Chapter three - Handsome Vampire

79 7 0
                                    

2012. Makati Towermall

NASA LIVING ROOM ng condo si Yani kasama si manang Angie, kuya Jose at ang lawyer ng daddy niya na si Attorney Eric Velasco.

She was now eighteen years old. Nasa legal age na siya para tanggapin ang kanyang mana.

Two years ago, pinalipat na siya ni attorney sa condo ng daddy niya. Ang bahay naman na tinitirhan niya ay binenta na at napunta sa isang orphanage ang pera.

Sa ngayon, nagpipirmahan na sila ng mga papeles. Binigyan ng malaking halaga ng daddy niya sina manang Angie at kuya Jose.

"Yani, may ipinagbilin ang daddy mo sa akin bago siya namatay. You need to go in  Baguio where he had live in his teenage years." sabi ng attorney.

"Ano hong gagawin ko dun attorney?"

"According to your father, you will know about your mother if you will go there. I'll give you the address later."

Maya-maya ay nagpaalam na sina manang at kuya Jose.

Marami pa silang napag-usapan ni attorney.

Sa kanya lahat napunta ang kayamanan ng daddy niya! She was now a millionaire at the very young age of 18!

Later on ay umuwi na rin ang abogado at ibinigay na ang address.

Ibabalita niya iyon sa best friend niyang sina Carrie at Liam.

Naging best friend niya na si Liam. Pilyo ito ngunit mabait. Lagi sila nitong pinapatawa. At ngayon nga, magkakasama sila hanggang college. SA FEU-Makati sila nag-aaral.

PABABA NA ng Baguio proper si Yani gamit ang Ford Focus niya. Galing siya sa bahay na kung saan tumira ang daddy niya.

Puro alikabok ang nadatnan niya. Mga insekto. Pero pumasok pa din siya dahil ang sabi ni attorney Velasco, malalaman niya daw doon ang tungkol sa mommy niya.

Pero wala siyang makita kahit isang bakas.

Bago siya nagpunta doon ay nag-enrol muna siya for second sem. At ngayon, ginabi na siya dahil nag-hintay pa siya sa bahay na iyon. Limang oras siyang nandoon pero kuliglig lang naririnig niya.

Nasa zigzag na siya ng nawalan ng kontrol ang manibela.

"Oh my god, waht's happening..."

Ayaw ma-kontrol ng manibela!

"Oh shit!" Nagdasal na siya. Lumiko pakaliwa an kotse niya. Papunta sa bangin! Napapikit na lamang siya.

Pero napadilat siya ng parang may biglang pumigil sa kotse niya. Napasigaw siya ng bigla iyong umangat.

Bigla siyang tinayuan ng balahibo. Baka isang engkanto ang gumawa 'nun!

May kumatok sa salamin. Dahan-dahan siyang tumingin dito.

God! He was... good-looking! No, he's so handsome! Ngayon lang siya na-attract sa isang lalaki. Wala sa loob na binaba niya ang bintana. Stammered na nakatingin siya dito.

"I'm Yeo."

Gosh! Ang gwapo din ng boses nito. Boyish-cut ang gupit nito. Sa tingin niya, hindi nagkakalayo ang edad nila. Seryoso ang mukha nito. At napakakinis niyon! Nakasuot ito ng black shirt, faded jeans at black rubber shoes.

"Sa uulitin, wag ka nang pupunta dito."

"H-huh? Bakit?"

"Mag-drive ka na. Hinding hindi mo na ko maaalala."

Ano'ng pinagsasabi nito? Eh, ang gwapo nito. Hindi niya ito makakalimutan.

May sasabihin pa sana siya ng bigla itong nawala. He was indeed a vampire!

A handsome vampire. Sana ay makita uli niya ito.

Human Love, Vampire Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon