Kabanata 3

2.4K 83 8
                                    

SPG. Please read at your own risk.

I was always so obedient. Lahat ng gusto ni Dad, ginagawa ko. Except for being the sole heiress of the company. Hindi ako nagrebelde. Hindi ako pala-inom. Wala akong naging bisyo. Ginawa ko ang lahat para maging mabuting anak... but I think that does not matter to my father now. Walang saysay lahat ng ginawa ko kung ikukumpara sa pagiging tagapagmana ng kompanya. Walang-wala ang trabaho na meron ako ngayon kompara sa dapat sana ay posisyon ko sa kompanya.

I have million of subscribers and followers. Kumikita ako ng sapat. Marami ang nakakakilala sa'kin. Nasa tuktok ako ng aking karera. Pero parang pagkatapos ng usapan namin ni Dad, pakiramdam ko wala akong naabot. Nanliit ako ng sobra-sobra. His words invalidated my successes. Ang tagumpay ko ay isang kahihiyan para sa kanya.

"Wawa,"

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pag-iyak. In the middle of the night, I called Joshua. Gusto kong may mahingahan kahit papaano. Kahit na... hindi ako sigurado kung pwede ko bang ipaalam sa kanila.

"Han? Anong meron? Alas dose na ah?"

I felt a bit guilty when I heard his bedroom voice. Mukhang nagising lang sa tawag ko.

"I-I j-just..." I cannot finish what I am suppose to say because my tears pooled shamelessly

Remembering Daddy's words were like killing myself. Literal na sumisikip ang dibdib ko at dahil wala akong ibang magawa, gusto kong umiyak nalang ng umiyak. I've never been this helpless.

"Hoy umiiyak ka ba? Anong nangyari? Si Fahren na naman ba? Tanginang gago talaga yun-"

"No... this is not about him... n-nag-away kami..." hindi ko matuloy-tuloy

I can hear Wawa's heavy breathing on the other line. He's starting to get frustrated and angry.

"Nag-away nino? Sabihin mo sa'kin sino nagpaiyak sa'yo, sasapakin ko."

"Dad and I fought... konting misunderstanding lang..."

Gustong-gusto kong sabihin sa kanya lahat pero pinigilan ko ang sarili. With what happened, I feel like I should be in control. Ayoko nang magpadalos-dalos.... ang gusto ko nalang ay maghanap ng makakaintindi kahit mahirap maintindihan...

"Ah si tito ba? Joke lang pala yung sasapakin.... pero seryoso, nag-away kayo? Bakit naman?"

"K-Kasalanan ko... basta... it's complicated..."

"Parang relationship status? It's complicated?"

Ngumuso ako.

"Nagda-drama ka gabing-gabi na. Mali, magmamadaling-araw na pala. Ano gusto mo gawin? Inom?"

Alam kong biro niya lang yun pero sineryoso ko na.

"Tara. Bihis lang ako."

I stood up and wiped my tears. I started walking to my walk in closet to find some dress.

"Ha?!? Seryoso ka dyan? Eh nung nagbreak kayo ni Fahren hindi ka naman naglasing ah!"

That's because the pain I felt that time is shallow.

"Hindi ako maglalasing. Iinom lang. Ayaw mo?"

"Ah eh gusto! Libre mo ba?"

"Oo. Chat mo sina Claui baka gising pa."

"Sige sige. Sa The Bar nalang tayo magkita-kita?"

"Yup."

I washed my face para hindi ako magmukhang shit. After couple of minutes, I am already wearing a black stringed backless dress. Wala akong ganang magbihis kaya kung anong madampot, iyon nalang. I lazily wore my Bottega heels and tied my hair in a high ponytail. Naglipstick lang ako at nagspray ng Cartier perfume. I grabbed my Prada clutch and bumaba na.

Come Home To You (Book 1 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon