Nagmamatigasan kami ng tingin. Ayaw niyang matinag. Ayaw ko din magpatinag. Tanging tunog ng orasan ang naririnig namin. Napakatahimik. Ayan ang bumabalot samin, ang katahimikan. Walang nagsasalita.
Nang may narinig kaming nabasag. Dali ko agad iyong tinakbo. Papuntang kusina. Baka daga yun, pero Wala namang daga dito.
Nagulantang ako sa nakita ko. May nabasag na isang baso. At may hayop na busy kumain.
"Kyahhhhh!" tili ko ng makita kong sino ang kumakain. Matatakot ba ako o magsasaya?
Magsasaya dahil may rabbit dito!? O matatakot dahil mukha siyang bampira kung kumain. Kahit ganun ang cute niya!
Paano pala nagkarabbit dito?
Nagulat yung rabbit sa tili ko na kanina ay nginangatngat ang carrots at ngayon ay tumakbo papunta kay macho. Ehh? Hindi ko napansin na sumunod pala siya.
"Tsk. I said hide" sabi ni macho sabay buhat sa nagtatagong rabbit. Nagtatago sa likod niya. Hindi ako nangangain noh. Pero teka? Alaga niya yan? Paano?
"S-sayo yan?" gulat parin na tanong ko. Hindi ko iyan napansin kanina dito sa kusina.
"Yeah" simpleng aniya.
"Fuck! I said hide. You don't want to see a woman trying to eat you" sinabi niya iyon ng nakatingin sa rabbit. Parang walang ibang nakakarinig.
Sinong woman ang kakain sa rabbit? Ako ba? W-what t-the?
----
Nagising ako dahil sa kumatok na may kasamang sigaw mula sa pinto. Pesteng bakulaw na yun! Nambubulabog! ang ganda ng tulog ko e.
Pigilan niyo ko, ihahagis ko na sa kaniya lampshade ko.
"HEY! HARDHEADED WITCH! GET THE FUCK UP NOW!" hindi ko nalang pinansin, bahala ka diyan. Matutulog pa ako.
Ipagpapatuloy ko ang panaginip ko. Nasa simbahan daw ako at naglalakad papuntang altar, at may nakaabang saking---
"I SAID GET UP YOUR ASS NOW!! It's already 7:40" hindi ko napansin na nakapasok na pala siya. Umupo ako mula sa pagkakahiga para isipin kung ano sinabi niya.
7:30? 7:40? 7:50?
Umalis ako sa kama saka dahan dahang naglakad sa banyo. Iniisip parin kung ano ang sinabi ni bakulaw.
Pero lumilitaw sa isipan ko ang panaginip ko. Kaya habang naliligo pinagpatuloy ko ang naputol kong panaginip. Dinugtungan ko lang ng maganda at tapos na.
Pagkatapos kong magbihis saka lang nagsink in sa utak ko na late na ako! Putek na yan! Dali dali akong bumaba para tignan kong andyan pa si machong bakulaw.
Ayun! Hinihingal ko siyang tinawag.
"Machong bakulaw!" tawag ko sa kanya kaya lumingon siya sa akin "este ezekiel" bakulaw lang dapat e, kaso nadulas dila ko kaya nasama ang macho.
Tumitig siya sa akin na parang may sinabi o ginawa akong masama sa kanya. Anong problema nito?
"A-ah a-ano yan?" hindi ko magawang tumitig sa kanya pabalik kaya yung nasa harapan niya na lang binigyan pansin ko.
Nalipat don ang tingin niya at napakamot ng ulo. Lumapit ako para matignan kung ano yun.
Napasapo ako ng ulo sa nakita.
BINABASA MO ANG
Loving my Step-Cousin is Complicated
RomansaMapipigilan ba nila ang kanilang pag-iibigan? Nang dahil sila ay mag-pinsan? Not totally cousin but STEP-COUSIN! Would they stop loving each other despite of these reason? What if that's cousin-thingy is the reason why they love each other? They s...