na yan Bro"
"May gusto ka ba sakin?" Seryoso niyang tanung. Loko to ah. Ba't ba siya magtatanung ng mga ganyan.
"Ha?" Na mental block ako. "Hahahaha, Nash naman. Paano?"
"Yun lang kasi naiisip ko na dahilan kung bakit ayaw mo na akong tulunggan. Ayaw mo ko mapunta kay Alexa. Dahil?"
"Hindi naman sa ayaw ko na mapunta ka sakanya. Ang akin lang, nakikita ko naman na kaya mo na mapa oo siya. Kaya di mo na kailanggan ang tolong ko."
"Ba't di mo nalang kaya sabihin na may gusto ka sakin"
"Haha, wow ha. Wala akong gusto sayo nuh"
"Panu kung ako meron"
"Ha?"

"SHAAARRRLLLEEENNNEE!" anak ni chichay naman. Nagulat ako sa sumigaw. Si kuya. Hala. Panaginip lang yun? Aaayyy, buti naman. Pero teka, anung oras naba?.

Hala late na. Naman o.

Ang bigat naman ng katawan ko. Parang ayaw sumunod sa sinasabi ng utak ko.

Hanggang sa bllaaaaaannnnkkk. Nawalan ako ng malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHAT IFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon