SILYS - Ep. 3 ♥️

15.7K 202 8
                                    




•─────────★•♛•★────────•

Ep. 3

× To Have The Chance ×

•─────────★•♛•★────────•


××× THEA ♥️



"Bakit ayaw magbukas ng pinto? TULONG!! TUUUULOOOONG!" sumisigaw na ako ng buong boses ko. Pinilit ko na ang voice box ko pero pagkatapos ng ilang ulit, sadyang walang nagbubukas ng pinto!

Tinawagan ko si Vanessa, pati na si Dianne. Ni isa. . . WALANG SUMAGOT! (>___<)  ANO BA YAAAAN! Silang dalawa na lang ang pag-asa ko!

"Pano 'to! I think walang nakakarinig sa'tin dahil soundproof ang mga kwarto dito," sabi ni Bryan. SOUNDPROOF?! Oh God.

Limang minuto na lang ang natitira sa oras. Kelangan ko ng makalabas dito! Kundi baka madisqualify pa ako. I'd lose my BIG BREAK!



•─────────★•♛•★────────•

××× Tchr. ANDREA ♥️

•─────────★•♛•★────────•


"Nasan na ba si Thea?! Don't tell me, she's LATE?!" Umiinit na ang ulo ko. How come she misses a big day and important event like this?!

"Hindi po. Kasama ko po siya kaninang umaga. I'm sure nandun na siya sa dressing room ng mga contestants dahil magkasama sila ni Bryan." sabi ni Dianne, ang bestfriend nya.

"Pero bakit hindi pa rin siya pumupunta sa atin? All of the other contestants are already done!" sigaw ko. "Kinontak mo na ba siya?" 

"Lowbat na po ako. . ."

When suddenly, dumating sa room namin si Vanessa. Nagulat kaming lahat dahil nakabihis siya pang-contest! Anong meron?! Pinull-out ko siya diba?!

"I'm ready, Teacher Andrea!" sabi nya.

"Bakit ka nakabihis? Nasa'n si Thea? Nakita mo ba siya?!" tanong ko kaagad na naguguluhan. Pero umiling lang siya.

"Hindi po eh. Pagkarating ko dun sa dressing room, wala po siya."

Limang minuto na lang. Anong gagawin ko?

"Osige. Naaalala mo pa ba ang routine? Ikaw na ang sumali sa contest! Dianne, paki-erase yung pangalan ni Thea sa registration. Si Vanessa ang isulat mo." utos ko. Lagot ka sakin Thea pag nagkaharap tayo... I can't believe magagawa mo ito sakin kung kelan mabibigyan ka na ng chance.

"Opo..." at umalis na si Dianne.

Ngumiti si Vanessa. "Thank you po. Hindi niyo 'to pagsisisihan. Ohh, wait. Hindi ba binanggit ni Dianne na magkasama sila ni Bryan? Yung boyfriend ni Thea? Siguro nakikipaglandian pa yun kaya hindi nya tayo sinipot. Kelangan natin silang hanapin mamaya. Nandito lang sila sa building."  


Sir I Love You SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon