Chapter nine - It was Yeo

69 6 0
                                    

Yani's POV

"HEY PRETTY."

Napalingon siya sa nagsalitang iyon. Papunta na siya sa building nila.

"Liam. Naligaw ka. Hinahanap ka ni Carrie."

"I don't care about her."

"Bad. Well? Nasa west wing pa ang commerce building. Pumunta ka na doon."

"Tinataboy mo ko?"

Obviously. Male-late na ko."

"I'll help you." Akmang kukunin nito ang bag niya pero iniwas niya iyon.

"Ang kulit naman ni Liam Einstein Jones."

Napasimangot ito.

 Pag naiinis na siya dito, tinatawag niya ito sa buong pangalan. Ayaw nito nang second name nito na 'Einstein'.

Simula nang makilala niya ito noong Garde 4 siya ay naging kaibigan na niya ito. Sila nina Carrie.

Liam was a hunk. Fourth year na ito sa kursong Business Management. Certified girl magnet. Nagbibilang ito ng mga girlfriend. Minsan na nga siyang napagselosan ng isa sa mga ito. He was ver sweet. Especially to her. Iba naman ang treatment nito kay Carrie. Aso't pusa ang mga ito kung mag-away. And she find it cute. She knew, Carrie was secretly in love with their bestfriend. Hindi lang niya alam kung ganon din si Liam.

"I hate my name." he said with disgust.

"Go now."

Tatalikod na sana siya ng may narinig siyang naghahagikhikan. Papanik din ang mga ito sa building nila.

Sa babae siya unang tumingin. Ito ang babae sa parking lot kanina na pinagtitinginan ng lahat. Nginitian siya nito. Ang ganda lalo nito sa malapitan. Nakita niyang napanganga din si Liam.

At ang kasama nito... He was... Ito ang nagligtas sa kanya sa Baguio!

Nakatitig pa rin siya dito hanggang sa pumanhik na ang mga ito.

"Parang nakita mo na ang great love mo ah." untag ni Liam sa kanya.

She was very sure, ang lalaking iyon ang bumuhat sa kotse niya. It was Yeo!

"I really have to go Liam. See you later."

Pumanhik na din siya.

Human Love, Vampire Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon