"You may now kiss the bride"
*Sigh*
Buti naman tapos na. Kanina pa gutom bulate sa tyan ko, buti hindi nila kinain atay ko.
Kasal ngayon ng kuya kong bakla. Funny right? Akalain mo yun. Makakasal pa pala. Wait. Pinilit lang pala sila ikasal kasi nabuntis niya si Ate Lia. Matagal na sana silang kasal kung di lang na-ospital si kuya, kasi binugbog nung Kuya ni Ate Lia.
"Neng gusto mo hulaan kita?"
Dalawang taong gulang na ang anak nila pero natago ito ni Ate Lia kay Kuya Zake ng isang taong mahigit.
"Neng"
Teka? Sino yun? Nilibot ko na tingin ko sa labas ng simbahan, pero wala naman akong nakita.
Nasa labas na ako? Napahaba ata pagde-daydream ko para di ko mamalayang nasa labas na ako.
"Neng? Andito ako"
Kamot ulo kong hinanap yung tumatawag at nakitang nasa likod ko ito.
"Ha?" bakit po? ayan lumabas sa bibig ko kasi nakakagulat si Lola, anliit niya parang elementary lang.
"Hakdog" pagkasabi niya ay tumalikod na siya at naglakad papalayo. Ay atitod ka La?
Nakakairita naman, gutom pa naman ako. Chill lang selp masyado kang hot! Wag natin patulan baka ikulam tayo.
Hulaan daw? Sayang. Huhulaan na sana ni Lola future ko. Kung ano itsura ng mapapangasawa ko. Kung mabait, matangkad, may abs ba?
Pero wag na. Gusto ko walang clue dahil mas maganda kung may thrill. Saka baka di marunong si Lola manghula or nang-titrip lang kaya umalis agad, kaya wag na.
"Harmony!"
Narinig kong may tumawag sa maganda kong pangalan? Humarap ako sa kanila.
"Bakit?" takang sabi ko kasi akala ko nauna na silang umalis papuntang reception
"Pa-ride kami" Kaylee pleaded.
Tumango ako at sabay kaming pumunta sa pagdadaungan ng reception.
Nakarating na kami sa reception. Ang iingay nila buong byahe. Si Jewel kumakanta. Si Kaylee naman kumakanta din, mali mali nga lang yung lyrics minsan wala pa sa tono.
Pinark ko na ung sasakyan ko at sabay kaming bumaba. Nakita kong nag-aabang sa labas kapatid ko, inaabangan yata mga kaibigan niya.
Dumiretso ako sa table nila mommy kasi puno na ung iba, yung mga kaibigan ko naman nandun din sa mga magulang nila,which is katabi ng table namin. Business partners mga magulang namin slash magkakaibigan din.
Tinignan ko isa-isa mga taong nasa table namin, kilala ko lang dito si Mommy, Daddy, magulang ni Ate Lia na sina Tita Blythe at Tito Ray, tapos si Tita Sandra at asawa niyang si Tito Skyler, at ang anak nila na pinsan kong maarte na si yuca. Dalawang tao ang hindi ko alam ang pangalan, familiar lang ung mukha. Siyam lahat ng tao sa table at pag sinama ako magiging sampu.
Nag-uusap sila nung dumating ako. Kumuha na ako ng pagkain sa table, dahil gutom na gutom na talaga ako. Di parin ako napapansin ni mommy. Busy sa pakikipag-usap.
"Balae, akalain mo yun. Nagkatuluyan mga anak natin, parang kailan lang nung lagi silang nagbabangayan. At ngayon kinasal na." ani ni Tita Blythe, nanay ni Ate Lia.
"Hay naku balae, pasensya na ulit sa ginawa ng anak ko. Di ko akalain na makakabuntis siya sa ganyang bakla siya" naiiling na sabi ni mommy pero di mo kakikitaan ng dismayadong mukha ngunit kakikitaan mo ng namamaghang nangangasim na mukha.
BINABASA MO ANG
Loving my Step-Cousin is Complicated
RomanceMapipigilan ba nila ang kanilang pag-iibigan? Nang dahil sila ay mag-pinsan? Not totally cousin but STEP-COUSIN! Would they stop loving each other despite of these reason? What if that's cousin-thingy is the reason why they love each other? They s...