•─────────★•♛•★────────•
Ep. 22
× Meant to Be Here ו─────────★•♛•★────────•
××× BRYAN ♥️
Tumakbo kami ni Dianne nang napakabilis papunta dun sa CR na pinagdalhan nya kay Thea.
"Sinet-up namin sya ni Vanessa dun kasama ng mga lalaki. B-balak ni Vanessa na takutin siya at magkaroon ng bagay na panakot sa kanya. Patawarin mo ko, Sir Bryan. . . Hindi ko gustong gawin yun. . ."
Ngayon, nanganganib nga talaga si Thea.
Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang gustong mangyari ni Vanessa sa kanya. Pero hintayin mo 'ko Thea. . . Ililigtas kita.
"Hello?! Victor? Oo. . . tumawag ka ng mga pulis pero wag mong ipaalam sa kahit sino. Mamaya na ako mage-explain." Binaba ko ang cellphone ko pagkatapos.
•─────────★•♛•★────────•
××× THEA ♥️
•─────────★•♛•★────────•
Pagkatapos nila akong halikan sa leeg, nakita ko namang nagbababa na ang isang lalaki ng pantalon nya. Patuloy akong lumuluha. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Hanggang dito na lang ba? Wala na ba talagang dadating. . . Diyos ko, pakinggan nyo po ako. Tulungan nyo ko.
Bryan. . . Nasa'n ka na. . .?
"And now, for the best part. O iready nyo na yang videocam. Hehehe.."
"U-Uy, akala ko ba tatakutin lang natin?"
"Eh andyan na sa harap natin oh."
Napapikit na lang ako sa gagawin nya habang unti-unting gumagapang ang kamay nya sa binti ko.
"THEA!"
Narinig ko ang boses niya.
*BAAAAAM!*
Malakas na bumukas ang pinto at sumugod si Bryan sa mga lalaking yun kaya nabitawan nila ako.
"Sino kang pakielamero ka?!" sigaw nung isang lalaki. Mag-isa lang si Bryan pero kinakaya nyang lumaban. Dahil ba. . . Dahil ba nagagalit siya. . .?
"MGA GAGO KAYO! Ang tigas din ng mukha nyo at hinawakan nyo siya?!"
Kahit na nasusuntok siya o natutumba, tumatayo pa rin siya at lumalaban. Umiiyak ako at nanginginig.
BINABASA MO ANG
Sir I Love You Sir
Teen Fiction𝓬𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭 🥨 Crush kita. Sir I'm Sorry Sir! Pero totoo ang nararamdaman ko, Sir Yes Sir! Kahit na bawal, Permission to Speak Sir! Gusto kong sabihin sayong, SIR I LOVE YOU SIR! ♥