CHAPTER 1

369 11 2
                                    

SHARLENE,

Kriiiiiinnnnnggggg!

Naman! Alarm Clock, five minutes pa, antok na antok pa ako.

Mabilis ko'ng pinindot yung alarm clock 'ko para e'off.

''Sharlene! Gising na!'' Sabay katok ng malakas sa pinto ng kwarto 'ko si Kuya. Kuyaaa. Wag ka namang K.J.
''Uy Sharlene! Anu na?'' Walang hiyang tao na 'to. Basta basta lang papasok sa kwarto 'ko. ''Uy!''
''Naman kuya''
''O? Tinatamad nanaman?, last year mo na sa high School uy. Mag bago ka na''
''Tss'' bumangon na ako. Nawala na naman na antok ko sa ingay ni Kuya. Alam niyo 'yun, kalalaking tao sobrang talak. Hay ewan!

Naligo na ako, nagbihis ng uniform at bumaba na ng kwarto. 

''O, Sharlene, ma upo kana dito at kumain''
''Opo Pa''
''O? Ba't ang tamlay mo?''
''Eh panu pa 'yang si Kuya, daig pa ang babae kung maka sermon'' sabay kuha 'ko ng slice bread. At ito ang malala, batukan ba naman ako ni Kuya ng notebook niya, sa harap ng hapag kainan.
''Aray naman kuya, nakakarami kana!''
''Alisin mo kasi 'yang sombrero mo. Kumakain ka tapos naka sombrero''
''Sooorrryyy po!''
''Uy Sharlene, ikaw pinag sasabihan ka ng kuya mo para sa ikabubuti mo. Kaya dapat mag pa salamat ka sakanya''
''Ok''

Madalas talaga kami mag away ni Kuya, pero labs ko 'din naman 'yan kahit papanu. Hindi ko lang sinasabi sakanya. Ang baduy kasi, nakakakilabot, pero yung totoo labs 'ko talaga 'yan. Simula kasi ng mamatay si Mama, siya na tumayong Ina. Haha. Kung hindi lang 'to matcho, mapagkakamalan 'ko talaga tong bakla.

''Bilisan mo na 'jan, para makasabay kana sakin. Hatid na kita sa School mo''
''Wag na Kuya. Wag mo na akong ihatid''
''Bakit? Dahil ayaw mo na makita 'ko ang secret boyfriend mo?''. Secret Boyfriend? Haha, patawa talaga.
''Secret Boyfriend Kuya? Seryoso ka? Haha. Ang ganda ng joke mo Kuya, havey''
''Malay ba namin ni Papa na meron kana palang boyfriend, tinatago mo lang''
''Uy, Sharlene, wag ka'ng magpapaligaw sa school. O sa kalye. Dapat dito sa bahay'' si papa talaga. Eh wala nga nanliligaw eh. At isa pa. Ayoko pa ng ganun. Bata pa ako.
''Papa, Kuya. Wala pa akong Boyfriend. At kung meron man. Asa pa tayo. Asa pa kayo, at asa pa 'ko, gets?''
''Oo na. Lika na''
''Haha, sige na alis na kayo. Baka ma late pa kayo''
''Babay Papa'' sabi 'ko. Para lang kaming isang barakda nila Papa at Kuya. Ang cool.

School..

At nandito na ako sa pangalawang bahay 'ko. Base sa mga teacher, at sila raw pangalawang nanay namin. Tss! Maghahanap pa ako ng classroom 'ko.

Pagdating 'ko sa info. Board, madaming tao, kanya kanyang hanap ng section. Makikisinggit narin ako.

At habang nakikisinggit ako sa kanila ay biglang may dumating na malakas na hanggin. Walang iba kung hindi ang mayabang na si Nash Aguas. Well, hindi 'ko pa naman siya nagiging classmate, sana hindi na. Balita 'ko kasi sobrang yabang raw ng lalaki na 'to. At halata naman.

''Girls! Pwedi pakihanap ng section 'ko?'' Sabi niya, at nag unahan sa paghanap ng section ni Nash 'yung mga babae. At anung nangyari sakin? Ayun, naipit. Kaya tinulak ko sila para makalabas lang ako sa pagkakaipit. Mga walang hiyang taong to. ''Tabi nga!'' Sabi 'ko, at nabangga 'ko si Mr. Yabang!.
''What the''. Sabi niya, sabay tinggin sakin. Sinu tinakot niya? Ako? Hindi ako natatakot sakanya nuh.
''Anu? May sasabihin ka?'' Ma anggas 'kong sabi.
''Hindi mo ba ako kilala ha Miss?, ang tapang mo ah''
''Tss. Pwedi ba, wala akong panahon ngayon makipag kilala, lalo na sa katulad mo. Tabi!''. At nag walk out na ako. Grabi, nakaka stress naman ang araw na 'to. Haaayyy..

NASH,

Ang tapang 'nun ah. Pwes! Di mo pala kilala kung sinu ako ah. Huh! Magpapakilala ako sayo. Ms. Tapang!.

''Nakita namin 'yun'' sabi ni Jairus.
''Oo nga Nash, astig 'yun ah'' sabi naman ni Kobi.
''May araw sakin 'yung Babae na 'yun'' humanda ka talaga sakin. Dakilang bully kaya 'to.
''Nash! Section Emerald ka'' sigaw 'nung Babae. Bakit 'ko ba poproblemahin ang ka isa isang Babae na 'yun. Kung madami namang Babae 'jan na may gusto sakin.
''Thank You Miss Beautiful'' sabi 'ko, sabay kindat. Yun naman gusto nila eh. Kahit isang ngiti 'ko lang sa kanila napapa ngiti at napapakilig 'ko na sila. Lakas ng Charm 'ko diba?
''Wooaahhh, ikaw na talaga Bro!'' Sabi ni Jairus.
''Tara na!''

CLASSROOM...

''O My God. Classmate natin si Nash!''
''Oo nga yiihhh, classmate natin siya''
''Haha, nakakakilig classmate natin si Nash'' dinig 'ko na sabi ng mga Babae. Oo nga naman sinu ba naman hindi kikiligin kapag nalaman nilang classmate nila ang isang Nash Aguas. Araw araw nila 'kong makikita. Kaya sigurado masayang masaya sila.
''Bro! Diba yun yung bumangga sayo kanina'' turo ni Jai sa Babae na naka sombrero na naka upo sa may ikalawang row sa may isle. Na upo ako sa likod niya.
''Akalain mo nga naman, sa dinami dami ng section ng fourth year dito pa ako napadpad sa section na 'to. Na may masamang hanggin na nakapaligid sa tabi tabi''

SHARLENE...

Tsk! Si Mayabang, malas 'ko naman.  Classmate 'ko pa 'tung mokong na 'to.

''Alisin mo nga 'yang sombrero mo. Ang pangit!''.
''Problema mo?'' Sabi 'ko. Papansin din 'to ah.
''Ikaw. Baka nakakalimutan mo. May atraso ka sakin''
''Owsss? Di nga?''
''Humanda ka sakin''
''Sinu tinakot mo?''
''Tss, tapang mo 'din nuh'' sabay tayo niya.
''Buti alam mo''. Tumayo 'din ako, kunti lang naman 'yung taas niya sakin eh. Di ako magpapasindak sakanya nuh. Asaaa!.
''Ahhh, gets 'ko na. Paraan mo ba 'yan para magpapansin sakin?, nice! Kakaiba''. Anung pinagsasabi ng mokong na 'to.
''Ba't naman ako magpapansin sayo? Bakit? Gwapo ka ba?'' Sabay tawa 'ko. Feeling nito.
''Aminin mo na. Style mo 'yan para mag pa cute, diba guys?'' At naghanap pa ng kakampi. Duwag pala to eh. Anu ba gusto nito? Sapakan nalang kaya! ''Anu? Ba't di ka nakapag salita? Eh kasi, totoo. Ok lang naman kung aaminin mo eh. Sanay na ako sa mga ganyan''.
''Wow ha. Lakas 'din ng hanggin mo dre! At sinu naman nag sabi sayo na type kita?. Asa ka uy!''
''What is going on here?''. Ngayon lang namin napansin na naka palibot na pala samin 'yung mga kakalasi namin. ''Everybody, take your sit. And you two! Ba't kayo nagsisigawan?''. Nasa harap na namin si Ma'm, adviser namin. Wala saming dalawa ang nagsasalita.
''Anu? You, Ms.'' Tuminggin sa I.D ko si Ma'm. ''Ms. San Pedro, tell me what is going on here?''
''Ah, kasi po Ma'm itong si Mr. Aguas, nambubully na naman''
''Mr. Aguas?''
''That's not true ma'm. Siya pa nga po unang nambully eh''
''Whatever kung sinu na una. Pero pareho kayong nambully. Alam niyo ba na 'yan yung pinaka mabigat na issue ngayon dito sa Carolina University?, and since you've started it. Papapuntahin 'ko kayo sa principal's office''. Malas! First day of class, principal agad? Tss!

Principal's Office...

''Ms. San Pedro and Mr. Aguas'' sabi ng principal habang palipat lipat ng tinggin saming dalawa. ''First day na first day'' napailing iling ng ulo niya ang principal.
''Since the case is Bullying, kailanggan niyo bigyan ng punishment for this action, you two will be assigning to clean my office, everyday hanggang matapos ang month of June. Understand?''
''But Sir, this is not a big case, baka naman po pweding 1 week lang''
''So your questioning me, Mr. Aguas?''
''Hindi naman po sa ganun Sir. My point is, paanu po kami matototoo sa pagkakamali namin, kung paglilinisin mo kami sa office?''
''That's my order and since your questioning me. Additonal Month, and buong faculty office na lilnisin niyo. That's all, at makaklabas na kayo''

Hala! Two months? Buong faculty office? Haayy naman kasi. Ba't kasi nagsalita pa 'tung mukong ma to. Nadagdagan tuloy ng isa pang buwan. At mas malaki na lilinisin namin. Nakakainis!

''Kasalanan mo 'to eh'' bigla niyang sabi. At ako pa talaga? Ako pa?
''Wooh, manisi ba. Eh isang buwan lang sana tayo maglilinis at office lang ng principal lilinisin natin. At dahil nag reklamo kapa, ayun nadagdagan pa. Sinu sa tinggin mo mas may malaking kasalanan sating dalawa ha''
''Daldal mo. Bahala ka nga 'jan''
''Ayan, walk out!''

Grabi! Sa minalas malas talaga!

WHAT IFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon