Prologue - Back to Vampire

102 8 0
                                    

Rizza's POV

"NAKAKAALALA na ko."

Ngayon lang siya nagkalakas na loob na sabihin ito yon dito. Kalong nito ang anak nila.

"Ano na ang naalala mo?" may bahid ng pag-aalala ang boses nito.

"Kailangan ko ng umuwi."

Natigil ito sa pag-ugoy sa bata.

"Dadalhin ko si Abi."

"Hindi. Hindi ka aalis."

"I already decided."

Hindi siya tumitingin dito. She really felt guilty. Pero may pamilya pang naghihintay sa kanya.

He clenched his teeth. " If you want to go, just go. I don't care. Iiwan mo ang bata."

"What? Pero bampira siya ---"

"Hindi tao sigurado. You may go now. Tutal naman, mas gustong mong magpaka-saya sa mundo mo.kaysa dito."

"Hindi sa ganon."

"Maluwag ang pinto."

She cried. Sinasaktan niya ito. Mukhang pinipigilan lang nito ang mapa-iyak.

"May I? For the last time?" paghingi niya ng permiso na kargahin niya ang anak niya.

Lalo siyang napaiyak ng bahagyang ngumiti ang bata.

"Abi... I'm so happy dahil nakita kita. Please wag kang magagalit kay mommy ah. I promise, babalikan kita. Just wait for me. I love you so much."

Hinalikan niya ang bata. Binigay niya na ito kay Yancy.

"Thanks for everything." she said.

Pagkasabi niyon ay lumabas na siya. Somehow, she understood what Yancy feels. He had loved her but she just hurt him. Someday, hihingi siya ng tawad dito.

Yancy's POV

NAG-EEMPAKE siya. He would go back to Manila.  May bahay siya doon at ilang negosyo. Doon sila titira ni Yani --- ang anak niya. Pinalitan niya ng Yohanna ang Abigail na gusto ng ina nito. Yani ang ipinalayaw niya. Napakabait na bata nito.

He loved Rizza. Pero sinaktan lang siya nito. Ang daming niyang isinakripisyo para dito. Umiinom na muli siya ng dugo para bumalik ang batang itsura niya. At para makasama ito habang buhay.

Pero hindi siya nito mahal. Mas mahal nito ang mundo nito kaysa sa kanila ni Yani. At ipinangako niya sa sarili, hinding-hindi niya ipapakita dito ang anak nila.

Human Love, Vampire Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon