CHAPTER 11

158 10 1
                                    

Pag akyat ko sa kwarto 'ko ay na alala ko 'yung dream catcher na bigay sakin ng kung sinu. Cute ng color. Isinabit 'ko 'yun sa may bintana, malapit sa may kama 'ko.

Sinu kaya nag bigay sakin nito. Hindi man lang ako nakapag pasalamat. Ba't kasi hindi siya nag pakilala. Pero kung sinu ka man, thank you.

****

At lumipas na nga ang bitin na weekends, back to school nanaman. Papasok na sana ako ng gate ng school ng makita 'ko si Jairus.

Bumaba siya sa Jeep, at may kasama siyang Babae, parang Mama niya.

''Sige na Ma, alis na po kayo. Papasok na po ako'' rinig ko'ng sabi ni Jairus. Parang pinagtatabuyan niya naman Mama niya sa ginagawa niya.

Papasok na sana si Jairus, ng haranggin ko siya.
''O, Sharlene'' gulat niyang sabi. ''Kanina ka pa dito?'' Ngayon pinilit niyang maging kalmado.
''Mama mo?'' Tanung ko, sabay turo doon sa Babae na katatawid palang sa kalsada.
''Oo'' mahina niyang sabi, yung parang nahihiya. Mabatukan nga to ng malakas. Ba't niya naman ikakahiya Mama niya.
''Ba't parang pinagtatabuyan mo siya kanina. Nakita kita, halos itulak mo na Mama mo, para umalis na''
''Alam mo, ang dami mo'ng alam sakin. Inistalk mo ba 'ko?''
''Wow ha. Ang gwapo mo naman para gawin ko 'yun. Curious lang ako. Tsaka, wag mo dapat ikahiya Mama mo. Mama mo 'yun eh''
''Di ko naman siya ikinahihiya. May mga bagay lang kasi talaga na complikado''
''Tulad ng?''
''Basta!''
''Tulad ng, ayaw mong malaman nila Nash at Kobi ang lihim mo? Ganun ba 'yun?''
''Oo, kasi nga kapag nalaman nila. Hindi na nila ako kakaibiganin''
''Sila lang ba kaibigan mo? Kaya ganun mo nalang pinagagalagaan ang sekreto mo? Alam mo Jairus, mayaman ka man o hindi. Kung gusto ka talaga nilang maging kaibigan. Hindi nila iisipin yun''
''Nasasabi mo 'yan kasi wala ka sa sitwasyon 'ko''
''Alam mo ako, wala akong ni isang kaibigan. Totoo yung snasabi nila na Loner ako. Pero atleast totoo ako sa sarili 'ko. At kung may makikipagkaibigan man sakin. Yun ay dahil sa ugali ko. Hindi sa kung mayaman ako o hindi''
''Basta, iba ka. Iba ako''
''Bahala ka. Sabi nga nila. Walang sekreto na hindi nabubunyag''. Tapos umalis na ako. Mahirap 'din kasi mag paliwanag sa mga taong sarado ang utak.
''Sandali!'' Sabi ni Jairus.
''O?''
''Hayaan mo nalang ako''
''Sige, pero kapag kailanggan mo ng tulong''. Sabay saludo 'ko. At umalis na.

CLASSROOM...

Magkasabay kami ni Jairus pumasok sa classroom. At 'yung tinggin sakin nila Sophia at Steph, kakaiba nanaman. Ah! Alam ko na, dahil iniisip nanaman nila na nakikipag kaibigan ako kila Nash. Speaking of that Bully na gangster.

Ba't ganyan nanaman siya makatinggin? Parang may gagawin nanaman na masama sakin.

Ng naka upo na ako sa upuan 'ko. Bigla nalang may uminit sa tengga 'ko.
''Usap tayo mamaya sa science park'' bulong ni Nash. Anu nanaman pag uusapan namin.

Ilang minuto lang ay pumasok na si Ma'm Betty.
''Good Morning everyone''
''Good Morning Ms. Betty''
''Ok, by the way, tapos ko na e'check yung quiz paper niyo. And I am happy dahil lahat kayo nakapasa sa first quiz natin. But to Mr. Aguas, we were going to talk later, after this class''. Hindi nga pala nakapag exam si Nash nung friday. Ba't pa kasi umabsent.

Nag lecture lang si Ma'm, tapos nag copy sa board yung lang naman. At after 1 Hour, natapos na yung class.

Inaayos ko na 'yung gamit 'ko tapos lumabas na, gusto 'ko muna kumain. Nagugutom nanaman ako.

NASH....

"Mr. Aguas, bakit hindi ka pumasok ng friday? Alam mo naman na quiz natin diba?''
''I'm sorry po ma'm. May nangyari lang po kasi sa bahay kaya hindi po ako nakapasok''
''Ok, next time. Kailanggan mo'ng bumawi''
''Yes Ma'm''
''Ok, you may go now''
''Thank You po''.

Pa labas na ako ng faculty room ng may mabunggo ako. Naman o, nagmamadali kaya ako, tapos haharang harang pa. Tsk! Bahala ka nga!
''Hoy! Di mo ba ako tutulunggan dito?''. Turo niya sa mga librong nahulog. Hmm, kung hindi ka lang maganda. Bumalik ako para pulutin 'yung mga libro niya.
''Happy?'' Sabi 'ko. Parang bago yung mukha niya ah. Parang bago lang siya dito. Transferee?
''Pwedi ka naman mag Sorry''
''Eh di Sorry, pasalamat ka maganda ka''. Sabay pakawala ng pamatay ko'ng smile. Lahat ata ng babae napapa nganga sa smile 'ko.

ALEXA...

Antipatiko yun ah. Buti alam niya na maganda ako. Pero infairness din sa kanya, gwapo siya.

Pumasok na ako sa office ni Ms. Betty. I was transfere kasi sa School na 'to. Ngayon palang ako papasok. Hindi muna ako pinapasok ni Ma'm Betty sa subject niya kanina, dahil may mga kailanggan pa akong ayusin sa admin eh.
''Good Morning Ms. Betty''
''Ow, your here na. So Alexa, your next subject is Math, and this is the copy of your subjects'' tapos inabot na sakin ni Ms. Betty yung matriculation form 'ko.
''Thanks Ms. Betty''
''Your Welcome''. Tapos lumabas na ako. Goodluck sa first day of class 'ko. Sana all thing went well.

SHARLENE...

* Burrrrrppp* ayan, busog na ako. Babalik na ako ng classroom. Kumusta naman kaya yung quiz 'ko sa Math. Baka bagsak.

''Sharlene!'' Tawag sakin ni Nash.
''O?''
''Mamaya!''
''Anu ba pag uuspan natin mamaya? Importante ba 'yun?''
''Kapag hindi ka pumunta, lagot ka sakin''
''Wow, scaaaarrryyy. Sinu tinakot mo?''
''Basta kapag hindi ka pumunta, malalagot ka talaga''. Tapos inunahan niya na ako pumasok sa room. Sarap batukan ng mokong na 'to. Anu ba akala niya sakin? Alalay? Na susundin lahat ng gusto niya.

Umiling iling nalang ako, tapos na upo na sa upuan ko.
''Pinagalitan ka ni Ms. Betty nuh?'' Panunukso ko sakanya.
''Bakit mo gusto malaman? Concern ka?''
''Haha, hindi nuh. Asa! Gusto ko lang malaman''
''Eh ba't gusto mo malaman?''
''Para pagtawanan ka, at masabihan ka ng 'ble, buti nga''
''Bully ka talaga!''
''Mas bully ka''.
''Excuse me, dito ba ang section ng 4 emerald?'' Sabi nung babae na nasa harap ng pinto.
''Oo, dito nga Ms.'' Sabi ng mga kakalasi ko'ng lalaki. Kahit kailan talaga, makakita lang ng magandang Babae ang mga 'to. Akala mo kung sinu sa pag papaunahan.
''Ah, ganun ba. Nice meeting you all, ako nga pala si Alexandra Ilacad. Alexa for Short, your new classmate''
''Talaga Ms.? Naku, dito ka nalang ma upo sa tabi 'ko''. Sabi ni Kobi. ''Nash, lipat ka nalang''
''Eh kung yang mukha mo kaya ilipat ko jan sa upuan mo''
''Ikaw, naman Joke lang''.
''Ah Ms. Dito ka nalang sa upuan 'ko. Ako nalang lilipat''.
''Thank You''

Kakaiba talaga 'to si Kobi, basta magaganda, ang bait bait.
''Hoy ikaw. Lipat na'' sabi ni Kobi sa katabi 'ko. Abah, yabang ah.
''Hoy Kobi, ikaw maghanap ng upuan mo. Hindi yung magpapa alis ka ng upuan ng may upuan'' sabi 'ko. Mali naman kasi talaga ginawa niya. Mamimigay siya ng upuan tapos, mang aagaw siya ng upuan ng iba.
''Sharlene naman! Wag ka na maki alam.''
''Wag kang aalis 'jan'' sabi 'ko doon sa katabi 'ko.
''Alis na, sinu susundin mo ngayon. Ako o itong si Sharlene?''.
''Wag kang mamili. Basta wag kang aalis 'jan'' sabi 'ko.
''Ah, excuse me. Ah, Kobi right?'' Sabi nung transferee. ''Ako nalang mag hahanap ng chair. Balik ka nalang dito''
''Ah hindi. Ako nalang maghahanap''. Tapos nag dead look si Kobi sakin.
''Salamat Sharlene ha'' sabi nung katabi 'ko.
''Ok lang Bro, dapat hindi ka nag papatalo sa mga ganung tao''. Tapos ngumiti siya. Galit galit na, basta ang alam ko, nasa tama ako.

WHAT IFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon