Nagising ako dahil sa alarm clock ko.May pasok pa pala.
Bumangon ako at naligo. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako. Pababa na ako sa hagdan ng condo ko at saktong may nag doorbell. Nakasando pa lang.
*DING-DONG*
"Sandali!" Soundproof pala :to pero kasi ang ingay. Balak niya atang sirain doorbell ko.
Tinatali ko ang necktie ko at tumakbo papalapit sa pinto. Pagbukas narinig ko agad ang pinaka-nakakairitang sigaw galing sa kaibigan ko.
"ANO NA HARMONY!? LATE NA TAYO! PAKIBILIS BILISAN NAMAN!" sigaw ni Jewel pagkabukas ko at may tumalsik na kaunting laway sa mukha ko. Gross.
"Hindi pa ako nakakapag almusal" iritang sabi ko at saktong tumunog tyan ko, senyales na gutom na ako.
Tinignan ko wristwatch ko at mas lalong nairita ng makitang isang oras pa bago ang simula ng klase.
"Pumasok ka na sa school kung gusto mo, ang aga-aga pa kaya!"
Pumasok na ako at dumiretso sa kitchen. Kumuha ako pwede ipang luto, naghanda ng ingredients. Naghahalo na ako ng ulam kong adobo. Habang nagluluto ako, may tumunog.
Brrrrgrrrr....
Brrrrgrrrr....
Pinanlisikan ko ng tingin si Jewel na sumunod pala sakin sa kusina. Tunog ng tyan niya yun. Nakayuko siya at hindi makatingin sa nanlilisik kong mata. Ayan kasi eh! Di muna kumakain. Diko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagluto. Sakto lang yung luto ko, para sakin lang kaso nakakaawa si kayamanan.
Tapos na akong magluto "O, ayan. Sabayan mo na ako, kakahiya naman sa bwisita ko"
Nag-angat siya ng tingin at ngumiti ng matamis sa akin. Inarapan ko lamang siya at magsisimula na sanang kumain.----
"Wahhh thank you bes, mahal na mahal na kita. Nabusog ako run at ang sarap"
Syempre ako pa! Minsan lang kasi ako magpakain sa niluluto ko and usually pag nagluluto ako yung wala sila.
Wala ako sa mood kaya di ko na lang siya pinansin.
Papasok na kami sa school ng makasalubong namin ang kambal.
"Akianna!"
"Beshie"
Napangiwi ako sa sinigaw ni Kyle. Binabadtrip niya ako lalo. Naglakad sila papalapit samin.
"Can you st--" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil may sumingit.
"Stop calling me that name!" Ngisi ni Kyle, tinignan ko siya ng masama.
"Alam mo naman palang ayaw ko magpatawag ng ganyan, bat mo pa pinagsigawan"
"Woah! Woah! Chill lang babe. Ang ganda kaya ng 'akianna' diba? diba?" tanong niya sa kambal niya at kay Jewel.
"H-hoy wag mo kami idamay diyan/ K-kuya labas kami diyan" sabay nilang sabi. At ngumisi sa isat Isa.
Napakamot na lang ng tenga si Kyle. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at sumunod sila. Same room kaming apat sa first subject, hanggang hapon lang ako ngayong araw at sila naman, malay ko.
5 minutes na lang ang natitira ng makarating kami sa room namin. Pumasok na ako at naghanap ng upuan. Umupo ako malapit sa may bintana sa third row. Umupo naman sa tabi ko si Kyle, sa tabi niya si Kaylee at sunod Jewel.
BINABASA MO ANG
Loving my Step-Cousin is Complicated
RomanceMapipigilan ba nila ang kanilang pag-iibigan? Nang dahil sila ay mag-pinsan? Not totally cousin but STEP-COUSIN! Would they stop loving each other despite of these reason? What if that's cousin-thingy is the reason why they love each other? They s...