"Kindly tell us your name"Napatingin ako sa harap dahil naalala kong may bagong kaklase kami, sana naman mabait at friendly, ngunit nagulat ako ng makilala.
Yuca? Dito siya mag-aaral?
Magkasalubong ang kilay niyang humarap samin, siguro may nakaaway kaya ganyan yung reaksyon. Pilit siyang ngumiti at nagpakilala.
"Yuca Shane Axtrevia here, it's nice to meet you classmate and by the way Harmony is my cousin" nginitian niya ako pero inirapan ko lang siya.
Umupo siya sa harap ng upuan ni Kyle at tinignan ako. Hindi ko siya tinignan pabalik kasi alam kong may sasabihin syang hindi maganda.
"Hey cousy, libre mo akong lunch" nakasimangot na ani.
Sabi ko na! Nakalimutan niya na naman siguro wallet niya. At dahil badtrip ako ngayon hindi ko siya pinansin. Tinignan ko lang si sir na nag didiscuss ng biglang may isa na namang pumasok ng hindi kumakatok.
Napatigil sa pagtuturo si Prof at napatingin kaming lahat sa bagong pasok ng pinto.
Sumimangot ako ng makilala kung sino ito. Wala siyang reaksyong nakatingin samin at naglakad papunta sa harap.
"Ace Ezrael Smith" pakilalang aniya at naghanap ng upuan. May bakanteng upuan sa likuran ko kaya doon siya pumwesto.
Napailing na lang si sir sa inasal ni Ace Ezrael at nagpatuloy sa pag-discuss. Napangalumbaba akong tumitig at nakinig kay sir.
Habang nakikinig, biglang tumunog tyan ko. Hayst antagal matapos. Sana pala hindi ko na pinakain sa condo ko si Jewel, edi sana nakakain ako ng maayos kanina. Sa susunod hindi ko na siya papakainin, naawa lang ako kanina.
"Goodbye class" pinaka-favorite ng lahat na sabihin ng teacher.
Pagkasabi ni Prof nun. Dumiretso na ako palabas at pumuntang cafeteria, hindi na hinintay ang mga kaibigan ko dahil naghihintay ang pagkain sakin.
Pagkapasok ko. Umorder ako ng isang salad, fries, sundae at tubig. Pagkabigay ng inorder ko, naghanap na ako ng vacant seat. Nagmadali akong pumunta ng makahanap para makakain na tyan ko kaso may nabangga ako.
"O-O-M? W-WHAT A B-BITCH!"
Pinagtinginan kami ng mga tao dahil sa sigaw niya. Dahil mas matangkad ako sa babaeng kaharap ko, natapon sa mukha niya ung sundae. Tinignan ko yung mga pagkain ko. Naawa ako bigla sa mga taong hindi kayang bumili ng ganitong pagkain. Sayang din yung pera ko.
Nagugutom na ako kaya babalik na sana ako sa counter para mag-order pero nahila ako sa braso ng kaharap ko. Irita akong humarap. Kahit naiirita, I still faced her with my bored look.
"Why hindi you looky-look sa iyong direction ha?"
"Sorry" sabi ko at inirapan siya.
Inis akong tumalikod at bumalik sa counter. Hindi pinansin banta niyan. Nagugutom na ako kanina pa. Umorder ulit ako ng inorder ko kanina, at naglakad papunta sa vacant seat. Nagsimula na akong kumain hindi pinapansin ang mga matang nakatangin sakin, dahil sa iskandalong sinimulan ng babaeng conyo kanina.
May umupo sa harapan ko at sa tabi ko. Hindi ko na lang tinignan dahil alam ko namang mga kaibigan ko ito.
"May natapunan ka raw ng pagkain Harmony?" takang ani ni Kaylee
"Ah oo, paano mo nalaman? Saka hindi ko sinasadya."
"Nakakahiya yun. Look at your uniform, there's a stain of salad na" I followed her eyes thats looking to my shirt. And there it is. She's right. May dumi nga pero hindi halata dahil kulay puti naman yung salad.
BINABASA MO ANG
Loving my Step-Cousin is Complicated
RomanceMapipigilan ba nila ang kanilang pag-iibigan? Nang dahil sila ay mag-pinsan? Not totally cousin but STEP-COUSIN! Would they stop loving each other despite of these reason? What if that's cousin-thingy is the reason why they love each other? They s...