SILYS - Ep. 34 ♥️

8K 107 18
                                    




- trigger warnings: mention of suicide -



•─────────★•♛•★────────•

Ep. 34
× Epic Fail ×

•─────────★•♛•★────────•



××× THEA ♥️



Heck! Sugod agad ako sa ospital. Ewan ko ba kung kelan ako naging ganito ka-concerned sa Tita ko. I know I hate her. Pero ngayon, as I was rushing here, pinagpe-pray kong walang nangyari sa kanyang masama.

"Tita!"  

I finally got here!

Kita ko si Tita na naka-talikod sa'kin sa hospital bed. Aish. Agad ako tumayo sa gilid ng kama niya.

"Tita. Ano pong nangyare?" tanong ko sa kanya but still wala siyang reply. Si Yaya May ang sumagot.

"Uminom po siya ng maraming sleeping pills." 

Ha!?

"What the hell were you thinking?!" sigaw ko sa kanya.

"I couldn't sleep." matipid niyang sagot. "Go away. I don't wanna see you."

Aba aba! Ako na nga 'tong nagmamalasakit e!

"Well I don't wanna see you either. K-Kaya lang. . . pag namatay ka, pa'no na yung pera ko?" I lied. Sa totoo lang, naiiyak na ako.

To think Tita wanted to take her own life. To do this to herself. . . To leave me alone.

Nasasaktan ako.

"Don't worry, ipapaayos ko na sa lawyer yung pagbalik sa'yo nun. I just wanna die." Nang sabihin nya yun, napayukom ako ng palad.

"Yaya May, iwan niyo muna kami."

Nang marinig ko na ang pagsara ng pinto, hinayaan kong bumagsak ang mga luha ko. 

"What are you saying?" bulong ko. "You want to die? Bakit? Hindi ba nakuha mo na ang gusto mo?! Yaman, mapapangasawa, at soon. . . Pamilya. Bakit?!"

"Lagi niyo na lang hinuhulaan kung ano ba talaga ang gusto ko. But you know nothing."

"Tita, nandito ako. Pakikinggan kita. I've always waited for you to open up to me. Ano ba yun? Ano bang gusto mo?" 

"I just want to end this suffering. Hindi ko na kaya. . ."

And she starts to cry.

Sir I Love You SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon