CHAPTER 10

178 11 0
                                    


SHARLENE...

Bigla bigla nalang umalis yung lalaki na 'yun. Sobra ba nakakahiya ako? Kaya umalis siya? Kumakain lang naman ako ha. Mortal Sin ba yun? Hindi naman ah.

''O ayan. Kumain ka lang!'' O? Libre ba 'to? Akala ko umalis na siya.
''Anu to?'' Tanung ko. Syempri baka nag aasume naman ako na libre.
''Pagkain. Ms. San Pedro naman, mahirap ba e'identify ang pagkain sa paninggin mo?''
''Alam ko pagkain 'yan. Ang ibig kong sabihin. Bakit ang dami mong inorder? Baka hindi mo yan ma ubos. Masama kaya mag aksaya ng pagkain. At higit sa lahat, ng pera''
''Tayong dalawa kakain nito''
''O? Seryoso? Libre to?''
''Oo nga. Tutal nandito kana namn na. Samahan mo nalang ako kumain''
''Ayos ah. Minsan pala, bumabait ka din''
''Mabait naman talaga ako. Ikaw lang yung hindi''
''Ah ganun? Sige, pagbibigyan kita ngayon, kasi manlilibre ka. Mahirap na, baka bawiin mo pa. Sayang naman''
''Tss, takaw talaga. Tara na, kain na''

Grabi nabusog ako ng sobra. Buti nalang naka tshirt ako ngayon, kaya hindi halata ang mga bilbil of rights ko. Haha. Ilang araw namang exercise to para matunaw. Palabas na kami ng jollibee.
''Sige ha. Una na ako, salamat sa libre''
''Saan kana pupunta?''
''Uuwi na''
''Hindi. Samahan mo muna ako. May kapalit kaya yung kinain mo''
''Anak ng pating! May kapalit yun? Ba't di mo sinabi kanina? Eh di na sana ako kumain''
''Eh di kung sinabi ko. Eh di ka sana papayag''
''Hayy. Malas naman o. Anu  naman ang kapalit?''
''Sasamahan mo 'ko''
''Saan ka ba pupunta? Ba't kailanggan mo pa akong isama?''
''Basta. Lika na''
''Teka nga, baka kung saan mo 'ko dalhin. Ayoko pa mamatay nuh''
''Ba't ka naman mamatay? Ang O.A mo naman Ms. San Pedro''
''Eh saan nga kasi tayo pupunta?''
''Aracade! Tara na!''

Sa arcade! Sige, tagal ko na ding hindi nakaka paglaro 'doon. Una siyang pumunta doon sa sumasayaw. Hindi ko alam panggalan 'nun. Tsaka hindi pa naman ako nakakatry 'jan. Hindi nga kasi ako marunong sumayaw.

Kaya na upo nalang ako doon sa upuan sa gilid.

Papanuorin ko nalang si Nash. Nag start na yung music. Noong una medyo mabagal pa yung kilos ni Nash. Pero nung tumatagal na, bumibilis na. Grabi ang galing niya.

Nakapalibot na yung tao na tumitinggin sakanya. Yung iba chinicheer pa siya.

Lakas talaga ng dating ni Nash sa mga tao. Lalo na sa mga babae. Oo gwapo siya ma appeal pa. Pero hindi ko sinasabi 'yun. Yayabang lang kasi siya lalo. Eh ako na nga lang ka isa isang babae na nag sasabi sakanya na hindi siya gwapo.

''Grabi, ang gwapo niya''
''Oo nga. Ang galing pa sumayaw''
''Anu kaya panggalan niya?''
''May girlfriend kaya siya?''
''Yiiihh, galing niya talaga. Crush ko na siya''
''I Love You, galing mo'' sigaw nung mga babae, yung iba naman nag bubulunggan. Oo nga nuh? Ba't kaya wala pang girlfriend 'tung lalaki na 'to?. Kung tutuusin, kahit sinung ligawan nito, sigurado sasagutin agad agad. Except me, exempeted ako 'jan nuh. Sus! Alam na alam ko na ugali ng lalaking 'yan. Sigurado ako na puro away lang mangyayari kapag ganun.

Natapos na siyang sumayaw. Pawis na pawis ang loko. Yuck! Mukhang mabaho na siya. Iiiwwww!
''Lapitan natin siya'' sabi 'nung babae. Napangiti nalang ako. Kababae kasing tao. Sinundan 'ko ng tinggin 'yung apat na babae na lumapit kay Nash.
''Hi!'' Sabi nung naka short shorts. ''I'm Patricia, and those are my friends, ikaw what is your Name?''. Ang arti naman mag salita ng babae na 'to.
''Hi! I'm Nash'' sagot ni Nash.
''Wow, nice name, galing mo kanina''
''Thanks. Ah, excuse lang girls ha'' tapos napansin ko na palapit na sakin si Nash.
''Shar, favor naman''
''O? Anu?''
''Paki kuha naman ng damit ko 'jan sa bag 'ko''
''Anu ako? Katulong mo? Ikaw na kumuha''
''Sige na, pawis na pawis kamay ko o. Mapapawisan yang bag 'ko''
''Arti!'' Kinuha ko nalang yung damit niya. ''O ayan!''
''Thanks ha"
''Sinu ba 'yan?, wag mo'ng sabihin girlfriend niya'' dinig ko na sabi 'nung babae na lumapit kay Nash kanina.
''Girlfriend? Wala sa itchura. Baka katulong niya. Or yaya niya''. Anak ng balot, anung yaya?. Patayo na sana ako para sugurin 'yung babaeng ma arti.
''O.o.o.o, sa'n ka pupunta?''
''Kakalbuhin ko yung Babae na 'yun''
''Hayaan mo na. Dito ka lang. Mag papalit lang ako ng damit''
''Bilisan mo. Uuwi na ako''

Na upo na ulit ako. Sinundan ko ng tinggin si Nash, kinausap niya 'yung apat na babae. Pero ang hina ng boses. Di 'ko marinig.

Nagulat ako ng tuminggin sakin yung mga babae, tapos tinarayan ako. Abah! Eh kung ahitin ko kaya yang mga kilay niyo. Tutal manipis na naman na eh. Mabilis na kalbuhin.

Anu kaya sinabi ni Nash sa kanila. Kakaiba kasi tinggin nung mga babae. Parang gusto ako sabunutan at kalbuhin.

Itatanung ko nalang sakanya mamaya.

After 3 mins, bilis! Tumayo na ako, at hinintay siya.
''Tagal mo!''
''Uy di ah. Ang bilis ko nga!''
''Anu nga pala sinabi mo 'dun sa mga babae na 'yun? Ba't ganun nalang makatinggin sakin. Parang gusto akong sabunutan''
''Basta! Lika na''
''Anu nga sinabi mo?''
''Wag mo ng alamin'' ang daya, baka naman kung anu na sinabi ng lalaking 'to.
''Sabihin mo na kasi''
''Ang kulit. Wag mo ngang alamin. Tsaka bilisan mo na 'jan mag gagabi na o''. Oo nga pala, anung oras na ba? 6:00 na.? Hala patay!

Paglabas namin ng mall, medyo madilim na. Tinignan ko cellphone ko. 10 miss call. Galing kay Papa at kay Kuya. Mag ttxt na sana ako ng biglang ''failed'' wala nga pala akong load.
''Anu ba 'yan'' nasabi 'ko bigla.
''O? Anu naman problema mo?'' Curious na tanung ni Nash.

'''Ah'' kailanggan ko ng kapalan mukha ko. Kailanggan ko makitext. O mas mabilis, makitawag, alam ko naman na may load 'tong si yabang eh. ''Pwedi maki tawag?''
''Asus, gusto mo lang makuha number 'ko, tatawagan mo cellphone mo. Tapos masasave na number 'ko. Para paraan ka din Sharlene huh''
''La, saan galing 'yun? Kailanggan ko lang tawagan si Papa. Sigurado nag aalala na 'yun. Kanina pa dapat ako nasa bahay. Kasalan mo 'to eh''
''Malay 'ko ba na grounded ka pala''
''Hindi ako grounded. Di lang ako nakapag pa alam''
''Ba't kasi 'di ka nag pa alam?''
''Naman o. Kung ayaw mo, di wag nalang. Hindi yung susumbatan po ako''
''O ayan'' sabay abot niya ng cellphone niya. Kinuha ko naman. Kailanggan na kailanggan ko na kasi talagang tawagan si Papa.

Ayan! Nag riring na.

'Hello? Pa, si Sharlene po 'to, nakitawag lang ako kasi wala akong load'
'Asan ka bang bata ka? Gabi na wala ka pa sa bahay'
'Pumunta lang po ako ng Mall. Pa uwi na po ako'
'Saang Mall yan, ipapasundo nalang kita sa Kuya mo'
'Wag na pa. Kaya ko na sarili 'ko'
'Pasaway ka talaga. O sige, basta ma iingat ka pa uwi'
'Opo Papa, sige po pa. Kailanggan ko ng ibalik 'tung cellphone sa ma ari'
'O sige'

Tapos pinatay 'ko na.
''Salamat!''
''Saan ba bahay niyo?''
''Bakit mo tinatanung?''
''Sumabay ka nalang. Tutal, nandito na naman na service 'ko''
''Wag na! Mag jijip nalang ako''
''Sumabay ka nalang nga. Halika na''

Seryoso ba talaga 'to? Anung masamang hanggin kaya nalanghap nito. Bigla atang bumait.

''Anu? Tatayp ka lang 'jan? Lika na, pumasok kana. Sayang ng aircon ng kotse, lumalabas o''
''Sige na nga. Tuturo ko nalang direksyon''

Ang yaman talaga nitong Nash na 'to. May service, may driver. Ang sosyal pa ng kotse. Buhay prinsipe naman 'to.

Tinignan ko siya, naka saksak 'yung earphone niya sa tenga.
''Anu pinakikinggan mo?'' Sabi 'ko. Tuminggin siya sakin, pero parang hindi narinig sinabi 'ko kaya tinanggal niya yung earphone.
''Anu sabi mo?''
''Anu pinakikinggan mo?''
''Ah, 1D''
''1 Direction? Astig. Favorite ko 'din 'yan, parinig ha''. Sabay kuha ko ng isang earphone.

*NOW PLAYING; What Makes You Beautiful by 1D

Habang nakikinig na nandito na pala kami.
''Ahm kuya, jan mo nalang sa may green na gate''
''Ah sige po'' at itinabi na ni Kuya driver 'yung kotse.
''Uy Nash salamat ha'' tumango naman siya. Bumaba na ako.
''Sharlene! Tawag ni Papa. Pati si Kuya.
''Pa, mano po, Kuya!''
''Sino nag hatid sayo?''
''Good Evening po'' sabi nun lalako na nasa likod namin. Si Nash.
''Sinu ka? Ikaw ba naghatid dito sa anak ko?''
''Opo Sir. Ako po si Nash''
''Ah, sige Pa pasok na tayo. Uuwi na din yan eh. Sige na Nash, uwi kana''
''Sandali. Nililigawan mo ba 'tung anak 'ko?'' Papa?
''Pa, hindi yan nanliligaw. Tsaka di ako type niya. Kaibigan ko lang 'yan''
''Ah, tama po si Sharlene, were just friends. Wala po kayong dapat ipag alala. Sige po Sir. I'll go ahead. Nice to meet you Sir''
''Sige na, nice to meet you din, salamat sa pag hatid sa anak 'ko''. Tapos ngumiti lang si Nash.

WHAT IFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon