CHAPTER 4

185 10 2
                                    


Kutang kota na ako sa adviser namin ah. Ako pa ba to? Tahimik lang naman buhay ko dati ah, pero simula ng mabangga ko 'yang Nash na yan, nagkanda malas malas na ako. Haayyy..kailanggan ko muna mag laylow kaya 'sharlene mae santos san pedro, control yourself. Isipin mo nalang ang pag aaral mo'.

''Ms. San Pedro, magpalit kana ng P.E uniform, anu pa tinatayo tayo mo jan?'' Sigaw sakin ng P.E teacher namin. Ang hard ah.

P.E class namin. Dancing, nakakainis, ayoko ng dancing. Pareho kaya kaliwa paa ko. By partner 'yung dancing, la! Lagot magiging ka partner ko. Patay 'yung mga koko niya sa paa pagnagkataon.

Nag start na si Sir mag pair, hinihintay ko tawagin name 'ko.

''Sharlene pair with Jairus'' napansin 'ko na nagulat si Jairus, yung tinggin niya eh, parang nangagamba. Ako na lumapit sakanya. Para kasing may tinatago talaga 'tong lalaki na 'to eh.
''Ok everybody. Stand up. Lets start the basic dancing''. Tumayo na kami, walang nag sasalita saming dalawa.
''Hoy, ok ka lang?'' Sabi 'ko mukha niya kasi, parang nangangamba na hindi 'ko maintindihan. Natatakot ba to sakin? Hindi ko naman siya aanuhin.
''Tss'' sabi niya.
''Uy, ihanda mo na yang mga paa mo ha. Hindi ako marunong sumayaw''
''Lalo naman ako.''
''Ha. Hindi ka marunong? Hala! Eh di pareho tayong mahihirapan niyan''
''Bahala na''

Nag start na sa pag turo si Sir. At sa inaasahan nga namin, pareho kami hindi marunong. Pinagtatawanan na nga kami ng mga kakalasi namin.
''Ms. San Pedro, and Mr. Aquino, sempli lang naman yung step, bakit hirap na hirap kayong sumunod?''
''Eh Sir, mahirap po talaga para samin'' sabi ni Jairus.
''Ok, You!'' Turo ni Sir doon sa isang classmate namin na magaling sumayaw na kapartner ni Nash. ''Ikaw na mag pair kay Mr. Aquino''
''But Sir'' sigaw nung babae. Pero tinignan siya ng masama ni Sir. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang lumapit kay Jairus.
''And you, Mr. Aguas, pair with Ms. San Pedro'' no way. Mas lalong hindi kami mag kakasundo nito.
''Sir? Seryoso?'' Sabi ni Nash.
''Yes, bilis na. Nasasayang oras natin. Go, proceed tayo''

Magkaharap na kami ni Nash ngayon. Kitang kita 'ko sa mukha niya ang inis.
''Umayos ka. Kapag inapakan mo 'ko, lagot ka sakin'' sabi niya. Hindi na ako sumagot, baka kasi away na naman. Ayoko na mapagalitan nuh.
''Mr. Aguas, Ms. San Pedro, anu na? Nag sstart na o. Anu pa tinatayo tayo niyo 'jan?''. Sigaw ni Sir. Humawak na ako sa kamay ni Nash.
''Chansing Ms. Tapang. Swerti mo naman, naka hawak ka sa kamay ng isang Nash Aguas'' pabulong niyang sabi.
''Feeling mo naman''
''Kung inaamin mo na kasi na type mo 'ko. Eh mas naiintindihan ko na kung bakit ka nagkakaganyan''
''Eh kapal mo 'din naman eh. Hoy! Hindi lahat ng babae e'magugustuhan ka. Kaya wag kang feeler!''
''Hindi lahat? Haha, baka ikaw lang''
''Anung pinag uusapan niyo?'' Gulat kami pareho. Nasa harap na namin si Sir. ''Kanina pa ako nag bibigay instruction, at mukhang pareho kayo busy. Ayoko ma stress, at kung ayaw niyong dalawa makinig, makakalabas na kayo''. Natulala nalang ako. ''Get out to my class'' sigaw ulit ni Sir. Pinulot ko na bag ko at lumabas na ng Gym. Nakakahiya na talaga. Lagi nalang ako napapagalitan.

Paglabas namin ng gym, binato ko si Nash ng sombrero 'ko. Hindi ko na kasi mapigilan ang inis ko. Sa tuwing madidikit ako sa lalaking yan, lagi nalang akong napapagalitan.
''Anu ba problema mo? Ba't ba lagi ka nalang nanakit?'' Sigaw niya. At siya pa talaga may lakas ng loob na manigaw. Eh kung tutuusin siya naman na una. Hindi ko din maintindihan pag iisip ng taong to eh.
''Ikaw problema 'ko. Alam mo, ng dahil sayo lagi nalang akong nasasangkot sa gulo. Pwedi ba, kung gusto mo mapagusapn dito sa school, wag mo na ako idamay''
''At ako pa talaga? May kasalanan ka 'din naman kung bakit ka nasasangkot sa gulo''
''Dahil ayoko na inaapi api ako ng mayabang na katulad mo''. Sabay walk out. Hindi ko na talaga kaya, naiiyak na ako. Oo babae lang naman ako, mahina 'din ako. Pero hanggang kaya ko ipakita na matatag ako, na matapang ako ay gagawin 'ko. Ayoko na inaapi api ng kung sinu sinu. Lalo na ng lalaking 'yun.

NASH...

Ibang klasi 'din 'yung Babae na 'yun. Kasalanan ko pa talaga kung bakit siya nasasangkot sa gulo? Hala! Eh kung hindi siya nagtatapang tapanggan 'di sana hindi ganito nangyayari.

''Bro! Haha, anu ba nangyari sainyo? Ba't pinalabas kayo ni Sir?'' Tanung ni Kobi.
''Anu ka ba Kobi, tinatanung pa ba 'yun. Eh 'di nag away na naman sila nung Sharlene'' sabi ni Jairus.
''Nanaman? Haha, nice''
''O, ba't nasayo 'yan sombrero ni Ms. Tapang?'' Tanung ni Jai.
''Binato niya. Alam niyo, ako pa talaga sinisisi niya kung bakit siya nasasangkot sa gulo. Eh kung hindi niya ako kinakalaban 'di sana tahimik buhay niya'' sabi 'ko.
''Teka lang ha. Nagsimula ang lahat ng to ng nabangga ka niya nung first day of school. Hindi niya naman siguro sinasadya 'yun'' sabi ni Jairus.
''May point si Jai Nash. Baka hindi niya naman talaga sinasadya 'yun. Alam mo, hindi ka naman ganyan dati ah. Gentleman kanaman talaga sa mga girls diba? Sa magaganda nga lang. Pero hindi naman namin akalain na aabot na sa ganito. Na pati sa studies mo nadadamay na. Tigilan mo muna si Ms. Tapang''
''Alam niyo, tama kayo. Pero, kapag siya na una. Hindi ko pweding palagpasin lang 'yun''
''Haha, o sige''

After ng class ay pumunta na ako sa faculty office, para gawin ang punsihment namin. Pero pagdating 'ko doon wala si Ms. Tapang. Na isahan nanamn ako ng babae na 'yun. Ako lang talaga paglilinisin niya dito? Wow ha.

''Nash, nandito kana. Ito nalang table 'ko linisan mo. Nalinis na ni Sharlene 'yang lahat eh. Dito nalang ang hindi''
''Tapos na po siya maglinis?''
''Oo, ma aga yung pumunta dito kanina''
''Ah ganun po ba''.
''Pagkatapos mo, pwedi kana rin umuwi''
''Opo Ma'm''

Himala ata, na una na maglinis. Akala ko ba ayaw may pa talo 'nun. Pero ok narin atleast 'di na ako masyado ,mapapagod.

NASH HOUSE...

Papasok na kami ng gate ng mapansin ko ang sasakyan ni Papa na naka park. Nandito na pala sila. Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok.
''Good Evening Sir'' wika ni Ate Betchay. Tumanggo lang ako.
''Nash, anak. Mabuti nandito kana. Magbihis ka muna tapos kakain na tayo''. Sabi ni Mama. Speaking of my parents. My parents have no time for me since birth, I think. Lumaki ako na si Ate Betchay lang kasa kasama 'ko. Si ate Betchay nag dadala sakin sa pedia kapag nag papa check up ako, siya nag aatend ng mga meeting sa school. Hanggang ngayon, siya lagi ko kasama. Why? Because my parents were both busy in their work. Nakakasama na nga sila ng loob eh.

Nagbihis na ako, pero hindi muna ako bumaba. Nahiga muna ako at naglaro ng Psp.
''Nash! Tawag kana ng Mama at Papa mo sa baba''. Tss. Bakit pa? Sanay naman sila na wala ako sa paninggin nila. ''Nash''. Tawag ulit ni Ate Betchay.

Bumanggon ako at binuksan ang pinto.
''Pakisabi nalang po na hindi ako kakain''
''Nash! Alam ko nagtatampo ka sa mga magulang mo. Pero pagbigyan mo na sila. Ngayon na nga lang ulit kayo mag sasabay sa pagkain eh''
''Ate Betchay--''
''Pagbigyan mo na sila. Kahit ngayon lang''. Hindi ko talaga matiis si Ate Betchay. Kung hindi dahil sakanya, mawawalan na ako ng respeto sa mga magulang 'ko.

Bumaba na ako. Masama ang tinggin ni Papa sakin. Lagi naman eh. Lagi naman kasi mali ko nakikita niya.

''Alam mo naman siguro na bawal paghintayin ang pagkain diba?'' Sabi ni Papa. Here they are, nagsisimula nanaman si Papa sa pag sumbat at pagalitan ako. Hindi nalang ako umimik, at na upo na at nagsimulang kumain.
''So How's School'' tanung ni Mama.
''Ok lang naman''
''Wala ka naman sigurong kalukuhan ginagawa sa school mo?'' Kalukan, yun naman lagi niyong sinasabi eh. May gawin man ako o wala, masama parin tingin niyo sakin.
''Maynililigawan kana ba anak?'' Tanung ni Mama.
''Wala po''
''Why?''
''Wala pa po akong nagugustuhan ma''
''Ahh, ganun ba. So How's Jairus and Kobi?''
''They both ok''
''Papuntahin mo naman sila dito sa bahay bukas. Mag luluto ako ng Snacks. Ma aga kayong umuwi ha''
''Hindi ko po sigurado ma. May importante po kasi akong ginagawa sa school. Kaya ginagabi po ako''
''Sigurado ka ba na sa school talaga yang ginagawa mo? Baka naman gumagawa ka ng kalukan kaya ginagabi ka''
''Zack! Stop that''
''Wala po akong ginagawang kalukan. Nasa sainyo na po 'yan kung maniniwala kayo o hindi. Besides, wala naman kayong tiwala sakin'' tumayo na ako. ''Akyat na po ako''.

Wala na nga silang oras sakin. Pati ba naman tiwala wala parin?. Bahala sila. Tutal wala naman silang pakialam sakin eh. I hate this kind of life. I hate them.

WHAT IFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon