Chapter sixteen - Share

66 5 0
                                    

Yani's POV

INILAPAG ni Liam ang order nila sa lamesa. Nasa isang sulok silan ng cafeteria. She's with Carrie.

"Mukhang masarap ang spaghetti nila." komento niya ng hinahlo na niya ang spaghetti.

"Gusto mo ipagluto kita niyan?" wika ni Liam sa kanya.

"Sure. I didn't know, marunong ka palang magluto."

"He's just impressing you, bestie." ani Carrie pagkatapos humigop ng strawberry milk shake nito.

"Wag na wag mong titikman ang spaghetti ko pag nagluto ako."

"Whatever."

Napailing-iling na lang siya.

"Hi!"

Napalingon sila sa nagsalitang yon.

"Atheene."

"Mind if we join you?"

Kasama nito si Chris, Of course, boyfriend nito yon.

"Meron pang ibang bakante doon." nakataas ang kilay na sabi ni Carrie kay Atheene. Pinandilatan niya ito.

"Of course! Have a sit." paanyaya ni Liam. "Wag niyon na lang pansinin ang asungot na 'to. Kulang lang sa pansin yan."anito na ang tinutukoy ay si Carrie.

Kumuha si Liam ng dalawang bangko para  sa mga ito. Tumabi sa kanya si Chris.

"Thank you. By the way, I'm Atheene. Newcomer ako dito. Classmate ko si Yani."

"Really? Hindi sinasabi ni Yani na may classmate pala siyang ubod ng ganda." hirit ni Liam.

Nakayuko lang siya. Naco-conscious siya dahil katabi niya si Chris. Napatingin siya sa order nito. Spaghetti din.

"By the way, I'm Liam Jones. Senior Business Management."

"Oh, Liam. Anyway, this is my boyfriend." binalingan ni Atheene si Chris.

Chris smiled. "I"m Christoff. But just call me Chris. Classmate din ako ni Yani."

Napasinghap siya ng mahina. Ang ganda sa pandinig ng bigkasin nito ang pangalan niya.

"Aw. Di na pala ko pwedeng pumorma." kunyari ay malungkot na sabi ni Liam.

Natawa si Atheene.

"Teka, ito nga pala ang 'isip-bata' kong bestfriend." ani Liam sabay akbay kay Carrie. Nakita niyang namula  ng todo ang huli.

"H-Hi. I'm Carrie Elizabeth Carpio." kandautal na sabi ng bestie niya.

"It's nice to meet you, Carrie."

Tahimik silang kumain. Maya maya ay nagsalita uli si Liam.

"Atheene, Chris, kung gusto niyo sumama na lang kayo samin everyday. I mean, we can be friends. Tutal, newcomer pala kayo rito."

Oh no. Pag pumayag ang dalawa, lagi na niyang makakasama si Chris.

"It's nice to hear that! Are you sure?" masayang wika ni Atheene.

"Yeah."

"Honey, is it okay?" tanong nito sa nobyo.

"Of course, it will be great." tugon ni Chris.

"Carrie, is it okay?"

"Oo naman."

"Yani? Okay lang sayo?"

"H-ha?"

"What's wrong? Kanina ka pa tahimik." tanong ni Liam sa kanya.

"Nothing. Ahm, yeah. Payag ako na maging kaibigan sila."

"Thank you guys! We owe it." sabi pa ni Atheene.

Tumunog ang bell ring. Hudyat na para pumasok sa susunod na klase.

"C'mon. Pasok na tayo."

Tumayo na siya. Na-out of balance siya. Muntik na siyang masubsob kung wala ang mga kamay na nakayakap sa kanya ng mga sandaling iyon. Mga kamay ni Chris.

"Are you okay?" malumanay na tanong nito sa kanya.

Tumango siya ng sunod sunod. Tumikhim si Liam. Napatingin siya dito. Tila may bahid ng iritasyon sa gwapong mukha nito.

"Parang gusto kong magselos." sabi ni Atheene na  may nakakalokong ngiti sa labi.

Siya na ang humiwalay.

"Let's go, baka ma-late na tayo."

Sumunod na ang mga ito sa kanya.

Kamusta naman iyon?

It feels so right.

Landi!

Human Love, Vampire Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon