Prologue - Yancy

145 8 2
                                    

Yancy was right. Bampira nga ang babaeng nasa loob ng bahay niya. Hindi nito alam na pareho sila ng eksistensya.

Yes, he was a vampire. Pero nang magkaisip siya'y sinumpa na niya ang kanyang eksistensya. Nakikit a niyang pumapatay ng tao ang ilang kamag-anak niya upang gawing merienda. Ang ilan naman ay walang awang pumapatay ng hayop. Nakainom na siya noon ng dugo ngunit ipinangako niya sa kanyang sarili na hindin-hindi na iyon mauulit.

Anak siya ng dalawang makapangyarihang bampira sa angkan nila. Isa siyang Keenes. Mabubuting bampira ang mga ito ngunit hindi niya matanggap na umiinom ito ng dugo. Kaya nang tumapak siya sa edad na beinte, lumayo siya sa kanyang pamilya.

Pinandidirihan niya ang kanayang eksistensya. Ayaw niya yun. Gusto niyang maging normal. At napadpad siya sa Baguio. Tama lamang ang klima doon para sa kanya. Ang ilang bampira, kapag nasisikatan ng araw ay naaabo na. Pero iba siya. Isa lamang ang kinatatakutan niya.

Pilak.

Oras na malagyan ang katawan niya ng elemetong yon, malamang wala na siya.

Simula ng siya'y lumayo, itinuring niya ang sarili na isang mortal. Hindi na siya umiinom ang dugo. Tiniis niya iyon. At ang naging resulta, kumkulubot ang balat niya. It's okay with him.

Isa sa pinaka-importanteng batas ng mga bampira ay wag na wag ipagsasabi sa kahit kanino ang kanilang eksistensya. At ayon kay Rizza, mukhang wala talaga itong maalala. Dahil sinabi nito sa kanya yun harap-harapan.

Sa tanan ng buhay niya, wala pa siyang nakitang  babae na tulad ni Maria Clara. Ngayon pa lang. Biglang bumukas ang pinto.

Rizza's POV

MEDYO malaki sa kanya ang damit na ipinahiram sa kanya ng estranghero. Medyo manipis ng konti. Naaaninag ang kanyang bra. Nagpasya siyang lumabas. Pagbukas ng pinto, tumambad sa kanya ang lalaki.

Ngayon lang niya ito napansin. Gwapo pala ito. Pero kulubot na ang nalat nito. Pero mukha pa naman itong bata.

"Hi. Salamat sa pagpapahiram."

"Walang anuman, Gusto mo nang kumain?"

"No, thanks. Okay lang ako."

"Bampira ka nga pala."

"Aren't you scared of me?"

"Mukha ba kong takot?" Nakangising tugon nito.

"Not at all."

Ilang sandaling katahimikan. Siya ang bumasag 'non.

"What are you doing here? Gubat 'to ah. Di ka ba natatakot?"

"I'd lived here for years. Wala pa namang nangyayari sa akin."

"Hindi mo sinagot ang unang tanong ko."

"Ha?"

"What are you doing here int his place?" ulit niya.

"I want new environment."

"Oh."

"Tara nang kumain."

Pumasok na sila.

Human Love, Vampire Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon