•─────────★•♛•★────────•
Ep. 6
× Tantrums ×
•─────────★•♛•★────────•××× THEA ♥️
"Matagal na kaming wala, nung summer pa dahil nga hindi na pwede since magC-COCC siya," sabi ni Bryan. Ayan nanaman siya, nakatingin nanaman sakin!
"Oh anong ibig sabihin nyang magkasama kayo ni Vanessa?" tanong ni kuya Victor.
"I told you. . . it's a friendly date."
Bumilis ang tibok ng puso ko. So that means. . . may something? Tinatapos nya na kami to date her instead?! Bakit? Akala ko ba. . .
Akala ko, tutulungan nya ako?
Tapos bigla siyang susulpot at ipapamukha pa saking si Vanessa ang gusto nyang samahan?
"Wag mo na lang pansinin," bulong ni Kuya Victor at gaya ng sabi nya, hindi ko na lang sila pinansin para hindi na sumama ang loob ko.
"Spaghetti pa nga po!" tawag ko sa nagbabantay ng food stall. Hayyys. . . idadaan ko nalang 'to sa pagkaen!
Ayun, nung dumating sa mesa yung spghetti, lamutak kaagad ako!!! Banat kaagad! Wala na ako pake kung mawala yung pagka-mahinhin ko dito.
•─────────★•♛•★────────•
××× BRYAN ♥️
•─────────★•♛•★────────•
Natahimik na lang ako after ng lahat. Dahil nagsink-in sakin kung anong ginawa ko. Pero this is for the best. Wala naman mangyayari sa pride niya dahil hindi ako kailanman maa-'agaw' ni Vanessa.
Besides, pag nagpatuloy kami lalo lang magiging complicated ang lahat.
Eto na. Tinapos ko na para wala ng problema.
Pagkatapos nun, umupo kami ni Vanessa sa table katapat nila Thea. "Okay ka lang?" tanong niya sakin.
Nagnod na lang ako. Tapos umorder na siya. "May gusto ka bang kainin?" tanong nya ulit.
"Wala." Nakatitig lang ako sa kanila.
Na-blanko bigla ang utak ko. Wala akong maisip kundi si Victor at si Thea na magkasama. Okay lang yun, tutal, hindi naman talaga kami. Nagpapanggap lang kami. Wala akong karapatang magselos.
(O___O) Huuuuhhhh?? ANONG SINABI KO? Ako. . . Nagseselos?!
Nakatitig lang ako sa kabilang table kung saan kumakain sila pareho. Magkausap. Maya-maya, nakita kong hinawakan ni Victor ang pisngi ni Thea at saka pinunasan ang sauce ng spaghetti dito. "Dahan-dahan lang sa pagkain. Mukha ka ng baboy oh." Tapos nagtawanan sila.
BINABASA MO ANG
Sir I Love You Sir
Novela Juvenil𝓬𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭 🥨 Crush kita. Sir I'm Sorry Sir! Pero totoo ang nararamdaman ko, Sir Yes Sir! Kahit na bawal, Permission to Speak Sir! Gusto kong sabihin sayong, SIR I LOVE YOU SIR! ♥