CHAPTER 14

149 12 2
                                    


''Ok lang sakin. Ewan ko lang kay Sharlene''.

Narinig ko yung sinabi ni Nash ng paglabas ko sa clinic. Mukhang seryoso kasi pinag uusapan nila.
''O, your here na. So? Anu sabi? Ok ka lang?''
''Oo Alexa, ok na 'ko. Anu yung sabi mo Nash? Narinig ko kasi panggalan 'ko sa pinag uusapan niyo''
''Ah gusto raw--''
''Pwedi ko ba kayo maging friend?'' Sabi ni Alexa. Anu ba talaga nakain ng babae na 'to. Bakit parang nag iba ang ihip ng hanggin. Ok lang naman sakin na makipag kaibigan sakanya. Tutal tinulunggan niya ako.
''Nash said Yes. And sagot mo nalang hinihintay 'ko. So? Anu? Ok lang ba?''
''Oo naman''
''Ok, thanks. Ah, sige ha. I'll go ahead na,may pupuntahan pa ako eh''.

Parang may kakaiba talaga kay Alexa. Parang nagduda ako sa pakikipag kaibigan niya. Parang kahapon lang parang galit siya sakin. Ngayon, nakikipagkaibigan na siya.

''Samahan na kita kumain''. Saka ko lang napansin na kasama ko pala si Nash.
''Ah, sige''. Habang nag lalalakd ay naisip 'ko parin 'yung pakikipag kaibigan ni Alexa. Tapos may na realize ako ng pag tinggin 'ko kay Nash.

Oo, kahit si Nash, parang bigla bigla rin yung paghihinggi ng friendship sakin. Kahit mag ka away kami dati. Baka ganun din si Alexa. Oo, hindi ko dapat pagdudahan 'yun.
''Nakakapagtaka, tinulunggan ka ni Alexa. Akala ko kasi galit 'yun sayo''
''Ha? Oo nga eh. Pero baka na mis interpret lang natin siya dati kaya inisipan na natin siya ng masama''
''Kung sabagay''. Hindi pa pala ako nakakapag pasalamat kay Nash. Kahit papanu, nakita ko kanina 'yung pag aalala niya. At ngayon sasamahan niya pa ako kumain. Kakaiba na talaga si Nash ngayon.
''Salamat nga pala''
''Para sa'n?''
''Sa pag sama sakin. Himala ah. Bumabait kana''
''Tss, diba sabi ko sayo, mabait naman talaga ko. Ikaw lang 'yung hindi''
''Ahh, oo nga pala. Sinabi mo na 'yan dati. Sige pagbibigyan kita ngayon''
''Halika na. Anu gusto mo kainin?''
''Ah ako nalang bibili''
''Ako na. Diba may deal tayo. Lilibre kita ng snack at lunch. Kapalit ng favor 'ko sayo''. Oo nga pala. Nakalimutan ko. Pero wala pa naman akong naitutulong sakanya ah.
''Pero, wala pa akong natutulong sayo''
''Oo, kaya dapat bilisan mo na''
''Eh 'di mo pa nga sinasabi sakin kung sinu liligawan mo''. Ngumiti lang siya at umalis na para umorder ng kakainin 'ko.

Sira talaga 'yun. Panu ko bibilisan ang pag tulong sa kanya, e hindi niya naman sinasabi kung sinu liligawan niya. May katok talaga ang utak ng lalaking 'to.

And after 10 mins.

''Ang dami mo namang binili, diet ako ha''
''Diet! Diet ka pa talaga sa lagay na 'yan'' ang sama. Bakit? Hindi ba halata?
''Anu ibig mo'ng sabihin? Dahil mataba ako at hindi halata na diet ako''
''Wala akong sinasabing ganyan''
''Dun naman papunta 'yun. Pero dahil gutom na gutom na gutom ako ngayon. Kakalimutan ko muna yung pag dadiet 'ko''
''Tss! Ubusin mo 'yan. Sayang ng pera kapag hindi mo 'yan inubos''
''Walang problema tol. E'tatake out ko nalang kapag hindi ko na ubos''. Napansin 'ko na ngumiti siya. Napapa dalas ata pag ngiti ng lalaki na 'to.

