Kabanata 11

2K 70 7
                                    

After dinner, I sat on the sofa and took some time to upload the superb wedding photos. I almost clapped to myself when I saw the incredible shots. Oh well, thanks to my skills in faking emotions. Even the scene where I'm crying was captured beautifully, hindi halatang miserable ako sa kaloob-looban. I'm not taking all the credits tho, aside sa efficient ang photographer, the backdrop was just naturally so so pretty.

At... sa gabing 'yun, hindi ko pinalampas ang kagagahan ni Claui. Mygod. Remembering Khalil's smirk and Josie's innocent smile made me almost faint! 

I sent her a dm of my pic wearing my poker face, holding the red lingerie.

hannahsuarez: it's not funny clau

claudinegonzaga: I'm not asking.

I rolled my eyes.

hannahsuarez: i did not ask you for a lingerie too!

claudinegonzaga: But you clearly asked for a gift, han.

Lalo lang akong nainis. Talent talaga ito ni Claui eh.

claudinegonzaga: Why are you complaining, anyway? Victoria's Secret naman yun ah? Hindi ba kasya? Small yun, han.

hannahsuarez: wth. wala akong problema sa size or sa brand! nakita yun ni khalil clau. baka isipin niya-

Before I hit the send button, I immediately cleared my message. Oh shoot. Hindi niya nga pala alam ang real deal between me and Khalil. 

hannahsuarez: i'm just kidding ahahahaha. i like it. thankssss

claudinegonzaga: Welcome. Gamitin mo ah? Trust me kapag nakita ka ni Khalil with that lingerie on, kinabukasan tita na ako.

Eto ba ang natutunan niya kay Blue? Mygod. Dahil mukhang wala akong mapapala sa pakikipag-usap kay Claui, I turned my phone off and glance at Josie who's now sitting on the other side of the sofa, eyes on the television.

"Josie," 

Inulit ko pa ang pagtawag coz she's not listening. Mukhang sobrang engaged sa pinapanood na drama.

"Ay, yes po Ma'am?"

"Do you have a boyfriend?" I ask para may mapag-usapan

My forehead creased when her face lit up. 

"May live-in partner po ako Ma'am. May anak na po kami, 3 years old." 

"Huh? You look young!"

"Kase bata pa po talaga ako, Ma'am. Dise-sais ako nong nabuntis." 

My lips parted a bit. Hindi ko akalaing maishe-share niya sa'kin ang bagay na yun nang kay dali. She even seemed happy about it. Na para bang handa na siyang magbuntis nang mga panahong iyon kahit ang bata-bata pa.

But oh well, I can't judge her easily without considering the bigger picture. Eventually after minutes of talking, I was somehow enlightened. Her partner today happened to be her childhood sweetheart. First love niya raw kaya....

"Kayo po, Ma'am? Naniniwala po kayo sa first love never dies? Ako po kase ganun eh. Ay hala... oo nga pala at si Sir Fahren ang first love ninyo, 'di po ba?"

Natigilan ako at napakurap-kurap.

"Uh no..."

I swallowed hard when my childhood memories rushed in my mind again. 

"Talaga po? Akala ko po kase si Sir Fahren lang ang ex niyo..."

"Siya lang pero he's not my first love. Pero hindi naman ganun ka seryoso... you know, puppy love." bawi ko

Come Home To You (Book 1 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon