Chapter twenty one - Assignment

76 6 0
                                    

Chris' POV

MALAYO PA LANG ay tanaw na niya ang kinauupuan ni Yani. Mag-isa lang ito sa cafeteria at nakatunghay sa laptop nito. He could see his photo. Winallpaper nito ang litrato niya. He felt flattered. Una pa lang niya itong nakita ay malakas na ang katak nito sa kanya. She amused him a lot. Nakita na niya halos lahat ng ekspresyon sa mukha nito. And he admit, he had a crush on her. At hindi iyon alam ni Atheene.

Atheene is more beautiful than Yani. Pero may angking ganda ang huli. She's simply attractive.

Hindi lang siya ang nagkaka-crush dito. As he look to Liam, in love ito sa dalaga. But she was not aware of what Liam's feelings.

Pupuntahan niya si Yani para magpatulong sa assignment. At para rin protektahan kay Jonas. According to Atheene, naroon din si Jonas dahil kay Yani.

Yani is just a mission. Nothing more, nothing less.

Yani's POV

NAPAPANGITI si Yani habang tinitignan ang litrato ni Chris na ginawa niyang wallpaper sa laptop niya.

"Hi!"

Dali-dali niyang isinara ang laptop niya. Napaangat siya ng tingin sa nagsalita.

"Chris!"

"Pwede magpatulong?" Umupo ito sa tabi niya.

"About saan?"

"Sa assignment natin. Kailangan ko kasi ng internet."

"Ha? W-wala ka bang cellphone?"

"Naiwan ko eh. Laptop mo na lang ang gamitin natin."

"Ano? Ah, hindi pwede eh. Nagloloko na kasi." she lied. Hindi nito pwedeng makita ang wallpaper niya.

Ngumiti pa ito. "Really? Kanina lang nakita kong may tinitignan ka eh. Napapangiti ka pa nga."

"Wala ah!" Nag-init ang magkabilang pisngi niya.

"Sige na nga, pakopya na lang."

"Nasa locker yung notes ko eh."

"Halika, kuhanin natin."

Habang papunta sa locker niya ay napansin niyang pinagtitinginan sila. Tumingin siya kay Chris. Parang sanay na sanay na ito sa paghanga. Sabagay, hindi naman kataka-taka.

"Ba't di mo kasama si Atheene?" maya-maya ay tanong niya.

"Ah, busy siya. May pinapagawa ang daddy niya sa kanya."

"Ah."

Nakarating na sila sa locker niya. May nakasandal doon. Ito ang nagpakilalang Jonas sa kanya noon. Naninigarilyo ito. Nagtakip agad siya ng ilong. She hated smoke.

"Hi, pretty." bati nito sa kanya.

She tried to smile.

"Can you excuse me?"

"Sure."

Binuksan niya ang locker niya at kinuha ang notes. Pagkatapos ay ini-lock na niya ang locker.

"Chris. Here." Iniabot niya rito ang notebook niya pero hindi ito tumitinag. Matalim itong nakatingin kay Jonas.

"Hey." untag niya sa mga ito. Bumaling sa kanya si Chris. Kinuha na nito ang notes niya.

"Yohanna."

She looked at Jonas. "How did you know---"

Itinuro nito ang laptop niya. May sticker nga pala ng pangalan niya roon.

She smiled. "You can call me, Yani."

"My pleasure."

"Let's go Yani." aya ni Chris sa kanya. Nagpatianod naman siya.

"Chris, okay ka lang?" tanong niya ng makalayo na sila. Tumahimik kasi ito bigla.

"Pasok na tayo." tanging sinabi nito.

Moody naman 'tong crush ko.

[dismissal]

Yani's POV

NAGPASYA siyang tumungo sa library pagkatapos ng klase. Nag-text sa kanya sina Carrie at Liam. Kapwa may mga gagawin daw ang mga ito kaya hindi makakapunta ang mga ito sa condo niya. Usually, doon ang hang out nila.

Binabasa niya ang libro niya. Gusto na niyang matapos iyon. Sa lahat ng gothic na nabasa niya, ang 'Riegel Clan' lang ang nakakuha ng interes niya. Naiimagine kasi niya ang bawat pangyayari doon.

Sa totoo lang, gusto talaga niya ang mga bampira. The good vampires of course. Because someone like them saved her. And it was Chris. Siguradong-sigurado siya doon. But he just deny it everytime she was going to talk about it.

5 o'clock ang closing ng library. She decided to go home. Baka mapagsaraduhan pa siya. Off duty ng araw na iyon ang librarian.

She was bout to stand up when she saw a smooth and fair palm. Tiningala niya ang may-ari non.

"Hi." Her heart sank when Chris greeted her. Hindi nito kasama si Atheene.

"Chris. What are you doing here?" Tumayo na siya pero hindi niya tinanggap ang nakalahad nitong kamay.

"Napadaan."

Nagtaka siya. "And how do you know that I'm here?"

Ngumiti lamang ito. "Come on. Magpa-five na. Let's get out of here."

Sinukbit niya ang bag niya. Magkaagapay silang naglalakad palabas.

"Yani." maya-maya ay untag nito.

"Why?"

"Can I ask you?"

"About what?"

Lumunok ito. Hinawakan nito ang kamay niya. Napahinto siya sa ginawa nito.

"You're cold. Are you okay?" she asked.

Binitiwan siya nito. "Yeah..."

"Tungkol saan ang itatanong mo?"

"Can I ask you to go out? With me?" titig na titig ito sa kanya.

Napaawang ang mga labi niya. Is he asking her for a date?

Naisatinig niya iyon. "You're asking me for a... date?"

"Yeah." Tumango tango ito. "If it's okay at wala kang gagawin."

"How about Atheene?" Muntik na niyang makalimutan na may girlfriend na ito.

He exhaled. "It's not a date as in romantically. you knoe. It's a friendly date." He smiled.

She felt a bit disappointed. "Oh."

"Trust me Yani, alam 'to ni Atheene."

"Okay." She smiled. At least magde-date sila.

Hinawakan nito ang kamay niya. "Let's go."

Human Love, Vampire Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon