•─────────★•♛•★────────•
Ep. 28
× Promise Me ×
(TheYan Sembreak Pt. 2)
•─────────★•♛•★────────•××× THEA ♥️
Ginrab ni Bryan si Kuya Levi sa kwelyo.
"Bitawan mo sya, Bryan! Wala naman siyang ginagawang-"
Hindi nya ako pinatapos. Binitawan nya nga si Kuya Levi pero in a harsh way. Pagkatapos, bigla nya akong hinila palayo at lumabas kami ng restaurant. Dinala nya ako sa likuran.
"Ano ba!! Bitawan mo nga ako!!" sigaw ko tapos humarap siya sa'kin.
"Ano yun, ha? May pa-punas ice cream sa mukha effect ka pa?! Porket gwapo yun ha?" Aba aba!! Makapagsalita, parang siya wala ring ginawang mali.
"Eh ikaw?! May pa-heart posing ka pa kanina kasama nung mga babae ha?! KWITS LANG TAYO!!" Nanlaki mga mata nya sa'kin. Huh! (=____=) Kala mo papatalo ako sa'yo!? Ulol.
"Kahit pa no! Atleast ako, ginagawa ko yun para dumami mga customers! Di katulad mo." Ngumuso siya na parang bata.
"Ahh ganon? So mga customers na lang mahalaga sayo? Sige. SILA NA LANG I-GIRLFRIEND MO!" Magla-lakad na sana ako palayo pero hinawakan nya yung kamay ko.
"Hep!! Saan ka pupunta?! Babalik ka dun kay Levi?" tanong nya. Parehas na kami ngsalubong ang kilay.
"Oo! At balikan mo na rin yang mga customers mo. Tutal sila naman mas mahalaga sayo diba?!"
Saglit kami natahimik pagkatapos ko sabihin yan. Kasi. . . Umiiyak na pala ako.
Bigla akong niyakap ni Bryan.
"Sorry. . . It's my fault. I'm sorry." Humihikbi na ako sa dibdib niya. "I'm sorry I made you jealous. Mas mahalaga ka sa'kin."
Pinalo ko yung likod niya nang malakas. "Nakakainis ka. . ."
Tumawa siya ng kaunti. "Alam ko. I'm sorry. . . Promise, hindi ko na gagawin yun ulit." binulong nya sa tenga ko habang yakap yakap nya ako.
Napangiti na lang ako sa ginawa nya.
Kumalas ako sa kanya at hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko.
"Talaga?" tanong ko.
Nag-nod siya habang nakangiti. Tapos pinisil niya yung cheeks ko. "Oo nga. Ikaw kaya ang super cute at super selosa kong girlfriend!"
Kinurot ko naman yung ilong nya.
"At ikaw naman ang super gwapo at super seloso kong boyfriend!" At nagtawanan na lang kami. Ganun lang. Para kaming dalawang tanga.
Mga tanga sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Sir I Love You Sir
Ficção Adolescente𝓬𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭 🥨 Crush kita. Sir I'm Sorry Sir! Pero totoo ang nararamdaman ko, Sir Yes Sir! Kahit na bawal, Permission to Speak Sir! Gusto kong sabihin sayong, SIR I LOVE YOU SIR! ♥