SILYS - Ep. 29 ♥️

9.3K 103 6
                                    




•─────────★•♛•★────────•

Ep. 29

× Worth It ×

•─────────★•♛•★────────•


××× SHERYL ♥️



Umagang-umaga, ginising pa talaga ako!! May migraine pa naman ako today. Sino ba kasing  naghahanap sa'kin?! *sigh*

Pagbaba ko ng hagdan suot pa ang nightgown ko, nakita ko ang isang babaeng tumayo mula sa kanyang pagkaka-upo. Teenager. Simple lang ang damit.

"Sino ka?" tanong ko.

"Good morning, po. Nandito po ba si Thea? Kelangan ko po siyang makausap," sabi nya na tila may malaking problema.

"Wala siya ngayon, sorry. Bakit? Anong kailangan mo sa pamangkin ko?"

"Ah. . .kasi po. . ."



•─────────★•♛•★────────•

××× THEA ♥️

•─────────★•♛•★────────•

Namulat ako dahil nasisikatan na ang mukha ko ng araw. Nakaramdam ako ng malambot na unan na yakap yakap ko at naha-haplos ko.

Hmm. . . *smiles*

Nakaramdam din ako ng init na bumabalot sa buong katawan ko. Pati na ang proteksyon na nakakapagpapa-ngiti sa'kin.

Para akong nakahiga sa ulap.

Dahan-dahan kong imimulat ang mga mata ko at bumungad sa'kin si Bryan. Nakayakap sa'kin at ako rin, nakayakap sa kanya.

Wow, ang gwapo naman nito. . .

"Good morning," bulong ko. Hay, kailangan ko nang bumangon. Isa nanamang araw ng trabaho 'to!



•─────────★•♛•★────────•

××× BRYAN ♥️

•─────────★•♛•★────────•

Maya-maya, nagising ako. Umaga na pala. . .

Ang una kong hinanap ay si Thea. Nasa'n na ba siya? Wala na kasi siya sa tabi ko pagmulat ko eh. Agad akong tumayo sa higaan at pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, lumabas na ako.

Ayun, nakita ko syang nag-aayos ng mga mesa. (^____^)

Nilapitan ko sya sabay siil ng halik sa pisngi nya. "Good morning."

Sir I Love You SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon