Chapter twenty - Getting Friends

80 4 0
                                    

Yani's POV

NAGKAYAYAAN silang mamasyal. Of course, kasama rin nila sina Atheene at Chris. Sa ngayon, iba na ang trato sa kanya ng huli. Nginingitian na siya nito. Nagkakausap na rin sila ngunit maikling convo lang ang nangyayari.

Sa ngayon ay mag-isa pa lang siya sa isang bench sa park kung saan siya dinala ni Liam noong nakaraang araw. Doon ang tagpuan nilang lima.

"Ikaw pa lang?"

Napaangat ang mkuha niya mula sa binabasang libro. Medyo nanlaki ang mata niya.

"C-Chris."

Ngumiti ito at umupo sa tabi niya. Nailang siya.

"N-Nasaan si Atheene?"

"May bibilin lang daw siya sa mall. Susunod na lang daw siya."

"Ah." ang tanging nasabi niya.

Nalanghap niya ang kakaibang amoy nito. Ang bango niyon sa ilong niya.

"Pwedeng magtanong?" sabi nito maya maya.

"S-Sige."

"Boyfriend mo ba si Liam?" diretsahang tanong nito habang nakatingin sa mata niya.

At bakit ka interesado? "Hindi. Bakit?"

"Ang swwet niyo kaso. Bagay kayo."

Ouch.

Katahimikan.

Siya naman ang nagsalita. "Chris. May i-itatanong ako sayo."

"Ano yun?"

"Kilala mo ko diba? Ikaw ang dahilan kung bakit buhay pa ko. Ikaw ang nagligtas sakin." tahasang sabi niya. Matagal niya na ring gustong sabihin iyon dito.

Bahagyang tumigas ang anyo nito pero nanatiling nakangiti.

"Hindi ako yun, Yani."

"Nagpakilala kang Yeo at sina---"

"They're here!" putol nito.

Nakita niyang sabay-sabay dumating sina Liam, Carrie at Atheene. Iba iba ang ekspresyon ng mga ito. Si Carrie ay nanunudyo ang tingin sa kanya. Si Atheene ay nakangiti kay Chris habang si Liam ay nakakunot ang noo.

"Tara na. I'm so excited for today!" anunsioy ni Carrie ng nakalapit na ang mga ito.

"Ditto." Atheene said.

"So, let's go. Si Liam na ang bahala sa'tin." sabi naman niya.

Bago sumakay sa kotse ay sinulyapan pa niya si Chris na nakatingin din pala sa kanya. Pinagbukas siya ng pinto ni Liam. Nauntog siya paglabas niya.

"Aw!" daing niya.

"Are you okay? Kung sinu-sino kasi ang tinitignan eh." tanong ni Liam sa seryosong tono.

Lihim siyang napahiya sa sinabi nito. Habang nasa biyahe ay dinig niya ang paglalambingan ng mag-nobyo sa backseat. Pinipigilan niya ang sarili na lingunin ang mga ito. Nag-request na lang siya kay Liam na magpatugtog. Tinodo niya ang volume.

Yani's POV

SA ISANG AMUSEMENT PARK sila pumunta.

"Diyan tayo sasakay?" tanong ni Carrie sa kanila nang pumipila na sila sa Viking. Mukhang takot ito.

"Yes, bestie." siya na ang sumagot dito.

"Ahm, k-kayo na lang siguro. I'll wait here." saad nito

Hinawakan niya ito sa kamay. "Don't be scared Carrie. Mageenjoy ka dito. Diba sabi mo kanina, excited ka na? Hmmm?"

"Eh hindi kasi sinabi ni Liam na dito tayo pupunta eh." kinagat nito ang daliri. She seemed nervous.

Human Love, Vampire Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon