•─────────★•♛•★────────•
Ep. 24
× Each Other's Strength ו─────────★•♛•★────────•
××× THEA ♥️
Nasa ICU na si Tita Mercy ngayon. Mabuti na lang at nakakalap kami ng sapat na pera kaagad kung hindi, baka napahamak si tita Mercy.
"Paano kayo nakakuha ng ganiyan kalaking pera?" tanong ni Dianne.
Nilapitan ko siya at inabot sa kanya ang box ng lahat ng pera. "Hindi na mahalaga yun. Ang importante, mapapa-ospital na natin si Tita."
Niyakap ako ni Dianne nang mahigpit habang lumuluha. "Salamat Thea. Maraming salamat. . . Salamat. . ." Patuloy kong hinahaplos ang likod nya nang siya'y tumahan na.
Maya-maya, narinig na lang namin na bumukas na ang pinto. Kinausap kasi ng doktor si Tito.
"Kamusta na po si Mama?" Dianne
"Maayos na siya. Kelangan lang daw magperform ng lab tests sa kanya para malaman kung paano siya magagamot nang tuluyan. Pero stable na raw ang kalagayan nya."
Nakahinga na rin kami nang maluwag. Salamat sa Diyos at hindi nya pinabayaan ang mama ni Dianne. (^_____^)
•─────────★•♛•★────────•
××× YENN ♥️
•─────────★•♛•★────────•
Nakaupo ako sa gardens at ine-enjoy ang simoy ng hangin. Habang inaalala yung mukha nung lalaking yun. Lalo na nung sinabi kong gusto ko siya. . .
"Yenn, epekto ba yan ng panic mo? Nag-panic ka ba kaya mo sinabi yun ha?!"
HAHAHHAHAH. :) Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yun. "Mababaliw nga kaya ako? Tss. . ." Hindi ko pa rin mapigilang ngumiti.
"At gusto ko, pag nagka-girlfriend ako, totoo yung nararamdaman namin sa isa't-isa. . ."
Napaka-old school. Pero ang sweet.
Bakit hindi na lang nagustuhan ni Thea si Victor?
Kung tutuusin, almost perfect na yung lalaking yun eh. Gwapo, matalino, mayaman, mabait, gentleman, maalaga at mapapagkatiwalaan. Ba't nya pinili yung Bryan na yun? Masungit, cold tsaka suplado.
(O/////////////O) OH NO.
Ano ba 'tong sinasabi ko? When did I start comparing Victor to Bryan?
BINABASA MO ANG
Sir I Love You Sir
Teen Fiction𝓬𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭 🥨 Crush kita. Sir I'm Sorry Sir! Pero totoo ang nararamdaman ko, Sir Yes Sir! Kahit na bawal, Permission to Speak Sir! Gusto kong sabihin sayong, SIR I LOVE YOU SIR! ♥