CHAPTER 7

144 10 0
                                    


Nandito na kami sa faculty office. Walang nag sasalita saming dalawa ni Nash. Kahit siya. Himala talaga, ang tahimik niya. Hindo bagay sakanya.
''Hindi kana galit?'' Sabi niya. Napatingin nalang ako sakanya.
''Kinuha ko 'yung Ice Cream diba?'' Sabi 'ko. Tapos ngumiti siya. Kakaiba 'yung ngiting yun. Ngiting totoo, at hindi pang iinis.
''Malay ko ba, baka matakaw ka. At takam na takam ka sa ice cream kaya na kinuha mo''. Ha? Pambihira! Matakaw?'eh kung sipain kaya kita.
''Ganyan kaba talaga huminggi ng sorry?''
''Haha. Hindi. Mortal Sin na ba ang mag joke ngayon?''
''Hindi. Hindi lang maganda pakinggan ang joke mo. Lalo na at galing sayo''
''Haha, nice. So friends?'' Inabot niya kamay niya.
''Hindi na nga ako galit. Pero hindi 'ko alam kung magiging magkaibigan tayo''
''Bakit hindi? Mukhang ok kanaman eh. Parehas tayo bully. Magkakasundo tayo''
''Wow ha. At yun talaga basehan mo. Alam mo Mr. Aguas, hindi mo naman kailanggan makipagkaibgan sakin kung mag sosorry ka lang naman. Hindi natin kailangan maging friends''
''Ahh, that's why you don't have any friends here. Alam ko na kung bakit''. Tapos ngiti ngiti siya.
''Anung ibig mo'ng sabihin?''
''Alam ko alam mo ang ibig kong sabihin''. Sabi niya. Sinasabi niya ba na masama akong tao kaya wala akong kaibigan.
''Sabihin mo na sakin ng deretcho''
''Hindi ka kasi nagbibigay chance sa mga tao na gusto ka maging kaibigan. Kaya ,yan. Loner ka''
''Hindi ako loner. Nanjajan naman sina Sophia, si Steven''
''Oo, pero hindi mo naman sila laging kasama. Si steven at sophia ang lagi magkasama dahil sila, matagal ng magkaibigan. Eh ikaw, may kaibigan kana ba na matagal mo ng kasakasama?''
''Wala, pero hindi naman sa tagal ng pagsasama na masasabi mong true friends nga kayo. Hindi tagal ng panahon ang basehan''
''Pero most of it, panahon ang basehan. Kasi 'dun mo masusukat na handa yung tao na 'yun mag spend ng mahabang panahon para makasama ka''. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa may na realize ako sa sarili ko. Kung hindi na realize ko na malalim na tao 'din pala 'tong si Nash. Ramdam na ramdam ko na may pinag dadaanan siya.
''Minsan nga, mas nanjajan pa sa tabi mo mga kaibigan mo, kesa sa pamilya mo. Mas masyaa kapa na kasama sila, kesa sa pamilya mo''. Ngayon mas naiintindihan ko na siya. Hindi nga talaga maganda ang takbo ng pamilya niya, kulang siya ng atensyon ng pamilya.
''Kung ayaw mo makipag kaibigan, ok lang. Atleast I've tried''. Sabi niya. Napaisip ako. Anu ba pinuputok ng butche 'ko?. Ayaw ko na nga ng away, tapos ngayon si Nash na nga nakikipag kaibigan, ayaw ko pa. Pwedi ko namang subukan.
''Nash, Sharlene. Tama na 'yan. Umuwi na kayo para makapag review. May quiz tayo bukas''
''Opo ma'm'' sabi 'ko.
''Ok, sige na. Uwi na kayo''.

Kinuha ko na bag 'ko. Na una si Nash lumabas, nasa likod niya lang ako. Ng nasa labas na kami.
''Nash!'' Sigaw 'ko. Huminto naman siya at humarap sakin.
''Friends?'' Sabay abot ko ng kamay 'ko. Tinignan niya ito at ngumiti.
''Sigurado ka?'' Sabi niya. Anak ng tokwa naman. Hindi pa ba ako seryoso? Eh naka lahad na nga kamay ko para makipag shake hands. Baliw talaga tong mokong na 'to.
''O? Naka simanggot nanaman!''
''Bilisan mo na. Gusto mo ba makipag kaibigan o hindi? Dahil nangangalay na kamay ko o'' tapos inabot niya kamay niya. Ngumiti nalang ako. ''Sige, una na ako'' sabi 'ko. At patakbo akong lumabas ng gate.

***

Samantala nasa bahay na ako. Pagdating 'ko nasa bahay na si Kuya.
''Bihis kana at mag meryenda''
''Opo Kuya. Si Papa wala pa?''
''Wala pa. Mamaya pa 'yun, overtime''
''Ahh''.

Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba ulit. Nagugutom na ako eh, hehe.
''Kuya, kumusta nga pala paghahanap mo ng trabaho?''
''Ayun, nag submit ako ng resume sa Aguas Water Company, naghahanap sila ng accountant, baka sakali lang''
''Aguas?''
''Oo, bakit?'' Baka ka apelyedo lang. Kung anu anu nanaman naiisip 'ko.
''Ah wala. Familiar kasi eh''
''Ah''

After kumain umakyat na ako sa kwarto para mag review. Kailanggan 'ko bumawi sa kabila ng mga nangyari. Kaya lang dito sa math eh. Nahihirapan talaga ako, pati sa P.E. nakakahiya naman kung bumagsak ako sa P.E. kailanggan ko talaga umextra effort sa dalawang subject na 'to. Naman kasi, ba't pa na uso ang P.E?. Ang math consider pa, kasi parte ng buhay ang mag kwenta ng pera. Pero X.Y? Ba't na uso pa 'yun?

****

Pagpasok ko sa classroom, busy ang lahat sa pag review. Kapag friday kasi, sabay sabay ang mga quize. Diba ang unfair. Ba't kasi sabay sabay pa! Nasan ang hustiya?
''Sharlene!'' Tawag ni Sophia.
''O?''
''Nakapag review ka?''
''Oo kunti. Ikaw?''
''Kunti lang 'din, goodluck satin''. Ngumiti nalang ako. Ilang minuto lang ay pumasok na teacher namin. Pero napansin ko 'din na wala pa si Nash. Di siya papasok? Eh first quiz namin tapos wala siya?.
''Ok class, itago niya na yang notebook niyo'' sabi ni Ma'm, tapos nag start na siya mag distribute ng quiz paper. Tuminggin ako sa likod 'ko. Wala pa talaga siya. Si Jairus at Kobi lang nandito.
''Where is Mr. Aguas?'' Rinig kong tanung ni Mam kila Jairus.
''Hindi po namin alam. Hindi naman po siya nag sabi or nag text kung bakit di siya papasok'' sabi ni Jairus.
''Ngayon pa siya umabsent eh alam niya naman na may quiz tayo ngayon'' sabi ni Ma'm. ''Ok class, you can start answering''

Bakit kaya 'di pumasok yung mokong na 'yun. Pasaway talaga.

After ng quiz ay pinalabas na kami ni Mam ng classroom, may 30 mins, pa kaming vacant para sa next subject. At next subject, P.E. panu ako makakapag quiz sa P.E eh wala yung partner 'ko. Wala si Nash. Panu na yan?

Mababatukan ko talaga 'yung mokong na 'yun. Pati ako idadamay niya.

''Uy Shar, panu ka makakapag perform mamaya? Wala si Nash'' sabi ni Sophia.
''Oo nga Dear, panu na 'yan? Hindi ka makakapag quiz?'' Dagdag ni Steph.
''Bahala na!'' Sabi 'ko. Magagawan naman siguro yung ng paraaan.

At P.E na nga namin, by 5 pair 'yung first batch na nag perform. Naka upo lang ako sa gilid.

Ng matapos na 'yung first batch yung second batch naman. Pang last batch pa ako. Bahala na talaga. Kung dumating si Nash eh 'di mabuti, kung hindi. Patay siya sakin. Bibitayin ko talaga siya patiwarik. Subukan niya lang ang pasensya 'ko.

Isang batch nalang, susunod na kami. Nasan na ba yung kumag na 'yun. Ngayon kinakabahan na talaga ako. Baka hindi ako makapag perform ngayon.
''Ok, last Bacth, maghanda na kayo'' sabi i Sir. Naka positioning na kami, ako lang 'yung walang partner. Pambihira, para ako nitong timang. Sumasayaw ng mag isa. Lagot ka talaga Nash. Kakalbuhim kita
''Ms. San Pedro, Where is your partner?'' Tanung ni Sir.
''Absent Sir'' sabi 'ko.
''What?, at ngayon pa talaga siya umabsent. So panu ka mag peperform?''
''Ako na po bahala sir, kaya ko naman po kahit walang partner'' anu pa nga ba! No choice naman kasi. Bahala na.

WHAT IFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon