CHAPTER 8

161 14 0
                                    


''Ok positioning'' sigaw ni Sir.
''I'm Sorry Sir, I'm Late'' sabi ng lalaking pumasok, ng hingal na hinggal. Bigla akong natuwa, ng makita ko si Nash. Pero ng mahismasan ako. Galit nanaman nararamdaman 'ko.
''Mr. Aguas, better to be late than never. Mabuti naman at umabot ka''
''Sorry po Sir''
''Sige na, pair with Ms. San Pedro''
''Yes Sir'' tapos lumapit na siya. Sarap pilipitin ng tengga nitong lalaki na 'to.
''Buti naman at nakonsenysa ka'' sabi 'ko.
''Late lang. Ngumiti ka naman, para mas mataas grades natin'' sabi niya. Inirapan 'ko lang siya. 'O, yang kamay mo akin na'' tapos nag start na 'yung music. Waltz yung music. Yung tipong sinasayaw ng mga princess. Buti naman at magling 'to si Nash, kaya nadadala narin ako.

After 20 mins, natapos na. Naka upo na kami sa sahig.
''Very Good performance. Bukas ko nalang e'aanouce yung grades niyo. You may go now''. Tumayo na ako, at mag bibihis pa ako ng uniform.
''Sharlene!'' Tawag ni Nash. ''Pasensya na, late ako''
''Ba't kaba kasi Late?''
''Basta! Ah sige, una na ako''. Sira talaga kukuti nang lalaki na 'to.

Yes, sa wakas, snack time nanaman. Nasan kaya sina Sophia at Steph? Kanina ko pa sila hinahanap, hindi ko mahagilap. Mag isa tuloy akong kakain.

Pagkatapos ko kumain, naglakad lakad muna ako. Baka sakaling makita 'ko sila. Ba't kaya di nala ako pinapansin?

Tama nga si Nash, mahirap nga talaga ang mag isa. Ng walang kaibigan na makakasama mo. Ba't kasi hindi ako friendly? May problema ba sakin? Hindi ba ako normal?.

Ewan! Pag anggat 'ko ng ulo ko nakita ko sina Sophia. Lumapit ako sakanila.
''Lets Go steph'' sabi ni Sophia.
''Teka, ba't kayo umiiwas sakin?''
''Gurl, mukhang friends na naman na kayo ni Nash eh. So sakanya ka nalang sumama''
''Ha? Bakit ayaw niyo ba?''
''Ayaw, diba galit nga kami kay Nash. Kaya kami nakipagkaibigan sayo, dahil we know that you also hate him. Nagkamali pala kami. Madali kalang 'din naman pala madadala ni Nash. Pareho ka lang 'din pala ng mga babae na nilalapitan niya''
''Ha? Nagagalit kayo sakin dahil nakikipagkaibigan ako kay Nash?''
''Oo, tara na steven''

Ganun lang? Galit sila sakin dahil 'dun. Tinggin nila na katulad ko lang din ang mga usual na babae na nilalapitan ni Nash?. Hindi naman tama 'yun. Eh kung ayaw nila makipagkaibigan sakin, eh di fine. Sanay naman akong mag isa eh.

MUCIS CLUB...

First meeting ng member ng music club. Hindi 'ko nakita sina Sophia. Baka nag back out sila. Galit nga talaga sila.

"Ok everyone, lahat ng baguhan sa club, dito ma upo". Sabi ng club pres. Umupo na kami sa kabilang upuan. "My name is Miles Ocampo, your club president. Ako ang mag bibigay ng lahat ng schedules ng club natin. And don't worry, magiging relax lang tayong lahat. No pressure, but more happiness and joy lang gagawin natin. Pero dapat hindi parin mawawala ang focus natin okay?''
''Yes Ate Miless'' sabi naming lahat. Mukhang okay naman dito sa club na 'to. Chill lang. "And by the way. Sila ang mga ate ninyo dito" turo niya sa iba pang tao na nakatayo sa may likod niya. Sila yung matagal na sa club na 'to. "Ok, gusto ko na magpakilala kayo one by one dito sa unahan". At nag umpisa na si Ate Miles sa pagtawag sa mga new memeber.

Yung iba, nag show talent pa sa pag kanta. Karamihan sa mga kasali magaganda 'yung boses. Si Jairus, tumugtog ng guitara at kumanta. Infairness, magaling siya.
"Ok, next. Sharlene San Pedro". Ako na pala. Naglakad na ako papunta sa unahan. Hinubad 'ko muna sombrero 'ko.
"Hi, I'm Sharlene San Pedro, pwedi niyo 'rin akong tawaging Shar. Marunong akong tumugtog ng guitar, at kumanta ng kunti"
"Sample naman!". Sigaw ng isa pang member. May nag abot sakin ng guitara. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Di kaya ako sanay mag pakita ng talent sa harap ng maraming tao. Humingga muna ako ng malalim, pero syempri hindi ako nagpahalata na kinakabahan ako. Mas lalong nakakahiya 'yun.

*Now Playing;
'One and Only You'

Nagpalalpakan naman sila. Nakahingga na ako ng maluwang.
"Thank you very much sainyo, natutuwa ako dahil very cooperative kayong lahat, and that is one of the character na dapat meron kayo dito sa club na 'to.
And, yun lang muna, mag ttxt nalang ako for the next meeting natin ok?.
Pwedi na kayong umuwi''

Na una na akong lumabas. Pupunta pa pala ako sa faculty office, as usual, linis ulit. Anu pa nga ba.
''Sharlene!''
''O Jairus''
''Galing mo kanina''
''Salamat. Kaw din naman''
''Hehe, salamat. Sa'n kana pupunta ngayon? Uuwi kana?''
''Hindi, maglilinis pa ako sa faculty office''
''Ah oo nga pala''
''Jai!'' Napatinggin kami pareho sa lalaking tumawag kay Jairus. Si Nash! Seryoso 'yung mukha niya.
''O Nash! Bakit?''
''Hinahanap ka ni Kobi, nasa cafe siya''
''Ah ganun ba. Sige pupuntahan ko na siya''
''Papunta kana sa faculty?'' Tanung ni Nash.
''Oo, tara na. Late na tayo o. Baka madagdagan pa punishment natin''. Pero imbes na sumunod. Abah hilahin ba naman ako.
''Hoy, anu naman ba nangyayari sayo?'' Sabi 'ko. Minsan kasi talaga, hindi 'ko maintindihan ang ugali nitong lalaki na 'to. Hirap basahin. Ang labo.

Napansin 'ko nalang na nakarating na kami sa isang lugar na pamilyar sakin. Ah oo, dito 'din ako dinala ng mokong na to nung una. Sa werdong lugar na 'to. Ang liblib kasi, ba't ba gustong gusto niya tumambay dito? Baka nga mamaya may multo pa dito.
''Problema mo nanaman ba?'' Sabi 'ko.
''Wala. Gusto ko lang may kasamang tumambay dito''
''Sira ka talaga. Kailanggan na nating pumunta sa faculty, mag lilinis pa tayo remember?''
''Alam 'ko''
''Alam mo naman pala. Tara na''
''Bukas nalanbg tayo pumunta 'dun''
''Hindi pwedi mapapagalitan tayo''
''Hindi 'yan ako bahala. Tsaka Sanay naman na tayong mapagalitan diba?''
''Ay ganun?. Tol, nagbabagong buhay na ako. Kung ikaw hindi pa, wag mo na akong idamay''
''Haha. Nakakatawa ka talaga''
''Seryoso nga diba? Ikaw kung ayaw mo, ako nalang pupunta''
''Sandali'' Tapos hinawakan niya kamay 'ko. At nakatitig lang siya sakin.
''Anu?'' Sabi 'ko. Titigan nalang ganun?
''Samahan mo muna ako, kahit ngayon lang'' sabi niya. Anu pa nga ba magagawa 'ko, kung makapag pigil naman 'to.
''Anu ba gagawin natin dito? Mag goghost hunting?'' Oo nga naman, anu nga ba gagawin namin dito.
''Pwedi 'rin'' sarap sapakin ng taong 'to. ''Joke lang. Ganyan kaba talaga? Ang anggas mo, parang 'di ka babae''
''Babae ako nuh. Tsaka, anu ba mali sakin?''
''Yang boses mo, e'tone down mo nga yan kahit kunti. Para kang tibo mag salita''
''Eh sa kung ganito nga ako. May magagawa ka ba?, wala diba?''
''Kung sabagay, wala naman talaga akong nagagawa sa kahit sinu, kahit samin''
''Ang lalim mo ha. Alam mo, parang problematic ka?''
''Tss. Wala. Wag mo na akong pansinin''
''Tsk. O, ba't 'di ka nga pala pumasok sa first subject kanina?. Di ka nakapag quiz''
''Oo nga eh. Sigurado papagalitan nanaman ako ni Ma'm Betty''
''Bakit nga ba? Ba't di ka pumasok?''
''Basta!''
''Basta. Pwedi mo namang sabihing tinatamad ka. Pa basta basta ka pa 'jan''
''Nag ka problema kasi sa bahay''
''Ah ganun ba? Paensya na''
''Ok lang. Sanay naman na ako eh. Lagi namang ganun sa bahay''
''Strict ba parents mo?''
''Strict?'' Tapos tumawa siya. Anu naman kaya nakakatawa. ''Si Papa Oo, pero alam mo 'yung wala man lang silang tiwala sakin. Wala na ngang tiwala, wala pang time para sakin. Lahat nalang ng gagawin ko, mali sa tinggin ni Papa, hindi ko na alam kung sa'n ako lulugar''
''Ahh, alam ko na kung bakit pasaway ka''
''Tss, gumawa man ako ng mabuti, masama parin. Ang hirap!''
''Mahirap talaga kapag ganyan. Siguro hayaan mo nalang siya sa kung anu iniisip niya sayo. Basta, ikaw gawin mo nalang ang mga bagay na alam mong tama. Siguro hindi niya pa na rerealize yun ngayon. Pero kapag dumating na 'yung time na 'yun, na puro kabutihan na ginagawa mo, siguro mapapansin niya naman na siguro 'yun''
''Ewan 'ko''
''Mag gagabi na o. Uwi na tayo''

NASH...

Hindi 'ko alam na itong babae na ito pa pala, makaka unawa sakin. Magkakasundo nga kami nito.
''Hoy anu na? Di pa ba tayo uuwi?'' Sabi niya. Takot 'din pala 'to. Akala ko ba matapang 'to. Dilim lang takot na.
''Ma aga pa''
''Ma aga? Saang planeta ka ba nakatira? Gabi na kaya. Kailanggan ko ng umuwi''. Tapos tumayo na siya.
''Tara!'' Inunahan ko na siya maglakad.
''Uy, sandali'' haha, nakakatawa. Takot talaga sa dilim. Dilim lang pala kinatatakutan nito.

WHAT IFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon