Kabanata 35

1.9K 66 3
                                    

Hindi ko na halos magawang huminga matapos marinig si Khalil. He held me softly and I feel like I am damn floating!

I still don't have any assurance if his words were true but here I am, becoming a slave to him again. Siguro dahil, noon pa man, may parte sa'king umasang hindi nga niya ako iniwan noon. Na hindi nga siya nagpakasal sa iba. I subconsciously gave him the benefit of the doubt because no matter how hard I try, I cannot unlove him. And as they say, the heart that loves hopes. Ang pusong nagmamahal ay umaasa. Kaya nga nasasaktan, hindi ba?

"You can sleep here," malambing niyang sinabi

Pumikit ako para pakalmahin ang sarili. Nang magmulat ay sinalubong ako ng mapupungay niyang mata. 

"Uuwi ako..."

Shit. I almost couldn't recognize my voice. Blame it to the alcohol, his touch and his words. Nakakapanlambot.

"Okay, then. Ihahatid kita."

Tumango ako dahil wala na akong lakas para makipagtalo. I don't think of not liking his suggestion, either.

Niyakap niya pa ako ng mahigpit at hinalikan sa noo bago hinila pabalik sa living room. There, we saw Ivan and Ate Donna. Nag-uusap sila at sabay na napatingin sa'min. Their eyes drifted to our intertwined hands. Ginapangan ng init ang aking pisngi.

"Wew. Real na real na itu." ngumisi si Ivan

Kahit papikit-pikit na ay nagawa pa siyang sawayin ni ate. Nagpaalam na silang mauuna na. Matapos nilang umalis ay tinulungan ko pa si Khalil na magligpit. 

Sa nangyari, hindi ko alam kung nahimasmasan ba ako o lalo lang nalasing. 

Bago umalis ay pinuntahan ko sina Kala at Bala sa kanilang kwarto. Pareho na silang tulog kaya nakontento na ako sa pagsilip sa kanila.

"Tara," aya ko kay Khalil na ngayon ay naka white baseball cap na 

The shape of his face was emphasized, even his angled jaw. Shocks. I didn't know he'd look this good with a cap.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Tahimik kami habang tinatahak ang garahe. 

"How 'bout my car?"

"I'll have it sent to your home, don't worry." 

Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Halos habulin ko ang sariling hininga. Kahit ang simpleng usapan ay kakaiba ang impact sa'kin.

Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto ng sasakyan. Halos murahin ko naman ang sarili while sliding into the front seat. Lahat nalang na may kaugnayan sa kanya, napapansin ko! The lemon and strawberry scent of his car. The way his veins protrude as he maneuver the steering wheel. The way his muscles tighten in his shirt was just so so sexy. At tangina lang, guwapong guwapo ako sa kanya ngayong naka-cap siya! 

"Do you have something to do tomorrow?" he casually asked

Hindi agad ako nakasagot. Kailangan kong alalahanin kung meron nga ba.

"Uh, wala naman. Mag-g-gym lang ako."

"Saang gym?"

Nautal pa ako at halos makalimutan ang gym. Look at his unwavering effect.

"What time?"

"Around 7."

Tumango siya at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Mag-g-gym din ako. Sabay na tayo."

Nag-iwas ako ng tingin. He's making my stomach party again!

Come Home To You (Book 1 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon