Part 21

8 1 4
                                    

Sabi nila, natural reflex daw ng mga lalaki ang magsinungaling. Guilty man o hindi, kwentong barbero ang unang Ialabas sa bibig nito. Para patayin ang unang baga ng pagdududa o takpan ang malaking butas ng obvious na kasalanan. Ewan ko kung totoo yun. Pero sa pagkakataong ito, ayokong magdahilan, ayokong magrason at ayokong magbigay ng paliwanag. Ayokong magsinungaling pero ayoko rin namang umamin. Ang gusto ko lang ay mapatid sa isang nakausling bakal, madapa at mabagsakan ng isang ligaw na asteroid, magising sa isang ospital kung saan may makapal na bandage ang aking noo at wala akong maaalala. Para kung sakaling tanungin ako ni Anne kung bakit ako’ nasa mall at inihatid sa sakayan ng taxi ang isang babae na hindi siya, sa importanteng araw namin na nakalimutan ko, ang isasagot ko lang ay “Ha? Sino ako? Sino ka? Nasan ako? Ang aking SSS number ba ay 34-5498984-1?” Tapos maaawa siya sa ‘kin, hihimasin ang aking noo kung saan papatak ang kanyang mga luha sa aking pisngi. At sa mismong tagpong iyon, magliliwanag ang paligid na hudyat ng aking milagrosong paggaling at pagbalik ng alaala. Yayakapin ko siya, malumanay at tila patanong na tatawagin ang kanyang pangalan saka tutugtog ang theme song sa background. Praning na ata ako. Makanguya nga ng graba bilang anti-dote.

Bumuntong-hininga sabay akma ng unang hakbang patawid. Wala nang lingun-lingon. Pero bago yun, muli siyang tumingin sa kabilang dulo. Andun pa rin at tila naghihintay si Anne.

Tulad ng pagpapabunot ng ngipin, kailangan umpisahan na ang madugong parte para matapos ang sakit at lintik na kaba. Hindi naman pwedeng buong magdamag akong makipagtaguan sa dentista. basagan nang bagang. Mauwi man sa pagkabungal, ang mahalaga, maayos pa. Kung hindi man, e di matutong ngumuya nang walang ngipin o habang puhay na mag-noodles mag-isa. Patawarin mo ako, mahal kong gilagid.

Mabagal na mga hakbang ang sumunod. Nakayuko ang binata, na paminsan-minsang pinuputol ng mga pagsulyap sa pupuntahang kasintahan. Nasa kalagitnaan na siya ng pedestrian lane nang biglang nilapitan si Anne ng isang lalaki. Napatigil si Julian, na tila isang Beatle fan na nagpapa-picture ala Abbey Road.

Sino yun? Baka holdaper? Kung ganun man, ayos ah. Maporma ang kawatan na ‘to. Naka-checkered ka pang polo, animal ka! Mag-pose ka mamaya sa mugshot mo pagkatapos kitang puksain at dalhin sa mga pulis. Teka, paano kung ako ang maupakan? Naku. Malaki pa naman ang posibilidad nun dahil sa aking angking kalampahan. Wala bang tanod sa paligid? Bahala na. Anne, sasagipin kita. Heto na si Shaider! Minus the kamote costume.

Pero bago pa man umabot sa kinatatayuan ng dalawa si Julian, agad na binati ni Anne ang lumapit na lalaki ng isang maamong ngiti na tanda na kilala niya ito. Mayamaya pa, kinuha nito ang bag ng dalaga at mukhang masaya silang naglakad palayo.

Anak ng fashionistang pagong, ang lupit ng holdaper na yun ah. Baka master ng hypnosis? Kung hindi man siya mismo, malamang may alaga siyang pokemon na gumagawa nito.

Tulalang nakatayo sa gitna si Julian. Gulat, yamot at nagtataka. Hindi pala siya ang sadya ni Anne. At malamang hindi rin siya nito nakita. Hindi pala siya ang sadya ni Anne. Kundi yung tila kawatan na maporma. Hindi pala siya ang sadya ni Anne. At hindi siya ang dahilan kung bakit nandoon ang dalaga. Hindi pala siya ang sadya ni Anne. Kundi iba. Bumalikwas lang pabalik ang kanyang ulirat nang bumusina ang isang paparating na sasakyan sabay sigaw ang driver ng “Huy! Tawid na! Ano? Na-tae ka ba sa shorts kaya di ka makahakbang?

llang minuto ang lumipas, nakasakay na ang binata pauwi. Kahit pa takaw-snatch, agad niyang nilabas ang kanyang cellphone at tinawagan si Anne. Dalawa, tatlong beses niyang sinubukan ngunit walang sumagot. Pagdating ng pang-apat na subok, tumigil ang pag-ring at pumasok ang boses ni Anne.

Anne: Hello?

Julian: Musta?

Anne: Okay lang.

Hopia At Kamote Where stories live. Discover now