Ang opisyal na unang araw sa trabaho. Armado ng todo-plantsadong polo at slacks, na sa sobrang tuwid ay may kakayahan nang tumayo mag. isa, bagong shine na sapatos na may sapat na kinang upang kausapin ito at tanungin ng “who's the fairest of them all?” at company ID kung saan pinagbawalan siyang magpose nang naka-peace sign sa gilid ng mata, buong kaba at pananabik na pumasok si Julian sa opisina. Kaunting pakilala ulit sa mga kalapit na empleyado sa kanyang cubicle, sumabak ha siya sa hamon ng pagiging employed citizen.
Ganito pala ang pakiramdam ng tunay na pagtatrabaho. Masaya, kasi alam mong sa gitna at dulo ng kalendaryo kong giveaway ng Mercury Drug, may maiuuwi akong panggastos sa sarili at sa bahay, Pero medyo mahirap din kasi hindi pa ako ganun kasanay na mautusan kung saan wala akong palag. Tipong hindi ka pwedeng bumanat ng “Ah eh... Mamaya ko na po gagawin Sir, hinihintay ko pang kumulo yung mainit na tubig para sa kape ko.”
Hindi ka rin pwede mag sakit-sakitan nang tulad sa bahay. Dahil imbes na ipagluto ka ng sopas, dito sa opisina, malamang kaladkarin nila ako palabas at itapon sa kalsada.Dahil sa paninibago at hindi gaanong kasanayan sa mga proseso, naging medyo mabagal ang usad ng pagtapos sa kanyang mga gawain. Pero buong pagnanais na isinubsob ni Julian ang kanyang mukha sa tambak na mga trabaho. At dahil sa pagiging abala, hindi na niya namalayan ang oras. Naalintana na lang niya ang pagdating ng lunch break nang ipaalala ito ng isang maamong boses.
Anne: Huy! Kumain ka muna. Kanina pa lunch break ah. Baka mamaya makita na lang kitang ngumunguya ng papel sa gutom.
Julian: (Sumilip sa relo) Oo nga, no? Tatapusin ko na lang muna siguro ‘to. Medyo mabigat naman kasi ang kinain kong almusal kanina. Hindi pa ako gutom.
Anne: Mamaya na nga yan. Tara, sabay tayo kumain.
Julian: Okay. Five minutes.
Anne: Kita na lang tayo dun sa itinuro ko sayong kainan.
Julian: Sige. Saglit na lang ‘to.
Habang sine-save ng binata ang kanyang mga ginawa sa computer, lumapit naman ang kadikit nito sa pwestong si Julius. Di tulad niya, dalawang taon na ito sa kumpanya. Popular sa mga katrabaho dahil sa pagiging madaldal nito at palabiro. Bukod sa isang beses na pagkikita nila, hindi niya masyadong kilala ang nasabing ka-opisina, kaya laking gulat niya nang bumato ito ng isang medyo personal na tanong.
Julius: Pre, syota mo ba yang si Anne? .
Julian: Hindi.
Julius: (Ngumisi) Pa-secret ka pa ah.
Julian: Hindi nga talaga.
Julius: Kung hindi kayo magsyota, sabihin mo na lang sa akin ang ginamit mong sumpa?
Julian: (Naguluhan) Huh?
Julius: Alam mo ba, sa opisinang ‘to, lima na ang sumubok na ligawan yan. Pang-anim ako. Pero lahat kami sablay. Tuwing kakausapin namin, tipong casual small talk lang o isang malamig na simangot ang isasagot na parang naka-amoy ng panis na ulam.
Julian: Baka wala lang siya sa mood ng araw na yun?
Julius: Kung ganun nga at base sa aming encounters, ibig sabihin badtrip siya 365 days a year?
Julian: (Tumawa)
Julius: Ilakad mo ako sa kanya.
Julian: Paano? E bago lang din kaming magkakilala?
Julius: Dude, nilapitan ka niya at niyayang kumain nang sabay. Kung baga sa akin, para na akong nakaakyat ng Mount Everest nun. Sige na, ilakad mo ako sa kanya. Kahit ano gagawin ko. Ako na tatapos sa mga trabaho mo. Ililibre kita ng lunch. tboboto kita bilang mode} employee of the month o of the century. Sige na. Please!!!
YOU ARE READING
Hopia At Kamote
Hài hướcIsa itong patunay na nasa lahi natin ang pagiging creative, kahit konti. Kaya, kung sakaling mabasa mo ito sa mga susunod na araw, buwan o taon kung kailan mage-gets mo na, sana huwag kang matakot i-express ang iyong sarili in an artistic way. Isula...