Part 3

9 1 4
                                    

Simula ng bagong school week. Tulad ng mga nakalipas na araw,
nagbalak na naman siyang sabayan pauwi si Helena. Hindi niya rin
maintindihan kung bakit ba pagsabay pauwi ang kanyang ultimate plan.
Bakit di na lang niya yayaing magtanan agad ang sinisintang dalaga at
isabuhay ang sinabi sa bibliyang "humayo kayo't magpakarami?"

Lunes. As usual, balak na naman. Ang plano? Susundan niya
papuntang canteen o kung saan mang lupalop ng school kakain ang
magandang dalaga pagdating ng lunch break. Magpapanggap na hindi
niya ito napansin habang nakapila sa counter. Kunwaring magugulat pag
nagtagpo ang kanilang paningin. Kaunting kumustahan at ililibre niya
ito ng lunch. Kung hindi man pumayag si Helena, mangho-hostage siya
ng isang palaboy na paslit para mapilitan itong magpalibre. Oo, dahas
kung dahas. At pagkatapos kumain, e magtatanong siya kung maaari
ba siyang sumabay pauwi. Ang ending? Nasundan naman niya ito sa
canteen kaso mas napansin pa ni Helena ang bote ng hot sauce kaysa sa
kanyang existence.

Martes. Balak na naman. Ang plano? -ambush si crush habang
naglalakad ito pauwi. Pero para hindi halata na isa itong lihim na
patibong ng pag-ibig, kunwari siyang magtatanong ng kung anong
kaletsehan tungkol sa isang random school subject, at kapag nalito, bigla
niyang itatanong kung maaari ba siyang sumabay pauwi. Ang ending?
Nakapagtanong naman siya, kaso ang sagot ni Helena ay, "Sorry, hindi
ko alam." Badtrip. Hindi niya yun napaghandaan.

Miyerkules. May balak ulit sana siya kaso walang pasok.

Huwebes. Balak na naman as usual. Ang plano? Wala. Ang ending? Ganun parin ,Bigo

Biyernes. Huling balak para sa linggong iyon. Ang plano? Stealth
mode. Aabangan niya si Helena habang nagtatago sa likod ng plant
boxes at naka-disguise bilang isang buhay na halaman. Waiting mode
siya dun hanggang sa sumakay ng jeep si Helena pauwi. Dun siya biglang
susulpot mula sa kanyang kuta at aarteng "surprised" sa pagkakasabay nila. Ang ending? Ayos na sana. Nakapagtago siya ng maayos sa likod
ng mga halaman pero nung lalabas na siya dahil pasakay na ng jeep si
Helena, bigla siyang sinigawan ng security guard at tinanong kung ano
ang kanyang ginagawa doon. Malas, napagkamalan pang terorista.

"Ayoko na, kamote!!! Pagod na akong umisip ng plano. Pagod na
kong mabigo. Pagod na akong mag-anyong halaman. At isa pa, niloloko
ko lang ang sarili ko. E kung makasabay man ako sa kanya pauwi, anong
sunod? Plano na naman. Pagkabigo na naman. Magpapanggap na
naman akong isang halaman sa plantbox? Tama. Tama na. Baka phase
lang itong nararamdaman ko at mawawala rin paglipas ng ilang araw.
Kaunting umpog lang sa pader. Kaunting hilod habang naliligo. Kaunting
Sampal ng katotohanan. At kaunting gata ng niyog, mailalabas ko rin
itong kamoteng pakiramdam ko para kay Helena."

Lunes ulit. Wala nang plano. Pero kasawian pa rin ang resulta.
Mukhang matatagalan pa bago siya makaabante. Buti na lang at medyo
may pagka-diktador ang mga professor ngayon. Kabi-kabilang test,
reports at kung anu-ano pang dapat ipasa. Nalayo rin ang utak niya sa
kabag ng puso.

Pasado alas-sais na nang makalabas siya ng gate. Medyo gutom
at pagod mula sa pagta-type ng research paper at summary ng report
para sa mga susunod na araw. Halos wala na siyang sapat na lakas para
itaas ang kamay sa mga nagdadaang jeep upang pumara. Nakatayo
lang habang nakatitig sa semento at nagpakawala ng ilang malalalim na
hininga. Mayamaya pa, may huminto sa harap niyang pampasaherong
jeep sabay sigaw ng kondukto, "Boni oh, Boni diretso, Boni, Boni, Boni..
Dahil sa pagkabigla, napatanong siya ng "Boss, Boni?". Napakanot na
lang sa ulo at tumango ang kanyang kausap.

Pagpasok niya sa loob, medyo puno na. Naupo siya sa tabi ng isang
manong na may dalang manok na panabong. ilang segundo rin silang nagtitigan nung manok. "Si kuya naman, di man lang nilagay sa kahon,
mamaya tukain nyan yung mata ko eh', sabi niya sa sarili. Pero dahil
sa pagod, binalewala niya na lang ito at sumandal sabay panandaliang
ipinikit ang mga mata.

Hopia At Kamote Where stories live. Discover now