Eto na po ang huling kabanata ng Come Home To You. If you're reading this, maraming salamat at umabot ka rito. Epilogue is next. See you tomorrow :)
~~~
The beat of my heart was defeaning. Wala na akong ibang narinig kundi ang tibok ng aking puso at literal na nabingi ako. Nanlamig ang aking kamay at hindi ako makapaniwala.
B-Buntis...
Ako?
Nilapitan ako ni Khalil at hindi ko napansing nakaalis na pala si Doc. Namumula ang kanyang mata at gaya ko, nakaawang ang kanyang bibig. Nagbaba siya ng tingin sa aking tiyan. Kinagat niya ang kanyang labi at nakita ko kung papaano kuminang ang kanyang mata.
Nagkatitigan kami at parehong hindi makapagsalita. I burst into tears when he suddenly pulled me gently for a tight hug. Humikbi ako sa kanyang balikat. Parang sasabog ang dibdib ko sa tuwa. I am pregnant! Finally... this isn't false alarm anymore!
"Magkaka-anak na tayo..." he whispered
He showered my face light feathery kisses. Dinampian niya pa ako ng ilang maninipis na halik sa labi. Lalo akong naiyak sa titig niya. It was very passionate and caring.
"Our dream came true." he smiled
Tumango ako at hindi nakapagsalita dahil sa rami ng luha. His thumb brushed away my tears while his other hand found its way to my stomach. His rough warm palm sent me fluttering butterflies.
Sobrang init ng puso ko at lahat ng sakit ay nawala. I no longer feel tired. What a perfect time. A sign of hope. Tunay ngang mayroong bahaghari pagkatapos ng ulan. In my case, it's a baby! My baby! Our baby!
"I love you, LOML." ani Khalil, punong-puno ng emosyon
Suminghap ako at ngumuso. Natawa siya ng bahagya sa itsura ko bagama't namumula narin ang kanyang mata. He was busy wiping my tears away when I scooped his face and gave him a long passionate kiss on his lips. Binalewala ko ang nakaturok sa aking kamay. I set my inhibitions free. I want him to feel how much I love him too.
"I love you too. So much...." I said in between our kiss
I felt him smiled sweetly. Inayos niya ang aking buhok at pinatakan na naman ako ng halik sa noo. He hugged me, this time enough to give my tummy space. Walang nagsalita sa'ming dalawa. We were silent while letting the news sink in. Pareho naming pinakiramdaman ang isa't-isa. And I think, buong buhay ko, ngayon lang ako naging ganito ka saya.
I've been imagining this day would come and now that it's happening, it's unbelievable. Too surreal, even.
"Hi baby... I'm your mommy..." I cried once again while caressing my tummy
Am I really carrying a baby with me?
Is life really... prospering in my tummy?
Am I... really becoming a mom, now?
Ipinatong ni Khalil ang kanyang malapad na kamay sa ibabaw ng akin. I saw how his eyes reflected so much amusement and gratefulness.
"You'll be a great mom." komento niya
"You think so? I'm too young and inexperienced..."
Judging my life choices, am I really ready for this? Ready man ako o hindi, bahala na. I will give my child my all.
"You are a great person so you'll be a great mother as well. I'm sure of that. Besides, I'll be right here. Hindi ako aalis sa tabi mo. Lalong-lalo na ngayon."
He reached for my hand. Hinawakan niya iyon ng mahigpit. Just like that, I felt assured. Oo nga naman at napakatino ng tatay ng anak ko. Wala akong dapat ipangamba. He's Khalil. My fiancé. And he will move mountains for me, for our baby.
![](https://img.wattpad.com/cover/251119480-288-k496958.jpg)
BINABASA MO ANG
Come Home To You (Book 1 of You Trilogy)
RomanceHindi ipinagpatuloy ni Hannah ang kanyang pag-aaral upang sundin ang tibok ng kanyang puso. She faced the camera and became a vlogger instead. At a young age, she was one of the country's influencer. It was how she lived, not until her father reveal...