•─────────★•♛•★────────•
Ep. 8
× Can This Be Love? ×
•─────────★•♛•★────────•
××× BRYAN ♥️
Haaay! Grabe yun ha. Grabe talaga. Nakasunod lang ako ngayon kay Thea habang nagve-vent out siya ng anger nya sakin. Ako pa talaga ang ginawang 'absorber' ng hinanakit. Tss.
Feeling ko ngayon, hindi ako officer. Kasi kinakausap nya ako na parang kaibigan lang e. Sinisigawan nya ako nang, "Diba tama naman ako!?" Syempre, nagna-nod na lang ako para hindi na lumaki ang gulo.
Di ko pa rin maalis sa isip ko yung nangyari.
"Dahil may gusto na akong iba."
"Kung ganon, sino? Sino yung lalaking gusto mo?"
"Ako. Ako yung lalaking gusto niya. May problema ba?"
*blush* Tch. Palagi na lang ako nadadawit sa buhay ng babaeng 'to. Even as far as magpanggap na kami or may something sa'min. Just for the sake of protecting her.
Aaaish! Mababaliw ako ng di oras neto eh. Nakakabanas yung feeling. Sarap manabunit ng sariling buhok.
Pagbalik namin dun sa may gym, malapit na palang matapos yung decorations sa stage. Kaso nagsisi-uwian na yung mga COCC. "Anong nangyayari?" tanong ko kay Yenn.
"Marami nang pinapauwi ng magulang." Okay, so ang nakita kong mga natira ay sina Cherry, Yenn, wala si Victor dahil absent, at si Thea. Kaming apat?!
Hinila ko si Thea sa isang sulok. "Halika nga."
Alam ko naman kasing iiyak yan mamaya dahil di pa tapos mag-vent. Kaya ayun dun kami sa isang sulok sa stage. Tahimik na sya, di katulad kanina na puro sigaw -__-
"Sino ba siya?" I broke the silence kaso tumingin siya sa'kin ng masama.
"Ano bang pakialam nyo Sir?" Aba. Wow grabe, concerned na nga ako!
"Alam mo, hindi nakakatulong kung sasarilihin mo lahat yang dinadamdam mo. Willing na nga akong makinig eh."
Nag-sigh sya.
"Siya si Michael Marquez. Ex ko, yung nanloko sakin way back when I was a first year. 2 months lang yun, pero dahil siya ang first boyfriend ko, syempre minahal ko nang todo. Kahit maganda ako, he still cheated on me. Binreak niya ako at lumipat siya ng school midyear."
Tss. May thing ba yung lalaking yun sa pagdrop at pag-enroll mid-year?
Nagpatuloy si Thea. "Simula nun, natakot ako magseryoso sa relasyon kaya walang tumatagal sa'kin."
BINABASA MO ANG
Sir I Love You Sir
Teen Fiction𝓬𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭 🥨 Crush kita. Sir I'm Sorry Sir! Pero totoo ang nararamdaman ko, Sir Yes Sir! Kahit na bawal, Permission to Speak Sir! Gusto kong sabihin sayong, SIR I LOVE YOU SIR! ♥