Chapter 6

234 82 12
                                    


Nandito kami ng mga kaibigan ko sa cafeteria, kumakain malamang. Tahimik lang kaming kumakain. Walang nagbabangayan. Tinignan ko yung dalawang laging maingay. Tahimik lang sila. Hindi ko alam kung bakit ganyan sila ngayon. Tanging maingay lang ay yung mga estudyanteng kumakain. May nag chi-chismisan, naghaharutan, nag-uusap.


Hanggang sa matapos ang klase namin, halatang nagiiwasan ang dalawa. Kapag titignan ko sila, ngingitian lang nila ako. Kapag magtatama tingin nila, agad nilang iiwas. Napansin din yun ni Kaylee kanina pa sa cafeteria. Kinakausap niya si Jewel pero ayaw.


Inintindi niya na lang sa kaalamang wala sa mood makipag bangayan si Jewel kaya si Kyle na lang kinakausap niya, kaso ang tipid magsalita. Kapag magtatanong siya, tatango o iiling lang ang kanyang kambal kaya ng maboring, lumipat siya ng upuan papunta sa tabi ko. Mag Isa lang akong nakaupo, habang kumakain at sila ang harap ko, nakaupo sa gitna nila si Kaylee kaya ng lumipat si Kaylee ay nagkatabi silang dalawa. Sakin siya nakipag-usap kanina.

Naiirita na ang itsura niya ngayon dahil sa pagpipigil kaya hindi na siya nakapag pigil na magtanong.


"May problema ka ba Jewel?" nanlaki ang mata ni Jewel dahil binanggit ni Kaylee ang pangalan niya, umiling iling na lamang siya ngunit sumingkit ang mata ni Kaylee at inoobserbahan ang reaction niya.


"A-ahm kasi, masakit ulo ko... Oo tama... Uminom kaya tayo kagabi" pilit siyang tumawa. Tumango lamang si Kaylee na halatang hindi parin naniniwala.


Palabas na kami nang school. Sasabay na naman sakin si Jewel. Bakit kasi hindi niya dinadala yung sasakyan niya. Naka stock na yun sa parking. Tinanong ko siya noon kung bakit hindi niya ginagamit pero ang tanging sagot niya lamang ay...


"Nakakatamad mag-drive saka ayaw mo nun, lagi mo nang kasabay ang maganda mong kaibigan. Papuntang school at pauwi"

Hindi ako pumayag kaya sumimangot siya. Ang ingay niya kaya! Sinasabay ko siya minsan dati. Pero nang dumating yung bagong biling sasakyan niya. Hindi ko na siya sinabay, natuwa ako nun kaya kumain ako sa eat all you can. Mag-isa lang ako para sulit. Pero nung simula na yung pasukan. Sinabi niya sa aking sasabay siya kaya todo tanggi ako.


Akala ko hindi talaga siya sasabay dahil hindi na siya nagpumilit pero isang araw. Ang araw ng unang pasukan. nakita ko na lang siya sa harapan ng kotse ko, kumakanta at ginawang mic ang kamay habang nakapikit. Sumakay ako ng kotse nang hindi siya pinapansin. Ilo-lock ko na sana yung pinto sa passenger seat at back seat pero nakapasok na siya. Wala akong nagawa kaya pinaandar ko na lang papuntang school.


Hindi ko napansing nakasakay na sina Kaylee at Kyle sa kotse nila. Kumaway ako sa kanila nang paalis na kotse nila at naglakad na ako papuntang kotse ko. Lutang din ata si Jewel kaya hindi niya napansing nag-iisa na lang siya sa kinatatayuan namin kanina. Nakatulala sa papalayong kotse ng kambal. Bumilis ang lakad ko para hindi ko siya makasabay. Kaso naalala ko may problema ata si Jewel, at naawa ako kasi baka may dumaang gangster sa daan at kunin siya tapos...  tapos... Tatawagan ang magulang ng kinidnap nila at manghihingi ng ko---

"HOY, Tara na sabi ko!" sigaw ng kung sino sa tenga ko. Tinignan ko iyon nang masama dahil nalaglag ata lahat ng dumi sa tenga ko. Si Jewel na nakasakay na din pala. Siya na nga pinasabay tapos uutos utusan niya ako. Siya na din ang inaalala tapos sisigawan niya ako. Akala ko ba may problema siya at pagtulala lang alam niya. Ngumiti lamang siya sakin. Pinaandar ko na ang sasakyan papuntang condo. Nang makarating dumiretso agad ako sa unit ko para makapagpahinga.



Wala masyadong nangyari ngayon araw, bukod sa kaklase ko si macho sa tatlong subject na pinapasukan ko. Nakatulog ako dahil sa puyat at nang magising ako ay gabi na kaya ginawa ko muna lahat ng assignment. Sipag mode tayo ngayon. Minsan lang toh' kaya sulitin na natin.


Loving my Step-Cousin is ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon