Nasa kusina na ako. Hinaluglog ko yung ref para maghanap ng makakain. May nakita akong manok.
Yung patay syempre. Nasa plastic. Ipriprito ko na lang kaya kinuha ko. Bago ko isara ang ref, kumuha muna ako ng tubig. Nasa tumbler, nauuhaw ako kaya uminom muna ako bago ko ito isinara.
Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang pagkasara ko, tumambad sakin ang mukha ni macho. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Kaso naalala ko, wala pala akong dibdib.
Akala ko naka alis na toh? Anong ginagawa niya 'ulit' dito? O, baka hindi siya umalis?
"Ano na naman ba?" iritang tanong ko.
Akmang sasagot na siya nang pigilan ko siya.
"Magtagalog ka, nasa pilipinas tayo. Wala sa America" pagpigil kong aniya sa kaniya.
"Oka---"
"Sabi ng magtagalog ka!" lumakas nang kaunti ang tono ng pananalita ko. Sabi kasing magtagalog! Mabe-bleed na ang noising ko.
"S-sige" pagtatagalog niya.
Nagulat ako sa una, pero natawa kalaunan. Hahaha.
His face is priceless!
Takte! Pinunasan ko yung kaunting luhang namuo sa gilid ng mga mata ko dahil sa tawa.
"It's not funny" napatigil ako sa pag punas ng luha at tumawa na naman. Peppa pig? Gyorge yts nat funney.
Napapanood ko yun minsan. Kasi mahilig sa cartoons yung pamangkin ko.
Alam ko iniisip niyo! Iniisip niyong baliw na ako noh? Hindi pa ako baliw hahaha pero malapit na...
Nakakatawa siya magsalita. Halatang hindi sanay sa tagalog. Dagdag mo pa yung mukha niya. Mukhang binunutan ng ngipin. Nakangusong nakatingin sa akin.
Tumatawa parin ako habang nakahawak sa tiyan ko.
"Dito ako muna ako matutulog"
Natigil ako sa pagtawa at nalaglag panga dahil sa biglaang pagsabi niya nito. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya.
"ANO?" nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Anong akala niya sakin? Papayag agad? Bakit hindi muna siya magtanong?
"I said. I will sleep here." sabi niya sa tonong desidido siyang dito matutulog. Agad nagsalubong ang kilay ko sa inis.
"Huwag mo kong englishin! Saka hindi ka pa nagtatanong!" sabi ko habang nakatitig ng matalim sa kanya.
Hindi siya natinag at nagkibit balikat siya na mas lalo kong kinainis.
"You said 'hindi pa'. It means you 'gonna' allowed me here when I asked you first" aniya emphasizing the word 'gonna'. Natampal ko na lang ang noo kong airport sa inis. Tumalikod ako sa kaniya.
Magluluto muna ako. Mamaya ko na iintindihin yung sinasabi niya. Alam kong walang patutunguhan ang pag-uusap namin, at mas lalong walang patutunguhan kung hindi pa ako kakain.
Nilagyan ko na ng mantika yung kawali para magluto. Nang mapansing uminit na yung mantika, nilagay ko na sa kawali yung manok. Dahil sanay na ako, madali na lang ito para sa akin. Nakatingin lang si macho sa ginagawa ko.
Nakatingin pala siya sa naluluto ko nang manok.
Natatakam. Halata sa mukha niya. Gusto ko sana siyang bigyan kaso sakto lang ito sa akin. Sakto ang limang manok sakin.
Para bukas yung iba...
Nang matapos magluto. Kumain na ako at si macho nakatitig lang sa ginagawa ko. His eyes is pleading. Want to taste my chicken. I want to tease him so..
BINABASA MO ANG
Loving my Step-Cousin is Complicated
RomanceMapipigilan ba nila ang kanilang pag-iibigan? Nang dahil sila ay mag-pinsan? Not totally cousin but STEP-COUSIN! Would they stop loving each other despite of these reason? What if that's cousin-thingy is the reason why they love each other? They s...