Prologue - Rizza Was Pregnant

97 7 0
                                    

1 month later...

Rizza's POV

RIZZA was pregnant. It was month ago nang may nangyari sa kanila ni Yancy. Pero ang laki agad ng tiyan niya. Maybe because she was a vampire. Each day had passed, naging masaya sila nni Yancy. Magkakaanak na sila. Inaalagaan siya nito ng mabuti. Sinabihan na siya nito ng "I love you" pero hindi pa din niya iyon masuklian. May kaba pa din sa kanyang dibdib. Dahil siguro ay wala siyang maalala.

"How's my pregnant wife?" nakangiting bungad ni Yancy na pumasok ito sa kwarto.

"Okay lang. Medyo sumisipa si baby,"

"Mukhang big si baby ah." anito habang hinihimas ang tiyan niya. "Ano ba ang ipapangalan natin sa kanya?"

"She's a girl. A can feel it. Gusto ko, Abigail."

"Nice name. Abigail Keenes."

She smiled.

UMALIS  si Yancy ng araw na iyon at naiwan sa bahay si Rizza. Pinupunasan niya ang lamesa ng may mapansin siyang patak na kulay pula. Amoy dugo iyon. Dugo ng hayop. Nang tikman niya iyon ay parang biglang isang palabas sa t.v. ang rumehistro sa utak niya.

Siya si Rizza Hart. Pinanganak siya sa Alaska. Mga bampira ang mga magulang niya. Gusto ng mga itong mainirahan sa Pilipinas kung saan talaga lumaki ang mga ito.

Napadpad sila sa Baguio. Doon niya nakilala si Yñigo Riegel. Isang bampira. Nagmahalan sila at nagpakasal. Nagbunga iyon. Si Atheene, ang dalawang taon nilang anak.

Nasa kalagitnaan siya ng party ni Atheene ng biglang may bumaril sa tagiliran niya. Bigla siyang nanghina at nawalan ng malay. Nagising na lamang siya na may humahaplos sa buhok niya.

 Naalala niya na ang lahat! May anak at asawa na siya! Paano niya sasabihin kay Yancy ang lahat ng tungkol dun? Ah, hindi. Hindi na muna niya sasabihin. At isa pa, nakagawa siya ng isang malaking kasalanan! Bawal na bawal na ipagsabi kahit kanino ang kanilang eksistensiya. Pero nagawa niya at may anak pa siya sa isang mortal. Hindi na niya alam ang gagawin.

Lumipas muli ang isang buwan. Ang laki na ng tiyan niya. Mukhang manganganak na siya. Nag-suggest si Yancy na kumuha sila ng komadrona pero tumanggi siya. She can take care of herself.

"How are you?"

"Medyo sumasakit na Yancy."

Manganganak na siya. Humiga siya at inililis ang damit. She began to deliver. Ilang sandali pa'y may narinig silang iyak ng sanggol. Napangiti sila.

Human Love, Vampire Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon