Pagkatapos umikot at maglalalakad upang makahanap ng makakainan, nagkasundo din ang dalawa. Pila naman ang sumunod, na nauwi sa palitan ng pag-ako ng bayad. Nanalo ang binata at pagkatapos mailatag ang mga pagkain, buong tapang naman itong nagbalanse sa hawak na tray na naglalaman ng ilang plato at baso. Medyo nagtagal ang kalbaryo. Marami kasing kumakain at mahirap makahanap ng upuan. Nanginginig at medyo pawis na ibinabaling ni Julian mula sa kanan papunta sa kaliwa ang timbang ng kanyang dala habang naghahanap ng pwesto na sasalba sa kanyang ngawit at medyo kabadong kaluluwa.
Naku naman. Wala pang maupuan. Bumubula na ang kili-kili ko sa death-defying act ng pagbuhat sa tray na ito. Paano kung biglang matapon tapos magkalat at lumikha ito ng eskandalosong ingay? Sa totoo lang, mas nakakapanghinayang yung mawawalang self-esteem sa sarili mo, dala ng mga titig ng ibang tao at mga reaksyon ng mukha nila na tila gustong sabihin na “bobits naman nito”, kaysa dun sa matatapong pagkain at softdrinks. Paano kaya kung sumigaw ako ng “may bomba!!!”? Magsisi-alisan na ba sila?
Dahil sa matinding pagko-concentrate na hindi tumilapon ang mga
dalang laman-tiyan, hindi na napansin ng binata na nakatitig sa kanya ang dalaga habang matahimik na natatawa.Helena: Okay ka lang ba?
Julian: Ha? Bakit?
Helena: Di ko kasi alam kung nilalagnat ka o constipated.
Julian: (Pekeng simangot) Ang bigat kasi ng in-order mo.
Helena: Wow. Ako pa.
Julian: Wag ka na ngang mang-asar. Humanap ka na lang ng upuan.
Helena: (Lumingon-lingon) Wala nga eh.
Julian: Bumili ka na lang ng kumot.
Helena: Bakit?
Julian: Para may mailatag tayo sa sahig at dun na lang kumain.
Helena: Desperado?
Julian: Baka romantic?
Helena: (Ngumiti) Pwede.
Mayamaya pa, tumayo ang mga gumagamit ng kalapit na lamesa. Agad silang umupo sabay lapit ang isang crew upang linisin ang pinagkainan ng naunang customer. Pagkaayos ng kanilang mga in-order, agad na dumukot sa kanyang bulsa si Julian upang kunin ang kanyang panyo. Ngunit pagkatapos ng ilang kapa sa lahat ng bulsa ay hindi niya ito matagpuan. Pinagbalingan naman niya ang kanyang bag, pero muli, bigo. Napansin ng kasama ang kanyang tila balisang paghahanap.
Helena: Oh. Anong problema?
Julian: Nawawala yung panyo ko.
Helena: Lahat sila?
Julian: Anong lahat sila?
Helena: E di ba nakaugalian mo nang magdala ng higit sa isang panyo?
Julian: (Ngumiti lang)
Helena: Tanda ko nga nun, parang lagi kang may extra, in case of emergency.
Julian: (Tumawa) Ikaw naman yung emergency noon.
Helena: (Ngumiti) Salamat ulit.
Julian: Saan?
Helena: Sa panyo. Sa jacket. Sa lahat. Noon.
Julian: Wala yun. Ang tagal na nun.
Helena: So hindi ka na nagdadala ng extrang panyo?
Julian: Hindi na.
Helena: Bakit?
Julian: Wala naman akong inaasahang emergency. Gaya ng sabi mo, lahat yun, parte ng “noon”.
YOU ARE READING
Hopia At Kamote
HumorIsa itong patunay na nasa lahi natin ang pagiging creative, kahit konti. Kaya, kung sakaling mabasa mo ito sa mga susunod na araw, buwan o taon kung kailan mage-gets mo na, sana huwag kang matakot i-express ang iyong sarili in an artistic way. Isula...