Chapter nineteen - Talking About Him

68 5 0
                                    

Atheene's POV

"FUCK THAT bastard! Fuck that shit!"

Hindi niya mapigilang magmura dahil may dumating na buwisit kanina. Nasa apartment na sila ni Chris. Prenteng nakaupo ito habang siya ay palakad lakad sa harap nito. Kusa na ring lumabas ang mga pangil at matutulis niyang kuko sa halo-halong emosyon.

"Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito?" frustrated na bulalas niya.

"Calm down, Atheene." ani Chris sa kanya.

"I can't! Shit, Chris, he's nuisance to us!"

"I think alam na ni Madam na tayo ang sugo na poprotekta kay Abi. Kaya ipinadala niya rin ang anak niya para makalaban tayo sa pagkuha sa kapatid mo." litanya nito.

"Yan na nga rin ang iniisip ko, Chris. Pero bakit siya pa?"

Ang totoo, kaya namutla siya na makita si Jonas ay dahil pinipigilan niya ang sarili na sakmalin ito.

"Atheene, bakit ba ganyan ang reaksiyon mo?" nangingiting tanong nito.

"Of course! Imbes na mapadali ang pagkuha natin sa kapatid ko, may isang asungot na aali-aligid sa tabi." nakasimangot na sabi niya.

Tumawa ito.

"At anong nakakatawa?" nakataas ang kilay na sabi niya.

"Look at your face, honey. Pulang pula na. Galit ka ba o kinikilig ka?" nakakalokong tanong nito.

"Shut up!" she snapped. Binato niya ito ng remote control. Hindi ito nakailag.

"Aw! Guilty?"

"Chris, Shut up please!"

"Alright, alright." tinaas pa nito ang dalawang kamay.

She sighed. Tumungo siya sa ref at kumuha ng maliit na blood bag doon at sumipsip. Pagkatapos ay iniitsa niya iyon sa basurahan.

Pagtungo niya sa sala ay nakita niyang nanunuod na romantic movie si Chris.

"What the hell?" she blurted out.

Nakakunot noong nilingon siya nito. "What?"

"Romantic movie?"

"Why not?" Nagkibit balikat lang ito.

Umiling-iling siya. Nakinuod na rin siya. Nasa kalagitnaan na sila ng panonood ng biglang may tanong na pumasok sa isip niya.

"Chris."

"Hmmm."

"Have you been in love?" she asked solemnly.

Binalingan siya nito. "Not yet."

"Sana mainlove ka na." hling niya.

Sa buong panahong nakasama niya ito ay wala pa siyang nakikitang babae na kasama nito. Yung tipong girlfriend talaga nito.

"At bakit?"

She sighed. "Wala lang. Alam mo, suplado mo kasi. Magpaka-nice ka naman." kantiyaw niya rito.

"Oh please, Atheene."

She laughed. "O why? Hmmm, baka naman may napupusuan ka na, bro."

Tumawa lang din ito. "Eh ikaw, I know you still love him."

Nasukol siya. "Who?"

"Asus! Drop the act lil' sis. Sino pa ba? Eh di si 'Jonas'."

Pinagdiinan pa talaga nito ang pangalan ng hudyo.

Umirap lang siya. "Whatever."

Yes, Jonas was her ex-boyfriend. Ito ang kanuna-unahang boyfriend niya. But he just hurt her like hell. Nakatikim ito ng kalmot sa kanya noong araw na pinagtaksilan siya nito. Hindi naman ito nanlaban.

Napansin ni Chris ang pananahimik niya.

"Hey, I'm sorry. Makakamove on ka rin." pang-iinis pa nito.

"Shut the hell up."

Tumayo na siya at pumunta sa kwarto. Narinig pa niya ang paghalakhak nito dahil sa pagwo-walk out niya.

Human Love, Vampire Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon