CHAPTER 13

157 10 1
                                    


''Basta tulunggan mo nalang ako'' la, magpapatulong na nga lang.
''Sige, pero may kapalit''
''Anu?''
''Libre mo ako ng morning snack at lunch''
''Haha, yun lang?''. Abah, sge ikaw na mayaman tol.
''Kulang pa ba? Sige dadagdagan ko pa--''
''Op.op.ops, teka lang. Ok na yun''
''Akala ko kasi nagagaanan ka pa sa offer 'ko''
''Basta ha. Tutulunggan mo 'ko''
''Akala ko ba magaling ka sa mga ganyan. Yung nakukuha mo agad ang mga babae kahit sa isang tinggin mo lang, bakt kailanggan mo pa ang tulong 'ko?''
''Yeah, your right. Mabilis ko'ng napapa oo ang mga babae. Pero iba 'to eh. She's different. Kaya gusto ko, perfect lahat. Gusto ko na maibigay sakanya lahat ng gusto niya''. Kitang kita ko sa mata ni Nash na sobra niya talagang gusto 'tong Babae na sinasabi niya. Iba pala si Nash kapag seryoso siya sa isang Babae. Makikita mo yung sincerity niya. Ngayon parang ibang Nash yung kasama ko.
''Kaya dapat. Pagbutihin mo. Ayoko mapahiya''
''Wow ha. Pressure! Teka nga, sinu ba 'tung babae na to na sinasabi mo?''
''Basta. Bukas ko nalang sasabihin. Tara na, maglilinis pa tayo ng faculty''. Tapos tumayo na siya. Pabitin! Panu naman ako makakaisip ng magandang idea kung hindi ko kilala yung babae na gusto niyang ligawan?.

Tumayo na din ako at sinabayan siya sa pag lalakad.
''Sinu ba kasi 'yun?''
''Kulit! Bukas na nga lang''
''Para makapag isip na ako ng staretgy. Para maka a make move kana''
''Bukas ok?''
''Hayy sige na nga''

Pagkarating namin sa faculty ay naglinis agad kami. Para mas ma aga matapos.

And after 30 mins. Tapos na! Uwian na. Hay salamat naman. Hanggang kailan ba matatapos 'tung parusa na 'to? Nakakaramdam na din kasi ako ng pagod eh.

••••

Pag akyat ko sa kwarto, yung dream catcher agad nakita 'ko. Napapangiti talaga ako kapag nakikita ko yung dream catcher. Kasi ang naiisip ko, ay kung sinu ba talaga yung lalaki na ang bigay sakin nito. Hanggang ngayon 'di ko pa talaga siya kilala. May pag asa pa kaya na makilala ko siya?

Nahiga na ako, at naisip ko bigla 'yung sinabi ni Nash.
''Sinu kaya yung Babae na 'yun?'' Nasabi ko nalang. Ibang klasi 'din pala kapag tinamaan 'tung si Nash.

Bumanggon ako sa kama at kinuha 'yung laptop 'ko. Nag bukas ako ng facebook. At sinearch ko si Nash.

Madaming lumabas na Nash. Alin naman kaya dito? Binuksan ko yung ikatlo kasi parang ka hawig naman ni Nash. At 'yun siya nga.

Parang model naman 'tung profile pic. Niya. Naka stolen shot kasi. Silang tatlo nila Jairus at Kobi 'yung naka cover.

Tinignan ko 'yung timeline niya. At syempri di na ako nagulat sa mga naka post. Ang dami, puro Hi at hello ng mga taga hangga niya.

Hindi pa nga artista 'tung tao na 'to, ang dami ng fans.

Iba na talaga ang may gwapong mukha.

Haaayy inaantok na ako, e'aout ko na sana yung account ko ng may nag friend request sakin.

Jairus Aquino
Accept
Not Now

Syempri e'accept 'ko. Tas nag chat siya.

JAIRUS: thanks Shar :D
ME: welcome. :)
JAIRUS: see you tom. :)
ME: okay :) out na ako ha. Antok na.
JAIRUS: ok. Good Night :)

isinara ko na 'yung laptop at natulog na.

••••

Samantala habang naglalakad ako papunta sa classroom ay may humarang saking mga groupo ng babae at bading.
''Sharlene diba?''
''Ako nga, may kailanggan?''
''Hawakan niyo siya at dalhin sa lugar kung saan walang makakakita sakanya''. Teka anu to? Kidnaping? Sa loob ng campus. Abah!

Papalag na sana ako ng hawakan ako ng dalawang bading sa kabilang braso 'ko.
''Bitawan niyo ako, sinu ba kayo?'' Kaso walang nagsasalita sa kanila. At ginudgud na ako. Mga mokong na to. Malalakas lang namang ang loob ng mga 'to dahil groupo sila.
''Sige na, ipasok niyo na 'yan sa loob'' paguutos nung babae na mukhang pwet. Sama ng ugali. Anu ba kailanggan nito sakin.
''Hoy, ikaw. Anu ba kailanggan mo sakin? Ba't kailanggan mo pa akong ipakidnap dito sa dalawang bading na to na mukhang palaka?''
''What did you say?'' Sabi nung bading.
''Sabi ko, mukha kang palaka. Meaning ang sagwa ng mukha mo''
''Aba't''
''Tama na yan, ipasok na ninyo yan jan at ikulong''. Ikulong?

At itinulak na ako ng dalawang bading sa loob. Tumayo ako agad para habulin sila kaso nilock na nila yung pinto.
''Hoy mga ugok. Kapag ako nakalabas dito, lagot kayo sakin'' sigaw ko. Mga walang magawa sa buhay.

Tuminggin ako sa palgid ko kinulong nila ako sa bodega ng school. Patay talaga kayo sakin kapag naka wala ako dito.

Tsaka ko na alala 'yung oras. Naku lagot na. Late na ako.

Kinatok katok ko yung pinto.
''Tulong! May tao ba jan?'' Wala paring sumagot. Malas naman!

••••

NASH...

Naglalakad ako sa corridor ng  marinig ko bigla ang pangalan ni Sharlene. Napatinggin ako sa tatlong studyante na nagkwekwentuhan. Pinag uusapan nila si Sharlene kaya na curious ako. Dahilan kung bakit pinakinggan ko pa ang pinag uusapan nila.
''Sigurado ako gutom na gutom na 'yun ngayon''
''Oo nga, buti sa kanya''
''Mamatay siya sa gutom. Hindi na siya makaka alis sa bodega na 'yun''
''Yah right. Masyado kasing matapang 'yang Sharlene San Pedro na 'yan''.

Nabigla ako sa narinig 'ko. Si Sharlene? Sa bodega?.

Hindi ko na napansin sarili 'ko. Napatakbo nalang ako papunta sa bodega na sinasabi nila.

''Ok ka lang?'' Nakita 'ko na magkasama si Alexa at si Sharlene.
''Salamat Alexa, 'di ko akalain na ikaw pa tutulong sakin'' sabi naman ni Sharlene.
''Sinu ba may gawa sayo niyan?''
''Hindi ko sila kilala. Pero kapag nakita ko sila. Kakalbuhin ko talaga sila. Lalo na yung dalawang bading na 'yun''
''Wag mo muna isipin 'yan. Halika, samahan kita sa comfort room''

Hindi ko na napigilan sarili 'ko. Namalayan ko nalang na lumapit na ako sa kanila.
''Sharlene? Ayos ka lang?''
''Nash?'' Nakita 'ko ang pagkabigla sa mukha niya. Namumutla pa siya.
''Don't worry Nash, dadalhin ko na siya sa cafeteria para makakain, late lunch na o''
''Oo, pero sa clinic muna natin siya dalhin''

SHARLENE...

Ng mapansin ko na may tao sa tapat ng pinto ng bodega. Sumigaw na talaga ako ng tulong.

At nagulat ako ng si Alexa makita 'ko. Hindi ko akalain na tutulunggan niya ako. Eh sa simula palang parang hindi na maganda ang loob sakin ni Alexa.

Pero paslamat nalang ako na may tumulong pa sakin.

Nabigla 'din ako sa pag dating ni Nash.

Samantala nasa loob na ako ng clinic ngayon. Nasa labas naman sila Nash at Alexa.

Napaisip ako. Paanu naman kaya nalaman ni Alexa na nasa bodega ako?.

Baka naman nag kataon lang 'yun, baka nagkataon lang na napadaan siya 'dun kaya narinig niya ako. Oo baka nga.

NASH...

Nagtataka ako kung paanu ni Alexa nalaman na nandoon sa bodega si Sharlene.

''Alexa, pwedi ba tayong mag usap''
''Sure, anu 'yun?''
''Panu mo nalaman na nandun si Sharlene sa bodega?''
''Actually, nalilgaw kasi ako kanina. Hanggang sa mapadpad ako sa lilib na part ng school. And then, may narinig nalang ako na sumisigaw at humihinggi ng tulong. So I broke the padlock sa pinto ng bodega. Kaya nakalabas si Sharlene''
''Ah, ganun ba''
''Oo, inaamin 'ko. Galit ako kay Sharlene nung una ko siyang makita. Dahil masyado siyang matapang. And I thought She's bully. Pero nung huminggi siya sakin ng tulong. Hindi na ako nag dalawang isip na tulunggan siya''
''Salamat''
''Walang anu man. Uhm, can I ask you something?''
''Anu 'yun?''
''Bakit sobra ka atang concern kay Sharlene? Close kayo?''
''Hindi kami Close. Pero nag uusap naman kami''
''Ahh, pwedi ba ako makipag kaibigan sayo? I mean, sainyo ni Sharlene?''
''Ok lang sakin. Ewan ko lang kay Sharlene''

WHAT IFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon