AA/N (Aspiring Author's Note):
I have published this chapter as Kabanata 5, I think? To those who have read it already (I saw it garnered 2 reads huhums), I'm sorry for the mistake. Wala lang talaga ako sa hulog lately dahil sa rami ng iniisip 😅. Salamat sa pang-unawa. Enjoy reading!
"Filipina influencer Hannah Suarez is engaged to Philippine Mobile Ltd. CEO Khalil Saldivar, Philippine media reports. Saldivar appeared to become involved with Suarez after the popular Youtuber broke up with her boyfriend Fahren."
Hindi maipinta ang itsura ni Claui habang binabasa ang article. Wawa and Bench who's beside her looked shock too, pare-parehong hindi maintindihan ang ire-react. Kung magagalit ba, madidismaya o magsasaya.
They went straight to my house after the article came out. Pare-parehong nakapambahay lang at mukhang matutulog na pero nang malaman ay agad na nawala ang antok.
"I'm sorry, okay? Biglaan lang kase..." I lost words
Paano ba naman kase, nagulat din ako na ngayong gabi pala ilalabas ang article na ipinagawa ni Dad. Eh kahapon lang kami nag-usap ni Khalil. Hindi man lang dinahan-dahan.
"Biglaan? What do you mean by biglaan? Ni hindi nga namin nakilala... hindi namin alam... who the hell... just, what the fuck Hannah?" galit na si Claui
"Baka scam?"
"Tanga. Si Tito Gab nga nag confirm."
"Mana lang sa'yo, Josh."
"Pero baka nga prankster narin si Tito ngayon, what do you think?"
I shut my eyes. Naka make-up pa ako't lahat-lahat coz kagagaling ko lang sa isang event. And now, this? Lalong hindi gagana ang utak ko dahil pagod!
"Wait.... wag mo sabihing eto ang dahilan ng pag-aaway niyo ni Tito, han?"
"Bakit naman nila pag-aawayan, Bench?"
"Baka kase ayaw ni Hannah na magpakasal? Baka lang naman."
Bench, you are so so right. I wish I could tell you that now.
"Hoy han, ano? Manghuhula nalang kami? Sagot ka din kaya." sarkastikong udyok ni Wawa
Dahil wala akong ibang maisip na pwedeng maging 'love story' namin ni Khalil, inamin ko nalang ang naging kagagahan ko noong highschool. Gaya ng inaasahan ko, inulan ako ng kantiyaw.
"Sabi na eh. May kababalaghan na ginawa to noon kaya naglalagi sa college lib!"
"Siya pala yun..... hmmm, no wonder why you said yes to him so fast coz matagal ka na palang patay na patay han ahahahaha."
"I think mas inlove si Khalil kase biruin niyo, nene pa itong si-"
"Hoy sinong nene?" pinandilatan ko si Claui
"Sino pa? Edi ikaw! 12 ka palang, siya bente na that time!"
"Kuya mo na yun kung tutuosin, han." panggagatong pa ni Wawa
"Age doesn't matter daw." ngumisi si Bench
"Teka lang... hindi mo nasabi kung paano mo siya nakilala. How did you meet him?"
Claudine sounded suspicious. I can't blame her, maraming loopholes ang naging kwento ko dahil nga sabaw na sabaw ako today.
"Basta I can't remember anymore. He was my crush. I confessed. And after I broke up with Fahren, I met him. And we just... you know... clicked..." it was dumb, I know pero I'm hoping they'd buy it still
"You clicked and he proposed? In span of... what? Three months? Two months? Ganun kabilis, Hannah?"
"Who knows Josh, baka gusto na din pala ni Khalil si Hannah noon. If that's the case, it isn't too fast. Matagal ding naghintay si Khalil... eight years?" si Bench
![](https://img.wattpad.com/cover/251119480-288-k496958.jpg)
BINABASA MO ANG
Come Home To You (Book 1 of You Trilogy)
RomanceHindi ipinagpatuloy ni Hannah ang kanyang pag-aaral upang sundin ang tibok ng kanyang puso. She faced the camera and became a vlogger instead. At a young age, she was one of the country's influencer. It was how she lived, not until her father reveal...