Final Part

7 1 5
                                    

Magkakasunod na iling ang sagot niya sa bawat paghinto ng sinasakyang jeep. Bawat sigaw ng jeepney driver na “Oh, lalakad na!” e gusto niyang balingan ng “Jeep ‘to manong, hindi camel”. Panay ang lingon sa relo, sabay tutok naman sa lansangang burog sa trapik. Hindi mapakali sa pagkakaupo ang binata at hindi malaman kung kakapit pa siya sa hawakan o buong biyaheng magkakamot ng ulo.

“Late ako nito, panigurado.”

Mga kalahating minuto ang nakakaraan, masarap pa ang higa niya sa kama at tuloy lang ang ngiti habang nasa gitna ng pagkakahimbing. Nang biglang kumunot ang kanyang mukha mula sa pilit na pagpikit ng mga mata upang hindi makapasok ang tila pursigidong dakot ng liwanag. Pinilit magpadala ng mensahe ng kanyang utak papunta sa diwa nitong babad pa sa panis na laway.

“Boss, parang may mali.” Ngunit pagtalukbong ng kumot ang isinagot nito.

“Drago! Gumising ka! Parang may sablay sa routine natin...”

Dahan-dahang inabot ng binata ang maalikabok na alarm clock sabay itinutok sa kalahating pikit, kalahating dilat na mga mata.

“Hala, tanghali na!!!”

Tuloy ang tigil-hintong takbo ng sinasakyan niyang jeep nang tumunog ang kanyang cellphone. Si Dennis, ka-trabaho niya.

Dennis: Asan ka na? Andito na si Kapitan Sarkastiko!

Julian: Tinanghali ako ng gising eh. Pero malapit-lapit na rin ako.

Dennis: Hinahanap ka, pre.

Julian: Sabihin mo na-traffic lang.

Dennis: Sige.

Pagdating sa opisina, nagmamadali siyang umakyat. Dire-diretso at walang lingunan habang binabaybay ang mga pasilyo. Nang papalapit na sa mismong pinto, halos patakbo niyang sinalubong ito at binuksan. Ngunit wala siyang naabutang tao sa loob. Bukas naman ang mga computer at naka-on ang air conditioning system na tanda ng pagkakaroon ng mga empleyadong pumasok.

“Ano ‘to? Wow mali? O may walkout na naganap bilang protesta sa mababang sahod?”

Mayamaya pa, humahangos pabalik sa kanyang desk ang isang katrabaho upang kunin ang ilang gamit at pagkatapos ay umalis din agad. Napansin niya ang clueless na si Julian sabay sabing nasa conference room ang lahat.

Nang pumasok siya sa nasabing kwarto, nandun ang lahat, pati na rin ang kanilang boss na naging pamoso dahil sa lakas nitong mambara. Agad siyang sinalubong ng masigabong at sarkastikong palakpalakan ng mga ka-opisina, na ang pasimuno ay ang among tinaguriang Captain Sarcasm.

Boss: How nice of you to join us, Julian. Coffee? Tea? Juice?

Julian: Sorry po, sir. Sobrang traffic.

Boss: Okay lang. Guys, ipagpaumanhin niyo ang pagiging late ni Julian. Kadadating niya lang kasi kagabi from USA at hindi niya alam na sadyang traffic araw-araw Sa Pilipinas.

Umiiling na umupo si Julian sa isang bakanteng silya.

Boss: Okay. Dahil late siya, kailangan ko na namang ulitin ang announcement. Sa Saturday gaganapin ang anniversary party ng ating kumpanya. So ibig sabihin, kasama natin lahat ng offices, departments at affiliations ng kumpanya sa buong bansa. But, we will be wearing color coded name tags, so please lang, wag kayong balik nang balik sa buffet table dahil baka mabansagan ang office natin bilang pinakamasiba.

My secretary will be giving away leaflets para sa details nung venue. Ngayon, there will be presentations, games and fun activities sa araw na yun to interact and bond with the other employees. (Ipinakita ang isang box) Nandito yung mga event na dapat nating salihan. Bubunot kayo isa-isa para malaman kung saan kayo kasali. Walang bawian. Walang makikipagpalit. At walang aayaw. Kung meron man, lapitan niyo na ako upang ma-discuss ang inyong severance pay.

Hopia At Kamote Where stories live. Discover now