••••

*Buuuurrrrpp* napatakip ako bigla ng kamay 'ko sa bibig 'ko. Nakakahiya. Ang lakas eh. Tsaka yung tinggin ni Nash, parang kumulot 'yung noo niya.

Ngumiti nalang ako, at nag peace sign.

Hindi na ako naka pasok sa lahat subject. Si Nash nga 'din di na naka pasok sa last subject. Grabi, nakakahiya naman. Nadamay ko pa siya.

Bigla ko na alala 'yung tungkol sa liligawan niya.
''O anu? Anu panggalan niya?''
''Sinu?''
''Yung lilgawan mo? Anu? Sinu siya?''
''Si''
''Si?''
''Si Alexa''
''Ha? Si Alexa? Bakit siya?'' Tanung 'ko. Bigla ako na curious eh. Although obvious naman na maganda siya. Kaya gusto siya ni Nash.
''Bakit? Ayaw mo?''
''Ay, hindi naman sa ganun. Nakakagulat lang''
''Bakit ka naman magugulat?''
''Eh kasi, akala ko 'di mo siya type. Eh 'di mo nga siya pinapansin eh''
''Ganun talaga ako kapag may gusto sa isang tao. Hindi ko pinapansin''
''Ay ganun? Kakaiba ka pala ah''
''Gusto ko kapag e'aaproach ko siya, yung perfect lahat''
''Ahhh..''
''So kailanggan bukas, sisimulan muna. Tutal friends na kayo''
''Uhm, sige.'' Si Alexa pala. Ba't naman bigla akong nalungkot. Dahil ba pinag dududahan ko parin si Alexa? Haayy ewan Sharlene. Batukan kaya kita para matauhan ka.

•••••

Pag uwi 'ko sa bahay ay sinearch ko ka agad sa facebook si Alexa. Tinignan ko kung anu mga likes niya.

Nakita ko rin mga pictures niya, ang gaganda ng mga kuha. Para siyang model. Bagay nga talaga sila ni Nash. Pareho silang parang model. Pero bakit ganito?

Bakit parang ang bigat sa loob ko ng malaman ko na si Alexa ang liligawan ni Nash?.

Ahh siguro dahil lang yun sa hindi ako makapaniwala. Bakit nga ba hindi ako maka paniwala?

Ayy, naman! Kung anu anu iniisip 'ko. Ang mabuti pa! Matulog na.

Kinaumagahan, ma aga ako nakarating sa School. Kaya naisip ko na pumunta sa science park.

Natatawa ako sa sarili 'ko. Kung dati parang takot na takot ako sa lugar na 'to. Ngayon naman pakiramdam ko, free ako kapag nandito ako. Parang ang gaan sa pakiramdam. Yung parang walang nakapaligid sayo, yung sarili mo lang talaga kakausapin mo.

Kaya pala, gustong gusto ni Nash dito.

''Ba't ka nandito?''. Nagulat ako sa nag salita. Si Nash pala, lumapit siya at na upo sa tabi 'ko.
''Wala lang, naisip ko lang tumambay dito, bakit bawal ba?''
''Akala ko ba ayaw mo sa lugar na 'to''
''Akala ko nga 'din eh. Pero ang ganda pala dito'' tapos itinaas ko 'yung ulo 'ko na parang lumalanghap ng sariwang simoy ng hanggin.

Napansin 'ko na nakatitig sakin si Nash kaya medyo naging awkward. Kaya tinigil ko na 'yung ginagawa 'ko.
''Kumusta ka na pala? Ok ka na?'' Tanung niya. Ops, wait. Tungkol padin ba to kahapon?
''Oo, pero 'di ko pa nakakalimutan mukha ng mga taong nagkulong sakin sa bodega. Lagot sila sakin kapag nakita 'ko sila. Mata lang ang walang latay kapag nangyari 'yun''. At nag dare look ako. Tumawa naman bigla si Nash. ''O? Ba't ka natatawa?''
''Wala, ang tapang mo din nuh?''
''Sabi kasi sakin ni Papa at ni Kuya, hindi raw dapat ako nag papa api''
''Ahhh, eh anung sabi ng Mama mo?''
''Wala na akong Mama. Si Papa nalang at si Kuya kasama ko''
''Puro lalaki pala kasama mo. Kaya pala''
''Anung kaya pala?''
''Kaya pala mukha ka na ring lalaki''

WHAT IFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon