Wala akong duplicate na cellphone!! Isa lang yun. Malay ko bang kukunin pala nung pesteng kalabaw na yun. Ayan tuloy. Wala akong mapag-abalahan. Nilaro laro ko na lang yung ID ko. Nag bigayan na pala nung kailan ba yun? Ah nakalimutan ko na. Huwag niyo nalang isipin. Wala pala kayong isip, choss lang baka masapak ako ni author pag nawalan siya ng reader.
Naglalakad na ako papuntang parking lot. Hindi ko masasabay ngayon si Jewel. Wala kasi sakin yung cellphone, kaya hindi ko siya matetext. Saka mamaya pa uwian nila, 2:34 pa lang. Ang aga ng uwian namin. Ang tamad kasi ng teacher namin. Naturingang kapatid ng principal pero ayaw magturo. Pero wag kayo. Mabait yun. Sa mga gwapo. Minsan nga lang demonyo. Laging nakangiti kapag may lalaking nakikita. Bakla kasi.
Hindi ko na aantayin si Jewel. Mukhang okay na din naman siya eh. Hindi na siya palaging tulala, tulad kahapon.
Simula talaga nung pinatulog ko siya dun sa unit niya si Kyle. Doon na siya natulala nung umaga. Hmmm may naamoy akong malansa.
Pero hindi pa ba siya nasanay? Minsan nag-oovernight kami. Tapos magkakatabi kaming lahat matulog. Wala naman kaming problema kay Kyle. Hindi siya yung tipo ng lalaki na gagahasain ka. Matino naman siya kahit papano. Minsan topakin madalas talaga sira ang ulo.
Naalala ko na naman cellphone ko? *Buntong hininga*
Malas ko naman, baka may tumawag dun. Paano kung tumawag si mommy, tapos sagutin ni macho. Or di kaya si daddy. Baka isipin nun na bf ko siya. Ah hindi yan! Kasi pwede siyang pagkamalang si Kyle. Tama! Mamaya ko na lang kukunin. Kapitbahay ko lang naman siya eh.
Sumakay na ako sa sasakyan ko ng makarating ako sa parking lot. At pinandar na ito pauwi. Mabuti na lang hindi traffic, kaya nakauwi agad ako.
Nang makarating na ako sa loob ng condo ko. Humiga na ako sa sofa. Maaga pa naman at siguradong mamaya pa ang uwi ni macho kaya matutulog na muna ako.
Ang sarap ng tulog ko. Dahil ang ganda din ng panaginip ko. Hanggang sa tumunog tyan ko, halatang nagugutom. Kaya nagising ako. Bakit kasi sa dinami dami ng pwedeng mapanaginipan, ayun pa! Pwede naman yung iba. Bakit pagkain pa? Masarap na pagkain daw nasa harapan ko. May milktea, fries at maraming prutas. Tapos ano toh? Matigas na malambot at parang pandesal? Pandesal nga haha. Kaya sinong hindi tutunog ang tyan dyan diba? Kaya nagising ako.
Bumangon ako at muntik ng mahiga ulit sa gulat dahil...d-dahil....d-d-dahil...
W-WHAT T-THE?
Nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya. Iniisip kung panaginip ba toh'? O multo lang tong nasa harapan ko? Naguguluhan din kung bakit siya narito. At Kung paano siya nakapasok sa condo ko, at b-bakit n-naka g-ganyan l-lang siya. Nakatingin din siya sa akin. Kinikilala kung sino ako, hindi niya ba ako kilala? Kakakita pa lang namin kanina! Siya nga ang kumuha ng cellphone ko tapos ano naman ngayon? Condo ko naman kukunin niya? Ayos ah! Suntukin ko kaya toh'
'Ang OA mo teh. Kinikilala ka lang, malabo na ata mata ni insan macho. Kaya hindi ka niya masyadong nakilala. O hindi ka. Tignan mo kaya sarili mo sa salamin.' nagsasalita pala ang isip? May isip ako? May isip na ako? Seryoso? Omyyy! Paparty na ba ako?
Mindy na tawag ko sa kanya haha. Naisip ko lang yun, kasi nga. May isip na ako.
Tinignan ko nga itsura ko sa malapit na tv. Kaharap lang ng sofa. Nakikita reflection ko dito kaya kitang kita ko ang sabog kong itsura..
![](https://img.wattpad.com/cover/254179174-288-k353925.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving my Step-Cousin is Complicated
RomanceMapipigilan ba nila ang kanilang pag-iibigan? Nang dahil sila ay mag-pinsan? Not totally cousin but STEP-COUSIN! Would they stop loving each other despite of these reason? What if that's cousin-thingy is the reason why they love each other? They s...